Chapter 18: Palawan

43 3 1
                                    

Chapter 18

Pagkagising ko ay bumungad sa akin ang chat ni Ferrer and it was a goodmorning message. Mahina akong umiling at nagreply ng 'morning'. Kahit tinatamad ako ay naligo ako at nag ayos.

Kailangan kong pumunta ng hospital ngayon dahil mamayang hapon na ang alis ko pauwi ng pilipinas. I have no plan on staying here for too long. Natatakot ako pero kampante na ako ngayon dahil sa sinabi sa'kin ni mom ngunit hindi pa rin maaalis sa'kin ang pag-aalala.

Katapos ko mag-ayos ay binuksan ko muli ang phone ko at binasa ang message ulit ni Ferrer.

Zero Ferrer:
What's your plan today?

Should I tell him my plan? Nah

Thyra Louise:
Just something important

Tinago ko na ang phone ko at kinuha ang susi ng kotse at nagdrive na papunta sa hospital. Pagdating ko ay agad kong inalagaan si mon at nagkwentuhan kami ni dad about sa mga nangyari sa pilipinas ngunit hindi ko sinali ang ibang bagay tulad nalang ang tungkol kay Jericho at kay Ferrer.

Knowing dad, he will take actions at ayoko na umabot pa sa ganon. I took their responsibility as the duchess of the royalty, kaya dapat ay magawa ko ito ng maayos. I don't want them to be burden with these problems.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi mo mamaya. Text me pagkadating mo sa pilipinas." Paalala sa akin ni dad bago ako magpaalam na umalis

"Noted dad, mamimiss ko kayo ni mom"

"Uuwi din kami kapag naging okay na ang mommy mo..." and he smiled

at sana maging maayos na ang problema sa pilipinas bago sila makauwi

UMUWI ako ng bahay para makuha ang maleta ko, ngunit nabigla ako nang makita ang isang pamilyar na kotse sa labas. Fuck, nandito na naman siya.

Bumaba ako sa kotse at nilapitan siya, "you are here again, Ferrer"

"You did not reply..."

"Pumunta akong hospital, 'kay?"

"Sinabi mo sana, akala ko kung ano na nangyari sa'yo"

"Sorry" I can't help but to cursed myself mentally, damn it bakit 'ba ako nagssorry sakaniya? Am I out of my mind?? Damn it, Thyra!

"You're going back?" he asked while looking at my luggage, mahina akong tumango. "Sabay na tayo" dagdag pa niya

"what? tapos na ba ang business meeting mo?"

mahina siyang umiling, "no but I can't let you go by your own..." 

bumuntong hininga ako, "nakarating nga ako dito ng mag isa, babalik pa kaya ng pilipinas?"

"pero--"

"Tapusin mo muna ang gagawin mo dito, Ferrer. Magkikita pa naman tayo dahil dadalhin kita sa kasal ng kapatid ko, remember?"

para siyang bata kung tumango sa sinabi ko, "then great, hatid mo nalang ako sa airport" at walang sabi na binigay ko sakaniya ang maleta ko. Sinuot ko na ang sunglasses ko at pumasok sa kotse niya. 

"Hey! Wake up, you ass!" ani ko pagpasok ko sa kotse dahil nakatulala lang siya sa kaniyang kinatatayuan. Sa pagtawag ko sakaniya ay para bang bumalik siya sa realidad at bilis-bilis na pinasok sa compartment ang maleta ko at pumasok na sa kotse.

"Seryoso ka na ihahatid kita?" he asked, tumango naman ako. "Ayaw mo 'ba? pwede naman akong pagpahatid nalang sa--"

"no no, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Nagulat lang ako...."

Royalty 1: DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon