Chapter 19
Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang papunta na kami sa restaurant na sinabi sa amin ni Kianna kanina. Sigurado akong kay Agel 'yun. Hindi kaming magkita ni Agel dahil gusto ko na tapusin ang koneksyon naming dalawa lalo na at baka madamay siya plano ni Jericho. He's a freaking Levesque, malaking gulo pag nadawit pa siya.
"Are you okay?" Zero whispered at my ears, mahina lang akong tumango, "you're pale..." he added, "I-I'm fine..." I answered and played with my fingers.
"Gusto mo ba dumiretso na tayo sa hotel?" umiling naman ako
"They invited us to eat, nakakahiya naman tumanggi" mahinang ani ko
"We're hereee" masayang sabi ni Kianna sa amin, tumingin naman ako sa labas at hindi 'nga ako nagkakamali na kay Agel ang restaurant na 'to.
Louise A
At may maliit na name na Levesque sa ilalim, bumuntong hininga ako at bumaba na sa kotse.
"You looked tired, Thyra. Should we head to the hotel?" Kianna asked me, umiling naman ako
"I'm fine, let's go inside"
Binati kami agad ng waitress at kinausap naman ito ni Kianna, buti nalang suot ko ang sunglasses ko, sana lang walang makakakilala sa akin dito at sana wala dito si Agel.
"This way for your reservation table, Ma'am" at pumasok kami sa isang part ng restaurant na may sliding door. Mukhang dito ang mga nagppareserve ng table. Binigyan kami ng menu ng waitress pagkaupo namin.
"Order lang kayo" sabi sa amin ni Kianna, binigay ko kay Zero ang menu. "Ikaw nalang umorder para sa akin, hindi naman ako mapili" ani ko at tumayo, "magccr lang ako"
Kinuha ko ang phone ko sa table at pumunta sa restroom, buti nalang may signage kaya nahanap ko agad ang restroom. Sinara ko ang pinto at tinignan ang sarili sa salamin. I retouched my lipstick, tama 'nga ang sabi ni Zero kanina namumutla. Masyado ko kasing kinakagat ang labi ko kanina kaya siguro nawala ang lipstick ko.
My phone vibrated and it was a text from Queen
From: Queen Ava
Sana pala sumama nalang ako sa'yo kaysa nasstress ako kay Michael Angelo dito, grr
From: Queen Ava
Uwi ka agad, okay? I will miss you mwah, enjoy and send my regards to Kianna. Ily :3
Napailing nalang ako at hindi ko na nireplyahan ang messages ni Queen. Sinuot ko muli ang sunglasses ko at lumabas na ng restroom. Hindi ko inaasahan na may mababangga ako at kung minalas 'nga naman, it was the Manager of the restaurant at sigurado akong kilalang kilala 'to ni Agel. I hope she doesn't know me.
"Sorry po Ma'am" tumango lang ako. Bago ko pa siya malagpasan ay napatigil ako dahil tinawag niya ang pangalan ko. Shit, ito na 'nga ba ang sinasabi ko.
"Ma'am Thyra?"
I cursed under my breath, "If you'll excuse me..." at agad na umalis at dumiretso sa table naming. Damn it, what if magsabi siya kay Agel na nandito ako? Fuck, sana isipin niya na namamalik mata lang siya.
"Are you okay, Thyra? Para kang nakakita ng multo" umupo ako agad sa upuan at uminom ng tubig
"I-I'm fine..."
"You're becoming weird..." bulong naman sa akin ni Zero, hindi na ako sumagot.
I need to calm down, ayokong dumagdag ako sa aalahanin ni Kianna.
KATAPOS namin kumain ay pumunta na kami sa hotel kung saan magsstay lahat ng pupunta sa wedding niya, I also heard that she almost reserved the whole hotel.
Binigay sa amin ni Kianna ang room card, "two beds, Thyra. Are you okay with that?" tumango ako, "Magkalapit lang ba ang room natin?" I asked
"3 rooms ang pagitan, sasamahan pa sana namin kayo sa room niyo pero may susunduin pa kami sa airport"
"It's okay, kaya na namin 'to"
"text mo nalang ako if may aberya" tumango nalang ako at umalis na sila ng fiancée niya. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan si Zero na hawak ang maleta naming dalawa.
"I think you need to rest"
"yeah...I think so..."
Naglakad na kami papunta sa elevator nang may sumigaw ng pangalan ko.
"THYRA!"
Nanigas ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon, tumingin sa gawi na 'yon si Zero habang ako nakatalikod lang.
"Do you know that man?" Hindi ko sinagot si Zero hanggang sa narinig ko na ang sapatos papunta sa amin.
Napamura ako ng mahina, "Ikaw nga, Thyra. It's been a long time..." Nilingunan ko siya at hindi ako nagkakamali. It was Agel Levesque.
Pilit ako ngumiti, "Agel" I have no plan to see him, fuck. Sigurado akong hindi niya ako titigilan katapos ang pagkikita na 'to.
"You know him?" Zero butted in, mahina akong tumango. "He is a-"
"suitor. I am her suitor for 2 years until now"
I faced palm, "what?"
"I'll explain it later, Zero. Mauna kana sa taas at susunod ako katapos namin mag-usap"
"pero-"
Hindi na siya sumagot pa dahil masama ko siyang tinignan. Malamig muna siyang tumingin kay Agel bago pumasok sa elevator.
I sighed and looked at Agel, "what are you doing here?" hinila ko siya papunta sa lobby ng hotel at doon naupo.
Umupo din siya bago nagsalita, "the manager of my restaurant that you're back here, kaya agad akong pumunta sa restaurant pero hindi kita naabutan. Mabuti nalang at nalaman ng isa kong empleyado na dito kayo didiretso"
"at bakit mo naman sinabi na manliligaw kita sa kasama ko? Hindi ka pa ba tapos sa laro-"
"laro? I never played you, Thyra. Alam mo yun at seryoso ako pagdating sa'yo. Sinabi ko naman sa'yo bago ka umalis dito na liligawan kita. Hindi lang ako makakuha ng tyempo para puntahan ka sa manila dahil sobrang-"
"dalawang taon na tayong hindi nagkita, Agel. Paano kung may boyfriend na 'ko?"
Napatigil siya sandali pero nakabawi din agad, "Meron na 'ba?" and he stared at my eyes. Napalunok ako, "wala naman diba? Kaya ipagpapa-"
"yung kasama ko kanina"
"b-boyfriend mo?"
Tumango ako, natawa naman siya ng mahina. "You've got to be kidding me, Thyra. That was Zero Ferrer. Pinsan ni Athena"
"and so? I am Thyra Louise Vernon, Agel, in case you forget..."
Mahina itong napailing, "hindi mo pa siya pwedeng ipasok sa mundo mo, Thyra."
"at ikaw pwede?" pagak akong natawa sa sinabi niya at tinignan siya ng malamig. "Hindi mo pa ako tunay na kilala, Agel. I told you my information, but you will never know my entire life" at tumayo ako
"Stay away from me, ayaw na kitang makita." At tinalikuran ko na siya, "you know that I will never stay away from you, Thyra. Kilala mo 'ko..." hindi ko na pinakinggan ang huli niyang sinabi at pumasok na sa elevator.
Inayos ko ang buhok ko habang iniisip ang huli niyang sinabi, he's right—kilala ko 'nga siya. Makulit siya hindi tulad ng kapatid niya. Ngunit meron silang paniniwala as a Levesque, and that is what a Levesque wants, he gets.
BINABASA MO ANG
Royalty 1: Duchess
Akcja❝I'm back bitches and I'll hunt you down❞ She is the Royalty's Duchess and she's back from the dead. Royalty Series 1: Duchess Started: February 1, 2021 Ended:
