Part 1. Uto-utong Girlfriend

93 2 2
                                    


Jane: Patrick bakit mo ba ako nililigawan?

Patrick: Kasi gusto kita. (Pero ang totoo kaya niya niligawan si Jane ay dahil sa alam niyang matagal na itong may gusto sa kanya.)

Jane: Parang ambilis naman. Eh diba nga binubully niyo pa ako ng barkada mo dahil maitim ako.

Patrick: Noon 'yun. :) Sorry pala ah?

Jane: Ah okay. Sige pasok na ako sa trabaho.

Patrick: Ah saglit lang. Peram muna ako ng 5K. Pwede ba?

Jane: (nahihiyang tumanggi) Ah oo.

Patrick: Ayun. Thanks Jane! :)

Jane: Welcome.

Sinagot ni Jane si Patrick after 3 weeks. Kahit na araw-araw ay humihingi ito sa kanya ng pera. (Pinakamababa na ang 500)



Pia: Hiwalayan mo na nga 'yang boyfriend mo! Palaging nanghihingi ng pera sa'yo! ATM ka ba?!

Jane: Pia, 'di pwede. Ayoko. Mahal ko siya.

Pia: Tang inang love 'yan Jane! Gumising ka nga! Hinuhuthutan ka lang nung Patrick na 'yun! Hindi ka ba nanghihinayang sa pera mo? Mahigit 15K na sana ang naidagdag mo sa ipon mo kung hindi ka pineperahan nun! Diba nga wala ka ng naitatabi na pera?!

Jane: Eh okay lang 'yun.

Pia: Bahala ka sa buhay mo! Pineperahan ka na nga ayaw mo pa hiwalayan.

Jane: Pia pwede ba? Boyfriend ko si Patrick at mahal namin ang isa't isa.

Pia: Sawa na akong ipaintindi sa'yo Jane! Kung totoong mahal niyo ang isa't isa hindi ka niya huhuthutan. (walk out)

Hindi alam ni Jane na ang perang binibigay niya kay Patrick ay pinapambisyo lang nito. Hindi sa alak at droga kundi sa babae. Ang totoo niyan diring-diri siya kapag magkaholding hands sila ni Jane. Ni ayaw niya itong yakapin at halikan sa labi.

Mark: Oy bro, musta kayo ni Jane? :-D

Patrick: Ayun, asang-asa 'yung gaga na mahal ko talaga siya. :-D

Leo: Pre, hiwalayan mo nalang kaya si Jane. Kawawa kasi siya e.

Mark: Oy Leo, anong hiwalay. Imbis na naambutan tayo kahit papano e.

Patrick: Oo nga! Saka wag ka maawa sa negra na 'yun. Hahaha!


Pero totoo na naaawa na si Leo kay Jane dahil alam niyang ginagago lang ito ni Patrick. Nabinigyan din sila pareho ni Mark ng pera galing kay Jane kapag nanghihingi si Patrick. 200-2000 ang natatanggap nila pero kahit pisong bingot ay wala siyang ginastos. Iniipon niya ang mga pera na ambon sa kanya at meron na siyang naiipon na 9, 400. Malaking halaga na. Call center kasi si Jane kaya malaki ang sahod.




Patrick: Jane, malungkot ka?

Jane: Masama kasi pakiramdam ko.

Patrick: Ah ganun ba? Uminom ka na ba ng gamot?

Jane: Oo. Ihatid mo naman ako sa bahay, gabi na kasi at nahihilo talaga ako.

Patrick: Huh? Eh 7:30PM palang naman e. Kaya mo na 'yan. May pupuntahan kasi kami ng barkada.

Jane: Ganun? Ah okay sige. Bye!

Patrick: Ah teka lang. May pera ka pa ba jan?

Jane: Wala e. Next week pa ako sasahod.

MAPAGSAMANTALAWhere stories live. Discover now