Leo: Nandito na ako. (Tawag sa bahay, nang makapasok sa gate)
Lumabas ang 3 maliliit na bata (edad, 4 & 5 & 6)
Mga bata: Kuya Leooo... (Sabay yakap sa mga hita ni Leo) 😊
Pumasok si Leo sa bahay...
Mark: Ano niya 'yan?
Patrick: Hindi ko alam. Ang alam ko lang hindi alam ni Leo na sinusundan natin siya.
Mark: So?
Patrick: Maghihintay tayo ng ilang oras hanggang sa umalis siya sa bahay na 'yan.
Mark: Sige sige.
Buong akala ng dalawa ay hindi alam ni Leo ang pagsunod nila dito. Kaya imbis na dumiretso ng Makati ay sa Pasig siya pumunta at tumuloy sa tita niya na kapatid ng papa niya.
At tulad din ng balak ng dalawa, naghintay nga sila sa paglabas ni Leo sa bahay ngunit 2AM na walang lumabas na Leo at nandun pa rin ang motor nito.
Mark: Tol wala tayong mapapala dito. Buti nalang at dinala mo 'tong kotse mo.
Patrick: Salamat sa matrona kong jowa. 😂
Mark: Dito muna ako. Nilalamok ako dun sa single ko.
Patrick: Ge lang.
4am
Mark: (tulog na)
Patrick: Mark... ( niyuyogyog si Mark) Tara na. Putang Leo 'yan pinaghintay tayo! Uwi na tayo.
Mark: Gago mo kasi. Malay mo jan siya nag-stay muna tapos balik ng Mexico. (Lumabas ng kotse at pinaandar na ang motor niya)
Umuwi na nga 'yung dalawa.
Kinaumagahan...
Leo: Bakit hindi ko siya makontak?!
Tinatawagan si Jane ngunit out of coverage ito. Kaya nagpaalam siya sa tita niya na aalis na siya.
Pumunta na siyang Makati. Pinaharurot niya ng motor at maya-maya nga ay nasa Sweet Garden Village na siya.
Ngunit 'pag dating sa bahay ay nagulat siya sa nadatnan niya.
Leo: JANE!
Note: Hanggang dito lang sana kaso naisip ko kayo readers. 😂
HOSPITAL
Leo: Kumusta po siya?
Doc: She's not fine.
Leo: Dahil po ba sa Brain Tumor?
Doc: Huh? Wala siyang Brain Tumor.
Leo: Pero 'yun po ang sabi ng Doctor niya sa Taguig.
Doc: Sir, she doesn't have brain tumor okay. Leukemia Stage 3 ang sakit niya. Kaya numinipis ang buhok niya at may mga pasa siya.
Leo: 😱 Stage 3? 😢💔
