Part 6. Masama Ba Talaga O Hindi?

37 1 0
                                        

After some minutes, pumikit na si Leo. Pero hindi 'yun dahil sa matutulog siya kundi para pilitin ang sariling sagutin ang sariling tanong sa isipan.



Pero habang nakapikit narinig niya si Jane na may sinasabi. Wari niya ay kinakausap ng dalaga ang sarili.


Jane: "Wag ka mag-alala Patrick. Babalik ako mahal ko. Magpapagaling lang ako. Babalikan kita."

Leo: "Nakita kaya niya kanina sa airport si Patrick? Ay ano ka ba Leo. Syempre hindi niya nakita kasi kung nakita niya si Patrick panigurado na nilapitan niya ito dahil mahal niya 'yung tao. Pero bakit biglang nagkaganito si Jane? Ang saya pa niya kanina bago pumunta ng cr tapos ngayon parang ang lalim ng iniisip at malumbay pa. Hay naku an - - - "



Hindi namalayan ni Leo na nakamulat na pala siya. Napamulat siya right after makinig lahat ng binulong ni Jane sa sarili. Kaya naman...



Jane: Oy! (Ginulat si Leo) Ikaw pala 'tong may malalim na iniisip e.


Leo: Hi-hindi ah.












8:00pm nagsimula ng umandar ang plane.

Habang nasa biyahe (mga 8:28 pm na), hindi pa rin mawala sa isip ni Jane si Patrick.





Jane: "Patrick? Sana pagbalik ko, mahal mo pa rin ako. Lord God tulungan niyo po ako. Sana gumaling agad ako para maka - - -



Napatingin siya kay Leo na napaunan ang ulo sa kanang balikat niya.


Parang tumayo ang balahibo niya sa braso hanggang kanang pisngi. 2 minuto ang makalipas ay gusto niya ng alisin ang pagkakaunan sa kanya ng binata dahil medyo nabibigatan na siya ngunit ng tingnan niya ang mukha nito ay napatitig siya at...




Jane: "Ang gwapo mo talaga Leo. Ang bait mo pang kaibigan. Sobrang layo mo sa boyfriend ko. Kung wala lang akong boyfriend, lalandiin kita - - - "



Jane: Ay Jane, ano ka ba! Tss. (Sinampal-sampal ang kaliwang pisngi)




Pero napaisip ule siya pagkatapos ng ilang segundo.



Jane: "Ang swerte siguro ng mamahalin nito ni Leo. Sana ako na lang ang mahalin niya kaso wala naman nang magmamahal pa sa akin, lalo na ngayon sa hitsura ko. Si Patrick lang ang lalaking nagmahal sa akin at hinding-hindi ko 'yun sasayangin. Walang kaso sa akin ang pera. Ang mahalaga sa akin ay si Patrick dahil kapag nagkahiwalay kami sigurado akong wala ng magmamahal sa akin. Tama lang talaga 'yung desisyon ko na hindi nagpakita sa kanya dahil hindi ko kakayanin kapag hiniwalayan niya ako."













Flashback



Jane: Pia: Hindi ako makakapag-enroll ngayong taon.

Pia: Ako rin nga e. Sabay-sabay kasi ang gastusin.

Jane: Apply tayo sa Call Center.

Pia: Sige.


2nd year College ng tumigil silang magkaibigan. At nag-apply bilang call center agents. At natanggap nga sila at nang sila ay maregular sa trabaho, sumasahod sila ng 40K monthly.


Pia: Parang nagteacher na rin tayo. :-)




Isang gabi habang pauwi sila ni Pia nakasalubong nila sina Patrick, Mark, Jude, at iba pa.



Jane: Aray!

Patrick: Ay tao pala 'yun? HAHAHA!

Sinadyang sanggiin ni Patrick si Jane.


4th year high school palang si Jane ng nagsimula si Patrick na bullyhin ito.

School mate kasi sila kaya lang hindi nakagraduate si Patrick kasi tamad ito pumasok. Isa hanggang tatlong beses lang sa isang buwan kung pumasok ito tapos hindi pa gumagawa ng projects, activities, at assignments. Ni wala nga ding exams.



Pia: Ang hilig kang bullyhin niyan.


Jane: Mamahalin niya ako balang araw at hihintayin ko 'yun.

Pia: Gaga! Binubully ka nga crush mo pa rin?!



End of Flashback












Napapangiti naman si Jane sa pag-aalala sa mga panahong binubully siya ni Patrick.




Jane: Sabi na nga ba e. Mamahalin mo rin ako. :-)





May kaya ang pamilya ni Patrick,
katunayan niyan judge ang papa niya. Kaya lang natanggal sa pagiging judge ang papa niya ng mapatunayang nagbabaliktad ito ng kaso. Kung saan mas malaki ang makukuhang pera dun siya.



Solong anak lang si Patrick. Namatay ang mama niya ng ipinanganak siya nito at siya din ang sinisisi ng papa niya hanggang ngayon.



At dahil kumalat ang maduming gawain ng papa niya, maraming tao ang nangmamaliit sa kanilang mag-ama kaya itinanim niya sa isip niya na walang sinuman ang pwedeng mangmata sa kanya. Kaya nagpakabadboy siya at hindi agad nagtitiwala sa kahit sino.



Ang totoo niyan, hindi lang naman si Jane ang hinuhuthutan niya ng pera. Marami siyang hinuhuthutan at okay lang sa kanya 'yun. At pumapatol din siya maging sa matrona para lahat ng luho maibigay sa kanya.


Hindi lang talaga babae ang dahilan kaya siya nanghuhuthot ng pera sa mga nagiging karelasyon niya. Kung tutuusin, 'yung mga babae nga ang lumapit sa kanya dahil sa matipuno at lalaking-lalaki niyang katawan. Mahitsura si Patrick kaya kahit alam ng mga karelasyon niya na marami sila, hindi sila nakikipagkalas dito. Tanging si Jane lang may ibinibigay sakanya na maliit na halaga ng pera. Katunayan niyan, 138, 000 na ang naiipon niya sa bangko.




Wala siyang pinagsasabihan tungkol dun. Kahit si Mark ay hindi alam na may ipon na siya na ganun kalaking halaga.


Sa totoo lang, lahat ng binigay sa kanya ni Jane ay nakabango. Ang ginagastos at ibinabalato niya madalas sa barkada ay ang perang galing sa matrona.


May pinag-iipunan kasi siyang sobrang importante. At walang ibang nakakaalam nun kundi siya.






*******

MAPAGSAMANTALAWhere stories live. Discover now