SWEDEN
Pagkadating nila sa Sweden ay agad silang tumuloy sa bahay ng mga ates ni Leo.
Dun sila magsstay hanggang sa gumaling si Jane.
**** FastForward
2 years ng ginagamot ang sakit ni Jane. At tulad ng inaasahan nilang lahat, unti-unting gumagaling ang dalaga.
Sa loob ng dalawang taon na 'yun ay hindi nakalimutan ni Jane si Patrick. Ang goal niya kasi kaya gusto niya gumaling ay para makauwi na siya ng Pinas at para makausap ang kasintahan.
Monthly nalang ang dalaw ni Jane sa hospital, hindi tulad noong una na na'confined siya ng 9 months.
Tuesday. Nasa salas si Jane at nanunuod ng 'One More Chance' sa tv. Habang nanunuod ay umiiyak ito.
Jane: Sana ako nalang. Ako nalang ulit... *sniff*
Nakita naman ni Leo ang dalaga at alam niya ang dahilan kung bakit ito umiiyak. Kaya lumapit siya nang nakangisi kay Jane. Pero dahil busy sa panunuod ang dalaga, hindi siya nito napansin, at isa pa nasa bandang likuran nito si Leo.
Jane: Nakakainis naman 'to si Popoy e. *nayayamot sa karakter ni JL*
Si Leo naman ay natutuwang pinagmamasdan si Jane.
Jane: Talagang mas pinili niya 'yung Trisha na 'yun kesa kay Basha! Nakakainis ka! May nalalaman kapang She Loved Me At My Worst jan. *sniff*
Magsasalita sana si Leo. Sasagutin niya sana 'yung tinuran ni Jane kay Popoy kaya lang, walang lumabas na words sa labi niya ng muling nagsalita si Jane.
Jane: Kapag ako bumalik ng Pilipinas, makikita ko na siya ulit...
Alam ni Leo na si Patrick ang tinutukoy ni Jane. At dahil sa mahal niya ang dalaga, ay nakaramdam siya ng inggit at selos.
Dala ng pagkaselos ay biglang may lumabas na salita sa bibig niya nang hindi sinasadya.
Leo: Psh! May iba na 'yun. (sabay kuha ng remote at in'off ang tv)
Nagulat si Jane sa ginawa ng binata. At...
Jane: Oy grabe ka naman. Nanunuod ang tao e. Akin na 'yan.
Leo: Bawal!
Jane: Eh nanunuod nga ako e.
Leo: Wag ka manuod. Kung anu-ano naiisip mo. Kung sinu-sino pa pumapasok sa isip mo.
Jane: Badtrip naman 'to e. Andun na ako sa climax nung story oh. Akin na 'yan!
Leo: Ayoko nga sabi e.
Jane: Ang baliw mo. Napapano ka ba?
Leo: Eh pangit naman kasi ending niyan e.
Jane: Bakit?
Leo: Hindi sila magkakabalikan... tulad niyo...
Jane: Huh? Anong sabi mong panghuli?
Leo: Wala. Sabi ko madamot ka!