Part 5. Maling Akala

33 1 0
                                    

Nang makita ni Patrick kung sino ang pinuntahan ni Pia sa airport ay napatulala siya. Gusto niyang isipin kung bakit at paano... Mga 3 minutes pa ang nakalipas nang magsalita si Patrick.




Patrick: Anong ibig sabihin nito? ('Di makapaniwala)



Mark: Lapitan kaya natin. Galawang bobo eh!





Agad pumasok ng airport ang dalawa at nilapitan nga sina Pia nang hindi namamalayan ng mga ito.



Pia: Ah ganun ba? (Sabi kay Leo)

Patrick: Anong ibig sabihin nito? (Parang gusto magtanong kung PAANO. Naguguluhan talaga siya)



Nagulat naman sina Pia kina Patrick at Mark.


Mark: Gago din 'to si Leo eh!



Siniko ni Pia si Leo, dahilan para magsalita ito.



Leo: Ah kumusta mga pre? Paalis na ako. 😊

Patrick: Halata naman. Balik ka na ng Mexico?

Leo: Oo e.

Patrick: Eh bakit pinuntahan ka pa dito ni Pia? 😁 Kayo ba? 😄

Mark: Oo nga. Kaya siguro natagalan ka bago bumalik ng Mexico 'no? 😄

Pia: O-oo. Ganun nga. Ka-kami. Bakit? Any problem?

Patrick: Wala naman. 😊






Biglang sumabat si Mark.


Mark: Eh kasi akala niya kikitain mo si Jane kasi sabi niya nasa Batangas naman daw pamilya mo. Hahaha! Ano 'tol? Na'wow mali ka 'no? Hahahaha. 😂






Tiningnan ng masama ni Patrick si Mark, dahilan para tumahimik ito.






Sina Leo at Pia naman ay kinakabahan na baka makita ni Patrick si Jane.








'Pag kadating kasi ni Pia sa Airport ay sakto namang nakaramdam ng ihiin si Jane kaya pumunta ito ng comfort room. Pumila pa ito kaya medyo natagalan. At nang pabalik na nga sana siya sa pwesto nila ni Leo ay nakita niyang kausap nina Leo at Pia sina Patrick at Mark, kaya bumalik siya ng cr at doon nagpalipas ng ilang minuto. 7:45pm ng lumabas ng cr si Jane.
At nang tingnan niya kung nandun pa rin sina Patrick ay nakahinga siya ng maluwag. Wala na kasi 'yung dalawa.








Leo: Jane! Dalian mo. Pumila na tayo. Tara na.

Pia: Jane, ingat ka dun ah? Ingat kayo sa biyahe. (Nagmamadali) (Niyakap si Jane)

Jane: Bakit kayo parang natataranta? (Kunwari wala siyang alam)

Leo: Para maganda ang pwesto natin sa plane. 😊

Jane: Ah...

Pia: Buti nga at ang tagal mo sa cr e.

Jane: Bakit? May nangyari ba?

Pia: Wala naman. Hehe!

Jane: Sobrang haba kasi ng pila. Hehe!

Leo: Let's go? (Tanong kay Jane)

Jane: Sige.

Pia: Ingat kayo ah. 😊






Nakasakay na ng plane sina Leo at Jane.





PLANE

Napansin ni Leo na parang may malalim na iniisip si Jane kaya tinanong niya ito.


Leo: Jane, anong iniisip mo?


Jane: Ah Leo, kanina nung nasa CR ako, anong ganap niyo ni Pia?

Leo: Nag-usap lang kami habang hinihintay ka. Balak ka nga sanang puntahan kaya lang, pagod pa daw siya sa biyahe. Bakit?


Jane: Wala man. 😊







Naisip ni Leo na magsinungaling nalang kay Jane kaysa sabihin na pumunta si Patrick ng airport. Naisip niya kasi na baka saktan ni Patrick si Jane dahil ang buong akala nito ay hiniwalayan talaga siya ng gf. Saka ayaw na rin niyang makita pa ni Jane si Patrick.




Ngunit, iba naman ang naisip ni Jane. Dahil sa alam naman niyang pumunta ng airport si Patrick naisip niya tuloy na...





"Siguro, miss na miss na ako ni Patrick, 3 months na kaming hindi nagkikita. Okay na 'yun na hindi niya ako nakita kasi baka hiwalayan niya lang ako kapag nakita niya ang hitsura ko ngayon. Pero bakit kaya nagsinungaling sina Leo at Pia saken? Ano bang meron? Magkakilala kaya sina Leo at Patrick? Pwede! Kasi parang close sila habang magkausap e. Imposible namang close ni Pia ang bf ko. Eh halos pataying niya na nga si Patrick sa isip niya. Tapos - -"

Leo: Jane?

Jane: Huh?

Leo: Kanina pa kita tinatanong kung okay ka lang ba talaga.

Jane: O-okay lang ako. 😊

Leo: Are you sure?

Jane: (tumango)

Leo: Really?

Jane: Oo nga. :-)












After some minutes...

*****

Nt: Bitin ka ulit 'no? Hahaha! :-D Ganito lang talaga ako ka'sweet. :-D

PS: Ano sa tingin niyo ang magaganap sa plane after some minutes?

MAPAGSAMANTALAWhere stories live. Discover now