Isang araw bumalik si Leo sa dating bahay niya at nakita siya ni Mark na kasalukuyang nasa Basketball court.Mark: "Si Leo ba 'yun? Oo nga si Leo nga."
Pinuntahan ni Mark si Leo sa bahay ngunit naabutan nitong may kausap si Leo na stranghero.
Lalaki: 2 Million.
Leo: 2.8 sir. Bago lang 'yan e. Wala pa 'yang isang taon. Nito ko lang 'yan binili 'pag uwi galing Mexico.
Lalaki: Magkano ba 'to nung binili mo?
Leo: 3.1
Lalaki: Okay. Sige sige.
Iniabot ng lalaki ang cheke kay Leo. 2.8 Million Pesos ang halaga.
Hindi naman sobrang yaman ng pamilya ni Leo, galing din sila sa simpleng buhay kaya lang nakapagtapos ang 5 niyang kapatid at nagtulong-tulong ang mga ito para magkaroon ng negosyo. Dalawang kapatid niyang babae ay nasa Sweden, ang gay naman niyang kapatid ay sa Korea, at silang 3 lalaki ay sa Mexico with their parents. Umuwi lang siya para magbakasyon. Graduating na sana siya kaya lang hindi siya umuwi ng Mexico para mag-enroll, iniisip niya kasi si Jane.
Mark: "Bakit niya ibinenta 'tong bahay?"
Leo: Thank you sir. Okay na po lahat ng papeles. Pede na kayo lumipat ngayon. :-)
Lalaki: Salamat din. :-)
'Pag labas niya ng bahay ay nakita niya si Mark.
Leo: Oh Mark?
Mark: How are you dude?!
Leo: Okay naman.
Mark: Bakit mo binenta?
Hindi sinagot si Leo ang tanong ni Mark.
Leo: Ah, una na ako ah.
Mark: Ge.
Agad minessage ni Mark si Patrick.
"Tol, nakita ko si Leo."
Matagal na kasing hindi sumasama si Leo sa kanila. Inakala pa nga nilang bumalik na itong Mexico ngunit sa nakita at nalaman ni Mark napag-alaman niyang nandito pa si Leo sa Pinas.
Convo
Patrick: Imposible 'yan tol. Nasa Mexico na si Leo, mag 3 months na.
Mark: Eh gago! Sino pala nakita at nakausap ko?
Patrick: Tangna tol. Iba ang epekto sa'yo ng droga.
Mark: Totoo! Sinusundan ko siya ngayon. Boulevard High Way tol.
Hindi na nagreply si Patrick.
SM
Mark: Ano bang gagawin nito dito?
Tinawagan ni Mark si Patrick.
PHONE
Mark: SM tol.
Patrick: Andito ako. Kita ko si Leo.
Mark: Anong balak mong gawin?
Patrick: Susundan natin siya.
Tulad ng napag-usapan, sinundan nga nila si Leo at pumasok ito sa Fam Village.
Patrick: Sinong pupuntahan niya dito?
Mark: Hindi ko alam. Eh bakit ba si Leo sinusundan natin? Dapat si Jane diba?
Patrick: Isa pa 'yun. Matsetsempohan ko rin 'yun. 3 months na akong nag-aabang sa tapat ng company nun.
Mark: Eh 'yung Pia?
Patrick: Wala din.
Lumipat din kasi si Pia ng kompanya nung umalis si Jane. Parehas sila ng kompanya ngayon ni Leo.
Maya-maya ay tumigil si Leo sa tapat ng isang bahay.
**************
Dear Readers, Ano sa tingin niyo? MALALAMAN NA KAYA NI PATRICK KUNG ASAN SI JANE?
Para naman MAS ganahan ako mag-update. 😂😂