Naconfirm nga ni Jane kay Patrick na may nalalalinan itong babae na Kyla ang pangalan. Napagkasunduan nina Leo at Jane na bibisitahin nila sina Patrick at Kyla. Ihahatid lang ni Leo si Jane sa room ni Patrick at tatagal ng ilang minuto bago puntahan si Kyla. Hindi pa nakikita ni Jane si Kyla kaya nung nalaman niya kay Patrick na maganda ito, nakaramdam siya ng selos. Lalo na at kinuwento sa kanya lahat ni Leo ang nakaraan nilang dalawa. Nung una kaya pa niya pigilan pero pagkatapos ng 10 days, nahihirapan na siya. Madalas na rin sila magkasamaan ng loob ni Leo pero nauuwi pa rin sa pagbabati.
***KINABUKASAN (16th day of Patrick)
Leo: Babe, hindi kita maihahatid sa room ni Pa - -
Jane: Why? (Medyo masungit)
Leo: Sungit ah. (Lumapit kay Jane)
Jane: Joke lang. Hahaha! Sige okay lang.
Leo: Sige. Alis na rin ako.
Jane: Ang aga naman ata babe. (Tumingin sa wrist watch) 7:30am palang. 10 tayo pumupunta ng hospi -
Leo: Eh kasi...
Jane: Kasi?
Leo: Susurprise ko si Kyla.
Jane: Surprise? Anong surprise?
Leo: Surprise. Basta.
Jane: Ah osige. Ingat ka ah?
Leo: Yes boss!
Pagkaalis ni Leo at agad itong sinundan ni Jane. Hindi na siya naligo, nagpalit lang siya ng pants at shirt.
Ang pagsunod ni Jane kay Leo ay hindi nahalata ng binata. Sobrang layo kasi ni Jane. Pero ng hindi na niya nakita ang binata ay dumiretso nalang siya ng hospital.
Naupo siya sa waiting area sa hospital. Syempre, dun siya sa pinakahulihan umupo para hindi siya makita ni Leo kapag dumaan na ito dun.
Maya-maya pa nga ay dumaan na si Leo. May dala itong bulaklak at teddy bear tapos may box pa.
Jane: Para kay Kyla ba 'yun?...
Sinundan niya si Leo hanggang sa makapasok ito sa room ni Kyla.
Jane: Dito pala ang room niya. 407.
***after 2 minutes
Jane: Ay teka lang. Paano ako makakapasok dito?
Nakita niya 'yung nurse na lumabas sa kabilang room.
Jane: Hindi naman pwede 'yan kasi baka kung anu-ano lang sabihin ko jan sa loob. Hay... Isip pa Jane...
Pero wala talaga.
Jane: Ano kaya ang nangyayari sa loob?
Kahit hindi niya alam kung ano ang nagaganap sa loob ay selos na selos na siya.
Jane: Ganito siguro 'yung naramdaman ni Leo dati.
Naisip niyang kumatok dahil wala naman siyang ibang pwedeng gawin. Pero hindi rin naman niya ginawa.
At mamaya nga ay may nakita naman siyang Janitor.
Jane: Psh! Mas lalo na kapag nagganyan ako. Nurses at Doctors lang pwede makapasok dito. Hay...