Naging close sina Jane at Leo. Ngunit hindi 'yun alam ni Patrick dahil hindi naman sinasabi ni Leo ang tungkol dun. Pero minsan...
Patrick: Sino ba 'yang katext mo?!
Jane: Ah kaibigan ko. Si Le - Si Lea.
(Ayaw kasi ni Patrick na nakikipagkaibigan si Jane sa mga lalaki dahil natatakot siyang maagaw ng iba ito, hindi dahil sa mahal niya si Jane kundi dahil sa may nakukuha siyang pera dito.)
Patrick: (Hindi umimik)
Jane: Oh andito na tayo. Pa'no, pasok na ako? :-)
Patrick: 'Yung pera?
Jane: 500?
Patrick: Wow naman Jane, gawin mo namang 1,500.
Jane: Eh kasi may bibilhin sana ako e.
Patrick: Mas mahalaga pa 'yung bibilhin mo kesa saken? Gusto mo bang hiwalayan kita?!
Jane: Hindi. Hindi ganun. Oh ito na, 2000 'yan.
Patrick: (ngumiti) Bibigay din pala e. Love you!
Jane: I love you too!
office
Pia: Oh buti nandito ka na. Amina pang-ambag mo.
Jane: Ah Pia... Kasi ano e...
Pia: Jusko naman Jane! Alam mo namang importante 'yung bibilhin natin. Saka para sa'yo din naman 'yun. Paano ka na ngayon? 3000 'yun Jane. Akin na nga 'yung kalahati kasi tulong ko na rin sa'yo. Ano bang ginawa mo sa 1,500?
Jane: Ah eh... Ano...
Pia: Kay Patrick na naman?! Letse talaga 'yang jowa mo na 'yan ah. 9 months palang kayo pero... Naku!
Jane: (hindi umimik)
Pia: Di bale nalang. Diba 2000 pa naman pera mo jan. 500 nalang iambag mo. Pangkunsumo mo na 'yung 500. (akala niya ay 1000 lang ang binigay ni Jane kay Patrick)
Jane: Ah wala na.
Pia: ANO?! Lahat mo binigay 'yun? Jane 'yun nalang ang pera mo. Paano ang pagkain mo? Next week pa ang sahod natin.
Jane: Magwiwidraw nalang muna ako ulit.
Pia: Jane naman. 6000 nalang ipon mo. Paano ka makakapunta ng US niyan next year?
Jane: Eh di sa susunod nalang na taon.
Pia: Ewan ko sa'yo! Hiwalayan mo kasi 'yang boyfriend mo!!! (sabay alis)
7:00PM
PHONE
Leo: Inuubo ka?
Jane: Hin *cough* Hindi. Nalamigan lang siguro.
Leo: Pauwi ka na ba? Sunduin na kita.
Jane: Sige. *cough*
Jane's house
Hindi sinasadyang nadanggil ni Leo ang braso ni Jane.
Jane: Aray...
Leo: Bakit?
Jane: Wala naman.
Kahit maitim si Jane, nahalata ni Leo ang pasa nito sa braso.
Leo: "Sinasaktan kaya siya ni Patrick?"
Jane: Tumama sa pintuan kanina. :-)
Leo: (hindi umimik)
Jane: Matutulog na ak --.
Leo: Hindi ka pa kumakain.
Jane: Kumain na ako kanina. (kahit di naman)
Pumunta si Leo sa kitchen at tiningnan ang fridge.
Leo: Walang laman? Kahit isang itlog man lang?
Bumalik siya sa kwarto at tatanungin sana si Jane pero tulog na ito. Kaya kinuha nalang niya ang wallet nito at tulad ng dati, walang laman kahit 5 cents. At tulad din ng dati, nilagyan ni Leo ng pera ang wallet ni Jane. 4000 ang inilagay niya. Sa totoo lang 2000 palang ang naibibigay ni Patrick sa kanya. Kaya 'yung another 2000 ay kay Leo na talagang pera 'yun.
Buti nalang at may 7/11 sa village nina Jane at dun nalang bumili si Leo ng makakain nila. Ginising niya si Jane at pinilit itong pakainin at painumin ng gamot. Alam niyang madalas na kung mag-overtime si Jane sa trabaho. Papasok ng 5pm at 4am na minsan kung mag-out.
After 2 weeks bigla nalang natumba si Jane habang tumatawid sa kalsada, buti nalang at tinulungan siya ng mga nakakita.
Hospital
Doc: May Brai ---
Pia: Alam ko na po 'yun Doc.
Leo: A-ako 'di ko pa po alam.
Doc: The patient has a ---
Pia: Ako nalang po ang magsasabi sa kanya.
Umalis ang Doctor.
Leo: Anong sakit ni Jane?
Pia: Low... Low blood lang siya... Hehehe!
(Kinausap na kasi ni Jane si Pia na wag ipagsabi sa iba ang tungkol sa sakit niya.)
Leo: But the Doctor said Brai. Ano 'yun?
Pia: Ang -- ang dami mo namang tanong Leo. Hehehe! Si-sige tignan ko lang si Jane.
Hindi naniwala si Leo kay Pia. Simula nung araw na 'yun palagi na siyang nakina Jane. At napilit niya si Pia na sabihin ang katotohanan. Kaya nagtulungan silang dalawa ni Pia para mapalayo si Jane kay Patrick.
Pinatigil ni Leo si Jane sa trabaho at inilipat ng tirahan. Silang dalawa ang magkasama. At isang araw nga habang nasa cr si Jane ay nagtext si Patrick.
CONVO
Patrick: Asan ka ba hah! 3 weeks na akong walang pera!
Nireplyan 'yun ni Leo.
"WALA KA NG GIRLFRIEND! BREAK NA TAYO!!!"
At dahil sa message na 'yun ay nagalit si Patrick kaya nagreply siya na pagsisisihan ni Jane ang pagbreak nito sa kanya.
At dahil plano na rin talaga ni Leo na palitan ang sim card ni Jane, ay pinalitan niya na ito. At pagkalabas ni Jane sa cr ay...
Leo: Hindi ata nagwowork sim card mo kaya pinaltan ko.
Jane: (ngumiti lang)
Ang totoo niyan. Unti-unti nang nahuhulog si Jane kay Leo. At masaya siya na palagi sila nitong magkasama. Kaya lang naisip niyang, may magmamahal pa kaya sa kanya kung mawawala rin naman siya. Kaya napagdesisyunan niyang wag ipaalam kay Leo ang tungkol sa sakit niya. Ang hindi niya alam ay alam na ni Leo ang lahat at 'yun ang dahilan kung bakit inilayo siya nito kay Patrick. Si Leo na ang nagtatrabaho sa call canter para may panggastos sila ni Jane.
