Unang Daliri - Hinlalato
"Ayaw na ayaw ko talaga sa lahat ang aprub nang aprub tapos malalaman ko na lang na palpak pala siya? Sarap putulan ng hinlalato e. Nakakainis lang e," palatak ni Kiray matapos siyang pinangakuan ng kaniyang boss na okay na raw ang manuscript na ipinakita niya. Iyon pala ay hindi!
Kaya naman ay maaga siyang umuwi upang i-revised ang ginawa niya. Inis na inis siya. Pakiramdam niya ay kulang pa rin ang kaniyang effort. Magdamagan na nga siyang sumusulat. Nagsusunog pa siya ng kilay para lang sa ipinagawa sa kaniyang out of comfort zone ika nga. At iyon ay ang paggawa ng Rom-Com.
"I hate it! I really hate it! Damn! Hindi ako romantic na tao e. At saka never pa ako nagka-lovelife! Argggh!"
Napasabunot na lamang siya sa kaniyang buhok. Habang palapit siya sa kaniyang apartment ay naisip niyang kailangan niya pa ring tapusin ito.
I am giving you another week to finish the script or else, you'll get fired!
Bigla na lamang nag-flash back sa isip niya ang sinabing iyon ng kaniyang boss na si Kriselda. Palibhasa kasi ay tumandang dalaga kaya nasa menopausal stage na at siya palagi ang pinagdidiskitahan.
Pagkapasok sa kaniyang studio type na apartment kung saan ang sala at ang kuwarto niya ay isang maliit na mesa lang ang pagitan, kumuha siya muna ng tubig sa mini-fridge niya upang maibsan ang kaniyang uhaw. Matapos makainom ay naupo siya sa kaniyang kama at humilata.
"Sana maputulan ng daliri si Miss Kriselda lalo na ang hinlalato niya nang wala na siyang pinapaasang empleyado niya!" Naibulalas ni Kiray sa isipan. At lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa naging mahabang oras ay nakatulog na siya.
Masusunod ang iyong kahilingan, Kriselda! Matagal na rin akong naghahanap ng bagong biktima. Gusto kong matikman ang bagong lasa ng ibang daliri. At dahil gusto mong unahin ko ang hinlalato, iyon ang una kong puputulin. Masaya ito! Magiging masayang-masaya ako. Bigla tuloy akong nagutom. Ang mabuti pa ay maghanap muna ako ng makakaing mga daliri. Huwag ka mag-alala, matutupad ang kahilingan mo sa amo mong matandang dalaga.
Isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa mga labi ng isang hindi pamilyar na mukha. Masayang-masaya ang kaniyang mukha dahil makakatikim na naman siya ng mga daliri. Paborito niya ang inihaw na daliri, barbecue na daliri, at adobong daliri na siya mismo ang nagluluto. Matagal na panahon na rin ang nakalipas at heto ngayon siya nasagap ng kaniyang malakas na pakiramdam ang isang babaeng nagngangalang Kiray.
Sa totoo lang ay kilala niya ito dahil naging kaklase niya ito noong elementarya. Iyon nga lang ay hindi siya nito kilala dahil hindi siya palakaibigan sa ibang tao at sa ibang estudyante. Matalino si Kiray. Siya naman ay weirdo. Wala ni halos nakikipagkaibigan sa kaniya maliban na lamang nang maglakas nang loob si Kiray na kausapin siya. Iyon ang unang beses na may nakipag-usap sa kaniya. Hindi niya pinansin si Kiray. Lagi niya itong tinatapunan ng masamang tingin upang lumayo na siya sa kaniya.
Subalit, makulit si Kiray. Madaldal at talagang likas na pala-kaibigan. Lagi siyang nagkukuwento ng kahit anong maisipan ng kaniyang imahinasyon. Hindi nga niya inakalang magiging isang sikat siyang manunulat. Isa lamang iyon sa mga alaalang bumalik sa kaniyang isipan. At gusto niyang sa paraang alam niya ay magtagumpay pang lalo si Kiray. Kaya, gagawin niya ang lahat upang mawala sa landas niya si Kriselda.
Humanda ka sa akin, Kriselda! Hintayin mo ako at makakain ko na ang mga daliri mo. Ang hinlalato mo naman ay tutuhugin kong parang barbecue at iihawin. Hmmm. Ngayon pa lamang ay natatakam na ako. Ano kaya ang lasa ng iyong mga daliri? Makakapagsulat ka pa kaya?
At nilisan na ng anino ang apartment ni Kiray. Si Kiray naman ay mahimbing pa ring natutulog sa kaniyang kama. Habang binabagtas ng anino ang daan papunta sa kinaroroonan ng kaniyang biktima ay nabundol siya ng dalawang lasenggo sa daan. Susuray-suray itong naglalakad na hindi man lamang tumitingin sa kanilang dinaraanan.
"Hik-hindi...hindi ka ba tumitingin sa daan?" asik ng isang walang pang-itaas na saplot.
"Oo-hik-oo nga. Oo nga. Hik," sang-ayon naman ng isang pipikit-pikit pa ang mata na tila inaantok na sa kalasingan.
Hindi sumagot ang anino. Bagkus ay tinitigan niya na lamang ito at nagsimulang maglakad. Pero pahakbang pa lang siya ay sumigaw muli ang isang lasenggo.
"HOY! AALIS KA? HINDI KA - HIK - MAKAKATAKAS SA AMIN!"
"Oo nga! Oo nga. Hik. Hik."
Hindi pinalagpas ng anino ang dalawang lasenggo at nilingon niya ang mga ito. Tinanggal niya ang hood niya. At kitang-kita ang gulat sa mga mata ng dalawa. Nakasuot ang anino ng isang maskarang bungo na pulang-pula. Mulagat silang pareho. Hindi agad sila nakakilos. Ang isa ay bigla na lamang umihi sa kaniyang pantalon habang ang isa ay ngangang-nganga pang nakatingin sa anino.
Agad na binunot ng anino ang isang uri ng gunting na ginagamit na panggupit sa isang metal. Agad na tinusok niya ang tulis nito sa mata ng unang lasenggo. Sumunod ay sa mata naman ng pangalawa. Salitan niyang ginawa iyon hanggang sa matumba ang dalawa. Parang tumutusok lamang siya ng kwek-kwek. Sirit nang sirit ang dugo sa mga mata ng dalawa.
Nang mapahandusay ang dalawa sa lupa ay nakita niya ang dalawang daliri ng mga ito at sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi niya. Hindi na siya nagdalawang-isip na gupitin at putulin ang mga ito.
Sampung mga daliri. Putol ang isa. Putol ang pangalawa. Pangatlo at pang-apat pati ang pang-lima. Anim. Pito. Walo. Siyam.
Kakanta-kanta pa siya hanggang sa pansamantala siyang natigilan at tiningnan ang hinlalato ng parehong lasenggo. Sinipat-sipat niya muna ito at nang hindi magustuhan ay ginupit niya na lamang. Hindi pa siya nakuntento ay hinati niya pa ito sa limang piraso.
Hindi kaaya-aya ang mga hinlalato ninyo kaya dapat ay tadtarin ang mga ito at ikalat sa damuhan nang pagpiyestahan ng mga langgam.
At iyon nga ang kaniyang ginawa. Matapos hatiin ay kalat-kalat niya itong tinapon sa paligid. Tumayo na siya at tinago ang gunting niya sa kaniyang tagiliran. Tatalon-talon pa siyang nilisan at iniwan ang napatay niyang dalawang lasenggo. Pakanta-pakanta na naman siya.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
SAMPUNG MGA DALIRI
HorrorSampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lugar.