Ang Huling Daliri - Hinliliit
"Pinky Promise?" saad ng batang babae.
"Oo naman. Pinky Promise!" sagot naman ng batang lalaki.
"Pangako. Ikaw at ako ay magiging magkaibigan. Hinding-hindi kita iiwan. Ipagtatanggol kita sa sino mang aapi sa iyo. Pangako!" nag-pinky promise ulit sila.
Masayang-masaya ang batang babae dahil may kakampi na siya kapag may magtatangkang aaway sa kaniya. Umuwi siyang may galak sa mukha at masaya niya itong ibinalita sa kaniyang
magulang.Subalit...
"Akala ko ba hindi mo ako iiwan?" lumuluhang turan ng dalaga.
"Hindi naman kita iniiwan e. Ang sabi kasi ng magulang ko ay lilipat kami sa siyudad at doon ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko," sagot ng binata.
"SINUNGALING KA!" iyak nang iyak ang dalaga. Inalo naman ito ng binata pero iwinawakli ng dalaga ang kaniyang kamay. Pinagsusuntok-suntok pa ito.
"Sana maintindihan mo ako. Hindi ko puwedeng suwayin ang magulang ko. Tahan na. Alam mong malulungkot ako e. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Please," pilit na nilalabanan ng binata ang emosyong namumuo sa kaniya.
"Talagang masasaktan kita! Umalis ka na! ALIS! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo dito kahit kailan. Simula ngayon ay kakalimutan na kita. Kakalimutan kong naging matalik na kaibigan kita. Siguraduhin mo lang na hindi kita makikita dahil kapag nag-krus ang ating landas ay puputulin ko ang hinliliit mo!"
Hindi na nakaimik ang binata. Masakit man sa loob niya ang gagawin ay hinayaan na lamang niya itong mag-isa. Ipinanalangin na lamang niyang sana ay magiging maayos din ang lahat. Na sana ay hindi totoo ang kaniyang mga tinuran. Na sana kapag nag-krus ang kanilang landas ay hindi niya totohaning saktan siya.
Laylay ang balikat ng binata habang binabagtas ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Bukas kasi ang alis nila. Gustuhin niya mang magpa-iwan pero hindi niya kaya. Magulang pa rin niya ang dapat na masunod at hindi siya. Sana lang ay huwag magdamdam at magtanim ng galit ang kaniyang kaibigan.
Samantala...
Iyak nang iyak ang dalaga at hindi umalis sa kaniyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang paglayo ng kaniyang matalik na kaibigan. Kung kanina ay kalungkutan, pighati at pagtangis ang ekspresyon sa kaniyang mukha, ngayon ay hindi na.
Mababanaag na sa mga mata nito ang poot, galit, at paghihiganti.
Poot dahil nagsinungaling siya sa kaniyang ipinangako.
Galit dahil wala siyang isang salita. Akala niya ay napanindigan ng binata ang pinky promise nila sa isa't isa.
Paghihiganti. Tama! Maghihiganti siya dahil puputulan niya ito ng hinliliit at tatadtarin ng pinong-pino! Siguraduhin lang ng binatang iyon na hindi siya magpapakita dahil totohanin niyang putulan siya ng hinliliit o ang mas masaklap pa ay baka mapatay niya siya.
"Isinusumpa kong magiging miserable ang buhay mo! Hindi ka magiging masaya. Alam kong makikita at magkikita tayo at maghihiganti ako sa iyo!"
Muli na naman siyang napahagulgol. Kahit basang-basa na ang mukha ay naisipan niyang umuwi. Sa kaniyang paglalakas ay napansin niya ang mga bata sa lansangan na naglalaro. Pansamantala siyang tumigil. Isang batang lalaki at isang batang babae.
"Pen pen de sarapen
De kutsilyo armasen.
Haw haw de karabaw batuten.""Talo ka! Talo ka!" sabi ng batang babae.
"Ang daya mo naman. Hindi pa nga tapos ang sinasabi mo e." kakamot-kamot sa ulong sagot ng batang lalaki. Ngingiti-ngit naman ang batang babae. Magsasalita na sana ito nang biglang may dumating na matabang batang lalaki at tinulak ang nakatalikod na batang babae.
"Hoy! Bakit mo itinulak ang kaibigan ko ha?" Pagtatanggol ng batang lalaki sa babae laban sa mataba.
"Bakit? Lalaban ka?" Taas-noong asik ng mataba at itinulak ang batang lalaki. Napaupo naman ito sa kalsada. Tatayo na sana ito pero pinigilan siya ng batang babae. Maloko namang ngumiti ang mataba at iniwan na sila.
"Hayaan mo na siya. Hindi naman ako nasaktan e."
"Kahit na! Kaibigan kita e at dapat pinagtatanggol kita. Basta, mula ngayon ako ang tagapagtanggol mo."
"Promise?"
"Promise!"
"Pinky Promise?"
"Ang bakla naman niyan pero dahil kaibigan kita, sige Pinky Promise!"
Lumuluha na sa galit ang dalagang nagmamasid sa dalawang masayang bata. Nang magkahawak-kamay na umalis ang dalawang bata ay may naisip ang dalaga. Susundan niya ito. Magtatakip-silim na rin kasi at paniguradong walang makakakita sa kaniyang gagawin.
Muntik pa siyang matapilok dahil sa batong naapakan niya. Kaya naman mabilis niya itong kinuha. Gagamitin niya ito sa dalawang bata. Sa plaza tumungo ang dalawang bata at saktong madilim nang kaunti ang kanilang dinaraanan.
May mga tao naman sa paligid pero hindi nila pansin ang dalawang bata. Kaya naman agad na nilapitan ng dalaga ang dalawang bata. Kinalabit niya ang mga ito at nang lingunin siya ay pinag-untog niya ang mga ito. Bulagta ang dalawa at agad niya itong pinagbuhat isa-isa. Dinala niya sa madilim na parte ng plaza. Ang kaninang batong hawak niya ay naitapon niya. Kaya naghanap muna siya ng gagamiting pagpaslang sa kanila.
Nakakita siya ng isa na namang bato. Kasing laki ng kamao niya ito. Binalikan niya ang mga batang walang malay at agad na pinagpupukpok ng bato sa ulo. Salitan niya iyong ginawa. Hindi na nagawa pang makasigaw ng dalawang bata dahil bulagta ang mga ito hanggang sa tuloy-tuloy ang pag-agos at pagtilamsik ng mga dugo.
Binalingan niya ang hinliliit ng mga ito at isa-isang dinurog nang dinurog hanggang sa maputol iyon. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito pero masaya siya. Walang kasing saya!
Nang putol na at durog na durog ang hinliliit ng dalawa ay tumayo na siya at iniwan ang mga biktimang nakahandusay sa lupa.
"Binabawi ko na ang sinabi ko na huwag kang magpakita sa akin dahil ako na mismo ang maghahanap sa iyo sa siyudad at papatayin kita! Puputulin ko ang hinliliit mo!"
Napagsiyahan na lamang ng dalaga na umuwi sa kanilang tahanan at maligo dahil puno na ng dugo ang kaniyang damit. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa kaniya habang naglalakad pauwi. Pagdating sa bahay ay agad na dumiretso siya sa kanilang palikuran at naligo. Hahanapin niya ang binatang iyon - ang kaniyang kaibigan. Sisiguraduhin niyang magtatagumpay siya sa kaniyang balak.
"Hindi kita hahayaang maging masaya!"
BINABASA MO ANG
SAMPUNG MGA DALIRI
TerrorSampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lugar.