Unknown POV
Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Duguan. Putol ang dalawang kamay. Nakahandusay sa sahig ang kaniyang katawan. Tinadtad pa siya ng saksak hanggang sa malagutan ng hininga ang taong mahal ko.
Hindi ko naabutan kong sino ang pumaslang sa kaniya pero natagpuan ko naman ang dalawang taong narito sa bahay ng aking pinakamamahal na si Matilde. Isang uri ng sulpot na may pampatulog ang ginamit ko upang patulugin ang dalawang taong narito. Sila ay mga alagad ng batas.
Hindi sila ang pakay ko kaya naman ay binuhat ko na lamang ang katawan ng aking sinisinta. Hindi ko alam kung nasaan ang kaniyang dalawang kamay pero sisiguraduhin kong mananagot sa akin ang gumawa nito kay Matilde.
Isinusumpa kong magbabayad ang gumawa nito sa iyo! Pagsisisihan nila ang pagpaslang sa iyo. Sisiguraduhin kong ang mga putol mo na kamay ang papaslang sa kanila. Isinusumpa ko ngayon sa iyong libingan! Isinusumpa ko! Papatayin ko siya!
Akay-akay ko na parang bagong kasal ang katawan ng wala nang hiningang si Matilde habang binabagtas ang daan palabas sa kaniyang bahay. Iniwan ko na lamang na nakatulog ang dalawa roon. Hindi pa ito ang tamang panahon upang maghiganti ako sa kanila.
Luhaan akong lumabas habang buhat-buhat ko siya. Sa likod ng bahay nila na hindi kalayuan doon ay may isang gubat na ako lamang ang nakakaalam. Masukal ang gubat na iyon. Tanging liwanag lamang na nagmumula sa buwan ang tanglaw sa aking dinadaanan habang ako ay naglalakad.
Mahigit tatlumpung minuto hanggang isang oras din ang lalakarin mo bago ka makarating doon. At gaya nga ng sinabi ko ay walang nakakapunta doon maliban sa akin. Isang maliit na bahay kubo lamang ang naroon kaya doon ko dinala ang bangkay ni Matilde.
Inilapag ko siya sa isang banig. Kumuha muna ako ng tubig at nilagyan ang isang maliit na palanggana. Binasa ko roon ang isang maliit na bimpo. Dinala ko iyon sa kinahihigaan ni Matilde at pinunasan ko siya. Habang pinupunasan ko siya ay sumagi sa aking isipan ang isang plano kung paano ko mapapaslang at paghigantihan ang aking mahal.
Alam kong marami siyang napaslang. Puro daliri pa ang kaniyang kinakain. Parang laro lamang iyon sa kaniya. Kaya naman ay ako naman ang maglalaro.
Matapos ko siyang punasan ay binihisan ko siya. Ilang sandali pa ay inihanda ko ang mga kailangan ko. Isang replika ng bungo na may sungay sa ulo ang inilagay ko sa uluhang bahagi ni Matilde. Pinalibutan ko rin iyon ng maliliit na puting bato at mga kandila.
Habang nakahiga siya ay tumayo ako at nagsimulang umusal ng isang orasyon.
Sa ngalan ng kampon ni Satanas,
Sa ngalan ng mga mababangis na nilalang,
Inuutusan ko ang itim na hanging alagad ng demonyo,
Tulungan ninyo akong buhayin ang babaeng mahal ko.
Ibalik sa kaniyang katawan ang kaniyang dalawang kamay.
Kampon ni Satanas. Alagad ng demonyo.
Pakinggan ang hiling ko!Matapos kong mag-orasyon ay umihip ang kakaibang uri ng hangin. Malamig. Nakakapangilabot na uri ng laming. Namatay ang mga kandila. Narinig ko pa ang paghuni ng mga uwak, kuliglig, at mga uri ng insekto sa paligid. Ilang sandaling katahimikan ang namayani hanggang sa kumulog at kumidlat. Lumiwanag muli ang mga kandila. Nang aking pagmasdan ang istatwang nilagay ko sa uluhan ni Matilde ay wala na ito.
Isang itim na usok ang pumalit at nagsalita.
"Tutuparin ko ang iyong kahilingan. Ngunit, ang dalawang kamay ng babaeng ito ang gagawa ng ipagagawa ko sa iyo," aniya. Bilog. Malaki ang boses at nakakatakot pakinggan.
"Ma-susunod po. Sabihin lang po ninyo sa akin ang gagawin," yumukod ako at nagwika.
"Kailangan mong pumatay ng limang tinedyer na babae. At kailangan mong dalhin sa akin ang pares na mga kamay nila. Kapag nakumpleto mo ang limampung daliri o limang pares na putol na mga kamay ay ibabalik ko ang buhay ng iyong minamahal," napangiti ako nang mapakla. Ako naman ngayon ang maghahanap ng biktimang mapapaslang ko.
"Nais ko lamang ipabatid sa iyo na bago mo makumpleto ang mga iyon ay makakawala sa ilalim ng lupa ang dalawang kamay ng babaeng ito at hahanapin ang taong pumaslang sa kaniya. At ang dalawang kamay niya ang papatay dito maging sa dalawang alagad ng batas na naghahanap sa kaniya. Kaya kung gusto mong mabuhay ang mahal mo, ialay ko sa akin ang gusto ko. Iyon lamang. Paalam!"
At naglaho na parang bula ang kausap ko na diablo. Ako naman ay masayang-masaya. Matagal ko na rin gustong pumatay ng tao. Pero hindi ang taong pumatay kay Matilde ang pakay ko kung hindi ay ang mga kabataang kasing edad niya ang kailangan kong patayin.
Ano kaya ang maaari kong gamitin o gawin para mapatay sila? Magiging masaya ako sa huli kapag nakumpleto ko ang mga pares ng putol na kamay nila. At mabubuhay ko na rin ang babaeng mahal ko.
Maghintay ka lamang, Matilde. Ang iyong kamay ay aahon sa lupa at papatay sa kung sino mang pumaslang sa iyo. Alam kong mahahanap niya sila at hindi rin makakaligtas ang dalwang alagad ng batas na iyon sa iyong mga kamay.
Kaunting panahon lamang, mahal ko dahil maisasakatuparan ko rin ang kahilingang mabuhay ka at magkakasama na tayo. Matagal na kitang gusto. Matagal na matagal na.
Maghintay ka lamang at bukas na bukas din ay maghahanap ako ng mabibiktima ko. Sa ngayon ay tatabihan muna kita sa iyong pagtulog upang may makasama ka rito.
Ikaw lang ang nais ko. Wala ng iba. Mahal kita, Matilde at gagawin ko ang lahat mabuhay ka lamang. Asahan mong puso ko ay iyong-iyo lamang.
Matulog na tayo, mahal ko.
BINABASA MO ANG
SAMPUNG MGA DALIRI
HororSampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lugar.