Ang Naligaw na Dalaga

740 39 0
                                    

Killer's POV

Lumipas ang dalawang oras ay narating ko ang aking kubo. Pagkapasok sa loob ay inilagay ko sa pang-apat na garapon ang isang pares ng kamay. Gaya ng ginawa ko sa tatlong garapon ay itinabi ko iyon sa bangkay ni Matilde.

Mahimbing pa rin siyang natutulog pero bakas na bakas na ang naagnas na parte nh kaniyang katawan gaya ng sa kaniyang kamay. May halong lungkot man ay hindi ko iyon pinansin. Bagkus ay lumabas ako ng kubo at tinungo ang palikuran.

Dahil wala namang napapadpad at nakakaalam sa lugar kung saan naroon ako ay malaya akong naghubad at naligo sa poso. Tinanggal ko ang lahat ng saplot sa aking katawan at inihalo iyon sa mga duguan kong labahan. Amoy na amoy ko na rin ang langsa ng dugo pero balewala iyon sa akin.

Nagsimula na akong magbasa ng aking katawan at magsabon. Tumagal ng halos isang oras ang paglilinis ko sa katawan. Nang papasok na sa loob ng kubo ay may naulinigan akong tinig. Kaya naman ay kumuha muna ako ng maruming short at iyon muna ang aking isinuot.

"Tao po? Tao po!" isang tinig ng isang dalaga? Upang makasiguro ay bahagya akong sumilip mula sa likuran kung tama nga ang hinala kong babae ang bumisita.

"Hello po. May tao po ba riyan? Puwede po bang makahingi ng tubig? Tao po?"

Napapangiti ako. Kapag sinuwerte ka nga naman. Ikaw ang huling dalagang hinahanap ko.

Sige pa.

Hakbang pa.

Pasok ka.

Ayan na.

Sige na.

Pumasok ka na.

At hindi nga ako nagkamali dahil mukhang pakialamera din itong dalaga at pumapasok sa bahay na hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Magaling. Gusto ko siya.

Ihanda mo ang sarili mo dalaga dahil pahihirapan kita. Humalakhak lang ako nang patago upang hindi niya marinig.

Nakapasok na siya sa loob at ako naman ay kumuha ng itak bago siya sinundan.

"Aaaaaahhhh!" tili niya. Pagkakataon ko na ito.

"Kumusta ka, mahal kong bisita?" kitang-kita ang takot sa kaniyang mga mata.

"Si-sino k-k-ka?" nauutal niyang tanong.

"Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan? Sino ka at paano mo natunton ang bahay kong ito?" Pinanlisikan ko siya ng mata habang dahan-dahan siyang nilalapitan.

Panay naman ang atras niya. Bakas na bakas na rin ang namumuong pawis sa kaniyang noo.

"Sorry po. Isa lamang po akong dayo. Makikihingi lamang po sana ako ng tubig. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pag-abala sa inyo. Aalis na po ako."

Nang makatayo siya ay agad siyang dumiretso sa pintuan pero mabilis akong humarang. Mulagat na naman siya. Nginitian ko siya.

Ngiting demonyo ang ipinakita ko sa kaniya. Kaya agad siyang humakbang pabalik.

"Please po. Sorry po. Paalisin niyo na po ako rito. Promise wala po akong pagsasabihan."

"Ilang taon ka na?"

"Po?"

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ay ilang taon ka na?"

"8-18 po. Disiotso anyos po."

Ang suwerte ko ngayon. Isang tinedyer at dalagang-dalaga pala ang kaharap ko. Mapaglaruan nga muna.

"Tubig ba ang kailangan mo?"

"O-oopo. Pero hindi na po ako nauuhaw. Salamat na lang po."

"Nauuhaw ka."

"Hindi na po."

"Nauuhaw ka sabi e."

"Opo! Opo. Nauuhaw po ako."

Nang lakasan ko ang boses ko na halos sigawan siya na nauuhaw siya ay tumango naman siya. Nanginginig na siya. Alam kong nakikita niya ang itak na hawak ko sa aking likuran.

"Halika, sundan mo ako at bibigyan kita ng isang basong tubig mula sa aking banga."

"Opo..opo."

Napapangiti ako sa aking ginagawa. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito na dalhin siya sa kaniyang hukay.

Tinalasan ko ang aking pakiramdam dahil alam kung tatakas siya. At hindi nga ako nagkamali dahil agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng aking kubo.

Maagap kong inihagis ang hawak kong itak at sapul siya sa likuran. Bumagsak ang katawan niya sa lupa. Ako naman ay lalong napangiti na nilapitan siya. Sinubukan niyang gumapang pero malalim ang pagkabaon ng tulis ng itak sa kaniyang likuran.

Nang makalapit ay napaupo pa ako sa kaniyang harapan at nagwika.

"Sabi ko sa iyo e sundan mo ako dahil bibigyan kita ng isang basong tubig. Kaya lang hindi ka nakikinig. Ayan tuloy napala mo."  sinubukan niyang magsalita pero dugo ang lumalabas sa kaniyang bibig. Kita ko rin ang mga butil ng luhang dumadaloy na nang mga oras na iyon sa kaniyang pisngi. Nagmamakaawang muli ang kaniyang mata.

"Kung nakinig ka lamang sana sa akin kanina ay siguro papakawalan pa kita. Ligtas ka pa sanang makakauwi. Kaso, hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito na mapa-sa akin ang iyong sampung daliri."

Hindi ko na hinintay na makita ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil agad kong binunot ang bumaong itak sa kaniyang likuran at pinagtataga ito hanggang sa marinig niya ang tunog ng putol-putol niyang mga buto sa likuran.

Tumitilamsik ang bawat pulang likido sa aking kamay at mukha. Nalalasahan ko pa ang dugo niya. Dinig ko rin ang hiyaw niya nang tagain ko siya hanggang sa unti-unti iyong nawala.

Kaya para masigurong wala na siyang hininga ay sinimulan ko ng putulin ang kaniyang mga kamay at dalawang paa. Ginilitan ko rin ang leeg niya at pinutol iyon. Ang huli kong ginawa ay saksakin ang kaniyang dibdib, balatan at dukutin ang kaniyang puso.

Nang madukot ko ang kaniyang puso ay inilagay ko iyon sa kaniyang mukha at pinagtataga.

Sa wakas ay tapos ko na ang limang pares ng mga kamay na nagmula sa limang mga dalaga. Makakausap ko na rin si Matilde. Mabubuhay na siya. Mabubuhay na ang mahal ko.

Bitbit ang dalawang kamay ng estrangherong dalaga ay agad akong pumasok sa loob ng aking kubo at inilagay sa loob ng huli at pang-limang malaking garapon ang huling pares ng kamay.

Lumabas muli ako at gamit ang itak ay hiniwa ko ang short na suot ko at hubo't hubad na tumakbo sa palikuran upang linisin ang aking sarili. Kailangang guwapo ako sa paningin ng aking mahal na si Matilde kapag magigising na siya.

"Makikilala mo na rin ako sa wakas, mahal ko. Ako si Matias-ang lalaking patay na patay sa iyo."

SAMPUNG MGA DALIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon