The Vows

1.2K 57 4
                                    

Ang kuwento ng Palasingsingan

Isang piging sa bayan ang nasaksihan ni ShaSha at ng isang lalaking nakatingin sa kaniya sa hindi kalayuan. Pero ang tinging iyon ay hindi alam ni ShaSha. Natutuwa siyang pagmasdan ang isang kasalang nagsisimula pa lamang maganap.

Medyo nahuli lamang siya sa pagdating sa lugae na nakasulat sa address dahil may inayos pa siya. Umabot ng dalawang araw pa bago siya nakarating sa Janiuay. Sa kaniya ngang paglilibot upang hanapin ang address ay naabutan niya ang isang kasalan.

Isang simple at masayang kasalan ito para sa kaniya. Bagay na sana ay natupad din noon sa kaniya.

Noon sana.

Pero hindi nga naituloy.

Napailing na lamang si ShaSha. Magtatanghali pa naman at siguro naman ay hindi aksaya sa oras ang kaniyang panonood sa isang okasyon na ito. Hindi siya nagsuot ng kaniyang uniporme dahil ayaw niyang may makaalam na may isang pulis o detective na narito sa bayan ng Janiuay.

"Ikinagagalak naming makilala ka ShaSha. At alam kung si Chief ang nagpadala sa iyo rito upang buksan ang kasong matagal nang naisara. Ngunit, nais kong ipabatid sa iyo na sa bayang ito ay lahat ay pinaghihinalaan dahil most of the job people are doing here are barber's shop. Kaya huwag ka na magtaka kung sa iyong paglilibot ay makikita mo ang mga pagupitan o parlor sa bawat kalye at maging sa kalsada. Pero umasa kang nakasuporta kami sa misyon mo," wika ni PO1 Saldivar.

"Siyanga pala, isang krimen ang natuklasan naming nangyari kahapon lamang at isang binatang kolektor ng mga iba't ibang klaseng gunting ang napatay ng hindi kilalang suspek. Siguradong may kinalaman din ito sa tinutuklas mong misteryo," dugtong ni PO1.

"Maraming salamat po, PO1 pero sana po ay manatiling walang nakakaalam na isa po akong pulis at detective na ipinadala ni Chief dito. Iyon lamang po. Magpapaalam na po," nagpaalam na ako sa kaniya.

Hindi niya alam na ipinaalam pala ni Chief ang pagpunta nito sa bayan. Marahil ito rin ang nag-text sa kaniya ng address na iyon. Pero imposible namang si Chief iyon. Mukhang may bagay pa siyang nais na tuklasin kapag malutas na niya ang kaso.

"Puwede niyo ng sabihin ang inyong mga vows sa isa't isa." Saad ng pari. Nakasuot kasi ng kasuotan ng isang pari kaya sigurado akong pari iyon.

"Masaya akong naging akin ka. At labis pa akong nagagalak dahil magiging isa na tayo, mahal ko. Asahan mo ang aking katapatan at pagmamahal na iaalalay lamang para sa iyo. Sana huwag kang mapagod sa pag-iintindi sa akin. Mahal na mahal kita." Pagsisimula ng lalaki. Nakikita kong naluha pa ang lalaki. Ganoon din ang babae.

"Isang kang panalangin ko na natupad at ibinigay sa akin ng Diyos, mahal ko. Kahit hindi ako kagandahan sa paningin ng ibang tao ay minahal mo ako nang tapat. At sana patuloy mo pa rin akong mahalin hanggang sa ating pagtanda dahil habambuhay akong magsisilbi sa iyo bilang iyong asawa. Mahal na mahal din kita. I love you till death do us part." Nakakatuwa na nakakaantig naman ng mga katagang iyon. Tama naman ang babae dahil hindi siya kagandahan pero ang lalaki ay ubod ng guwapo. Artistahin siya. Pero mahal nila ang isa't isa.

Hindi ako naniniwala sa mga ganiyan. Walang forever dahil mamaya ay puputulin ko ang mga daliri ninyong dalawa. Papatayin ko rin kayo. Hindi ako naniniwala sa kasal na iyan.

At isinuot na ng lalaki ang singsing sa daliri ng babae at ganoon din ang babae sa lalaki.

Tatapusin ko kayo mamaya. Humanda kayong dalawa. Ayaw kong may ikinakasal dahil hindi kayo magtatagal. Kaya bago pa magsimula ang araw ninyo bilang mag-asawa ay mamamatay kayong dalawa!

Hanggang doon na lamang ang nasaksihan ni ShaSha. Tumalikod na siya upang hanapin ang lokasyon na pupuntahan niya. Nagsimula na rin siyang magtanong-tanong kung saan ang address na ipinapakita nito sa kanila. Hindi naman siya nahirapan dahil alam ng pinagtanungan nito ang address.

Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit tila makikita sa kanilang mga mata ang takot. Napakamot na lamang sa batok si ShaSha. Tinadaan na lamang niya ang direksyong kaniyang tatahakin bago marating ang address na iyon.

SAMANTALA, isang araw bago ang kasalang naganap ay pauwi na ang suspek sa kaniyang tahanan nang mapansin niyang nakabukas ang ilaw ng kaniyang tahanan.

May nakapasok at nakaalam sa aking tahanan. Mukhang may bago akong mabibiktima. Sino kaya siya? Masaya ito. Pero busog pa naman ako kaya magmamasid na lamang ako kung sino ang nakapasok.

Unknown's POV

Isang linggo bago ako makarating ng Janiuay ay tumawag muna ako sa presinto ng bayang iyon at nakipag-cooperate hinggil sa isang lumang bahay na aking pupuntahan. Pagkatapos makarating sa pakay ko ay kinontak naman namin ang ELECO na siyang nagsisilbing Meralco sa Visayas upang ipaalam na kung maaari pang gumana ang kuryente sa address na ipinakita ko.

Mabuti na lamang at naikabit nila iyon agad dahil kapag may dumating na panauhin sa bahay na iyon ay malalaman namin kung may nakapasok na sa bahay na iyon. At hindi nga kami nagkamali dahil kahapon lamang ay napansin ng ELECO na may gumamit ng elektrisidad buong umaga hanggang tanghali.

Kaya, heto ako ngayon at natagpuan ang switch sa basement ng lumang bahay na ito. Medyo nakakakatakot na ang bahay. Sobrang luma at antigo ang mga gamit.

Ikaw pala ang nakapasok ha? Ikaw ang nakita kong humabol sa akin dati. Mukhang maganda ang timing na nakapunta ka sa bahay ko. Sisiguraduhin kong mahuhuli kita at mapapatay.

Nang makita ko na ang buong kabuuan ng lumang bahay ay nakarinig ako ng tawag. Singaot ko ito at napurnada ang pag-iinspeksyon ko dahil kailangan ko munang pumunta sa ELECO. May sasabihin daw sila sa akin. Kaya naman ini-off ko na lamang ang mga ilaw at lumabas. Sa likuran ako dumaan palabas dahil hindi iyon nakakandado.

Agad akong lumabas ng gate pero pansin at pakiramdam ko ay may nakamasid na mga mata sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Sa halip ay dere-deretso na lamang akong lumabas at umalis. Babalik na lamang ako bukas.

Mukhang masuwerte ka ngayon dahil nakalabas ka na. Sa pagbabalik mo ay sisiguraduhin ko nang mahuhuli kita.

Killer's POV

Ito na ang tamang panahon upang gawin ang pakay ko - ang patayin ang bagong kasal. Nakakainip lamang kasi dahil abaka sila sa mga bisita. Buti na lang at nakakain ako ng ibang putahe. Pero walang lasa kasi walang sahog na daliri. Mataman lang akong tiningnan ng naglalagay ng pagkain sa plato ko kanina at hindi masyadong nahalata.

Umalis lang ako upang maghanap ng mapagtataguan upang maisagawa ko ang plano ko sa bagong kasal na ito. Kaya't dumating na ang takdang panahon.

Ito na iyon! Sino kaya ang uunahin ko? Ang guwapo o ang pangit?

Bahala na. Ang mahalaga ay mapatay ko sila dahil galit ako sa mga bagong kasal lalo na sa mga lalaking mahilig sa matatamis na mga salita.

Tama! Ang lalaki ang uunahin ko.

Ayos!

SAMPUNG MGA DALIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon