Ang Dalagang Pakialamera

990 39 1
                                    

Killer's POV

Kinabukasan ay gumayak na ako upang simulan ang paghahanap sa limang tinedyer. Inayos ko rin naman ang sarili ko upang hindi ako mapagkamalang killer.

Bago umalis sa maliit na kubong iyon ay muli kong sinulyapan ang mahal kong si Matilde. Hinaplos ko ang kaniyang buhok pababa sa kaniyang pisngi at hinalikan sa noo at sa kaniyang labi.

"Dito ka lang muna, Tilde. Babalik ako mamaya upang dalhin ang dalawang putol na kamay ng unang biktima ko. I love you, Tilde."

At suot ang aking backpack ay umalis na ako. Nasa loob din ng backpack na iyon ang mga gagamitin kong pagpaslang sa unang dalagang babae.

Ibang ruta ang dinaanan ko. Hindi ako dumaan sa dinaanan ko kagabi kung saan naroon ang lumang bahay ni Matilde. Baka may mga pulis na roon at makita ako. Sa ibang direksyon ako dumaan patungo sa plaza.

Naka-sumbrero naman ako at alam kong hindi ako makikilala ng kung sino mang makasalubong ko dahil bihira lang ako kung lumabas. Ilang oras ang lumipas ay narating ko ang plaza. Wala pang masyadong tao.

Pumuwesto ako doon sa gitna ng plaza upang makita ko kung may tinedyer na babae na gagawi roon at maglakad-lakad. Saktong-saktong may paparating. Yumuko ako at nagkunwaring may hinahanap sa loob ng aking bag. Panaka-naka akong sumulyap upang mapagmasdan sila. Malapit lang sila sa akin. Isang matandang babae ang nilapitan niya. Kaya naman ay nakinig ako.

"Hoy! Anong ginagawa ninyo rito? Alam ba iyan ng mga magulang ninyo?"

"E, ano naman ang pakialam mo? Ke-dalaga mong tao, tsismosa ka na!"

"Aba! E, ikaw ang tanda-tanda mo na, nagmumukha kang matanda sa hitsura mo. At iyang lalaking kasama mo, mukhang wala namang bayag yan e. Bahag ang buntot. Sigurado akong maliit lang iyan."

"Puwede ba! Hindi ka lang tsismosa, pakialamera ka pa. Ang bata-bata mo pa, nangingialam ka na sa buhay ng ibang tao."

"Hayaan mo na siya, babe. Lipat na lang tayo sa ibang lugar. Baka kung ano pa magawa ko sa bunganga niyan e."

"Mabuti pa nga. Panigurado akong hindi alam ng nanay niyan ang pagka pakialamera niya."

Tanaw na tanaw ko lang ang pag-walk out ng magkasintahang iyon. Napapailing na lang ako. Pakialamera nga ang batang iyon. Maturuan nga mamaya ng leksiyon. Muli ko siyang sinulyapan at nakitang kausap na niya ang matandang kasama niya. Pagkatapos mag-usap ay umalis ang matanda. Naiwan siyang nakaupo sa isang bench.

Pinagmasdan ko ang paligid. Mukhang wala ng tao. Ako na lamang at siya ang nasa plaza. Kaya naman ay tumayo ako at dahan-dahang naglakad. Kinuha ko muna sa backpack ko ang isang panyo na may pampatulog. Humanda ka ngayon sa akin dalagang pakialamera!

Pasipul-sipol lang siya at hindi niya namalayan ang paglapit ko sa kaniyang likuran. Agad akong kumilos at itinakip sa kaniyang bibig ang panyo hanggang sa nawalan siya ng lakas na kumawala sa aking mga kamay. Binuhat ko siya na parang batang nakatulog sa aking balikat upang hindi ako mapaghalataan kung sakaling may makasalubong akong tao.

Mabuti na lamang at wala akong nakasalubong kaya naman ay muli kong binaybay ang daan pabalik sa gubat. Nang makalayo na sa plaza ay dinala ko ang dalaga sa isang may matataas na puno at inilapag sa lupa. Tinalian ko ang kaniyang tiyan at paa.

Binusalan ko ang kaniyang bibig. At dahil nakatulog siya ay sinimulan ko na ang aking pakay.

Binuksan ko ang aking backpack at inilabas ang pakong malalaki, martilyo, at ang kutsilyo ng mataderong gamit sa pagkatay ng baboy.

Humanda ka ngayon sa akin dalagang pakialamera.

Una kong ginawa ay pinakuan ko ang kaniyang dalawang paa. Bigla siyang napadilat pero hindi siya nakasigaw. Sumunod ay pinakuan ko ang kaniyang dalawang tuhod. Narinig ko pa ang pag-crack ng buto niya roon. Napangiti ako.

Iyak na siya nang iyak at halos mangisay na. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Tumayo naman ako at pinakuan ang dalawa niyang balikat. Sunod-sunod ang pagtagas ng mga dugo sa mga pinakuan ko. Hindi pa rin siya namamatay.

Pahihirapan ko muna ang tinedyer na ito. Ang mga mata naman niya ang pinakuan ko at tumilamsik sa aking mukha at bibig ang mga dugo. Ayos! Masaya ito.

Ang sunod kong ginawa ay pinagpupukpok ko na ang kaniyang ulo gamit ang martilyo.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Limang beses ko siyang pinukpok sa ulo. Halos madurog ang bungo nito.

Ngayon naman ay itatarak ko na sa kaniyang puso ang pako at pinukpok ko ito hanggang sa bumaon ito tagos sa puno.

Grabe! Ang saya naman nito.

Ang huli kong ginawa ay ang pagputol sa kaniyang dalawang kamay habang nakatali pa rin ito sa puno.

Matapos putulin ang mga ito ay inilagay ko na sa loob ng backpack ko ang mga gamit ko pati na rin ang dalawang putol na kamay ng dalagang pakialamera.

Bago umalis ay pinagmasdan ko ang aking unang biktima. Limang pako ang nakatarak sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Dalawa sa mata. Dalawa sa paa. At isa sa dibdib. Patuloy lang ang pag-agos ng dugo roon. Iniwan ko na lang na nakatali siya roon nang sa ganoon ay makain siya ng kung ano mang hayop o insekto na naroon.

Kailangan ko ng bumalik sa kubo. Hinihintay na ako ng aking mahal na si Matilde. Patalon-talon pa akong naglalakad habang binabagtas ang daan pauwi sa aking munting tahanan. Ilalagay ko sa malalaking garapon ang mga putol na kamay hanggang sa makumpleto ko na sila.

Bukas ay maghahanap na naman ako ng bagong mabibiktima. Ano naman kaya ang gagawing kong paraan para patayin siya bago ko putulan ng dalawang kamay? Hmmm. Bahala na. Maghahanap na lamang ako ng mga bagay na puwede kong gamiting pagpatay sa kaniya.

Sampung mga daliri
Putol ang kamay.
Putol ang isa.
Putol ang pangalawa.

Ay mali yata ang kinakanta ko. Paborito itong kantahin ng mahal ko e. Nakalimutan ko lang siguro ang ibang mga linya.

La la lalala
Lala la lala.
Lala lala,
Lala lala,
Lala lala lala.

Ayan! Puwede na iyan.

SAMPUNG MGA DALIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon