Turo-Turo

1.8K 81 9
                                    

Ikalawang Daliri - Hintuturo

"Mga bata, hali kayo. Lapit kayo sa akin," sabi ko sa tatlong mga bata na naglalaro sa plaza. Lumapit naman ang mga ito sa akin.

"Gusto ba ninyong mag-wish?" tanong ko sa kanila. Yumuko pa ako upang kausapin sila. Tila nahihiwagaan yata ang mga ito sa akin.

"Pasensyana po, hindi po namin kayo kilala," akmang tatalikuran na sana nila ako nang hawakan ko ang isa sa kaniyang kanang balikat. Lahat sila ay natigilan.

"Huwag kayong mag-alala, hindi ako masamang tao. Gusto ko lamang makipaglaro sa inyo. Kung mamarapatin ninyo ay puwede ba?" muli ko na naman silang tinanong. Bago sila nagsalita ay nagkatinginan pa silang tatlo. Ilang saglit pa ay tumango silang lahat.

"Kung ganoon ay maupo tayo rito sa damuhan. Ngayon ay makinig kayo sa akin. Simple lang ang laro natin. Turo-Turuan tayo. Tatakpan ninyo ng inyong isang kamay ang mukha ninyo tapos ay ituturo ninyo kung saang direksyon ang itatanong ko. Halimbawa, kapag sinabi kong nasaan ang kahol ng aso, ituturo lang naman ninyo ito. Naintindihan niyo ba? Hindi ba madali lang?" wika ko.

"Ang dali lang pala e. E, ano po ang premyo namin?" tanong ng isang batang lalaki.

"Ang premyo ninyo ay nasa bahay ko. At sorpresa iyon. Iyon ay kung mananalo kayo. Tatlo kayo laban sa akin. Tatlo laban sa isa. Kapag natalo kayo, isasama ko pa rin kayo sa aking tahanan upang ibigay ang premyo ninyo kahit pa natalo kayo. Hindi ba at napakabait ko?" Tumango naman silang lahat at naghanda na. Tinakpan na nilang tatlo ang kanilang mata gamit ang isa nilang kamay.

"Unang tanong. Ituro ninyong sabay sa akin ang kinaroroonan ng isang batang mataba," napahagikgik pa ako tanong ko sa kanila.

"Magbibilang ako ng tatlo. Isa. Dalawa. Tatlo. Turo-Turo na!" Sabay-sabay silang nagsituro. At nagulat pa ako dahil parehong direksyon ang itinuro nila sa akin. Hindi ko nga alam kung may batang mataba e. Gawa-gawa ko lamang ang tanong na iyon sa kanila. Kumagat naman sila.

Nilingon ko ang itinuro nila at nagulat ako dahil may batang mataba talaga na dumaan. Napailing ako. Mukhang nanalo sila.

"Magaling mga bata. Pero bago ninyo buksan ang inyong mga mata, nais kong sabihin sa inyo na tumpak ang itinuro ninyo dahil isang batang mataba ang dumaan sa likuran ko. At dahil nanalo kayo ay isasama ko kayo sa aking tahanan upang ibigay ang aking premyo. Ngunit, kailangan muna ninyong manatiling nakapikit. Huwag kayong mag-alala dahil ako ang magiging guide ninyo sa paglalakad," tumango silang lahat bilang tanda ng pagsang-ayon. Magaling. Napasunod ko sila.

Ngayon ay isa-isa ko na silang ginabayan sa paglalakad. Hindi naman kasi malayo ang bahay ko sa plaza. At hindi rin naman mabato ang daraanan namin. Kaya wala silang dapat na ipag-alala. Ang lapa-lapad na ng ngiti ko. Hindi na ako makapaghintay. Gutom na gutom na ako.

"Malayo pa po ba ang bahay ninyo?" hindi na nakatiis ang isang bata at nagtanong. "Malapit na malapit na. Huwag muna kayong didilat ha?" Sumunod naman sila at narating nga namin ang kinaroroonan ng aking munting palasyo. Bago ko sila sabihang idilat ang kanilang mga mata ay isa-isa ko na silang binatukan at nawalan silang tatlo ng malay.

Ang galing ko talaga. Ngayon ay makakatikim na naman ako ng bagong putaheng mga daliri. Isa-isa kong binuhat ang mga bata. Medyo may kabigatan nga lang. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon pero kampante naman akong walang nakakita sa amin habang pauwi sa aking tahahan. At wala ring nakakaalam sa kinaroroonan ko. Nang maipasok ko na sa aking tahanan ang tatlong batang pakay ko ay isinara ko na ang pintuan.

Nakatayo ako sa kanilang harapan at isa-isang pinagmamasdan ang bawat guhit ng kanilang mga daliri. Ang cute-cute paa ng mga daliri ng mga bata gaya ng mga daliri ko noong ako ay bata pa lamang. Bago pa sila magising ay agad kong tinalian ang kanilang mga katawan pati ang kanilang kamay at paa. Binusalan ko rin ang kanilang mga bibig upang hindi makasigaw. Tatlong araw na yata ang nakalipas mula nang matikman ko ang kamay ng aking nabiktimang si Kriselda at ang mga lasenggong iyon.

Kaya naman ay gusto kong masubukang kainin ang mga daliri ng isang bata. At saktong tatlo pa ang nabiktima ko. Ang saya-saya ko. Walang pagsidlan. Kulang na lamang ay lumutang ako sa alapaap. Iniwan ko muna ang mga natutulog na paslit at pumanhik sa aking silid. Doon ko kasi itinago ang nanari-saring hugis at laki ng aking paboritong gamit - ang mga gunting. Kinolekta ko na ang mga ito noon pa man.

"Sampung mga daliri putol ang isa. Putol ang pangalawa, pangatlo, pang-apat at pang-lima."

Pakanta-kanta pa ako habang isa-isang pinipili ang gunting na gagamitin ko sa mga bata. At napili ko ang mahaba, matulis na matulis at hasang-hasang gunting na ginagamit ng isang barbero. Pagkatapos niyon ay bumaba na ako at nakita kong gising na ang mga bata. Namamawis na ang mga ito. Nagpupumiglas at pilit na tinatanggal ang pagkakatali. Sorry na lang sila dahil mahigpit ang pagkakatali ko sa kanila.

"Huwag na kayong magtangkang tanggalin ang mga tali dahil hindi ninyo maaalis iyan," wika ko habang papalapit sa kanila. Gulat na gulat ang mga ito. Ang isa ay naluluha na at nagmamakaawa ang mga mata habang ang isa naman ay iyak na nang iyak kahit may takip sa bibig. Ang pangatlo naman ay matapang at matalim pa akong tinitigan.

"Natalo ninyo kasi ako e. Kaya kailangan ko kayo rito sa bahay ko. Nagustuhan ba ninyo ang premyo ko sa inyo? Mali pala. Ako pala ang may premyo at kayo iyon. Gusto ko ang mga daliri ninyo mga bata. Kaya sisimulan ko ng putol-putulin ang mga ito. Penpen de Sarapen lang naman ang lalaruin ko. At kung saan tumigil ang gunting na hawak ko ay iyon ang puputulin ko hanggang sa wala nang matira sa tigsa-sampung mga daliri ninyo. Sisimulan ko na ha?" napangiti pa ako sa kanila habang sila naman ay iling nang iling, atras nang atras bilang tanda ng hindi nila pagsang-ayon sa aking kagustuhan.

"Penpen de Sarapen de kutsilyo de armasen. How-how de carabo de batuten. Boom! Yari si Hinlalato mo. Putol na!" Impit ang sigaw ng unang bata at dahil isa pa lamang ang naputol ay hinimatay na ito. Dumako naman ako sa ikalawang bata at ang palasingsingan niya ang naputol ko habang ang pangatlo ay ang kaniyang hinlalaki.

Pare-pareho silang nawalan ng ulirat kaya naman pinutol ko ang mga daliri nilang lahat. Huli kong pinutol ang kanilang hintuturo na mahilig magturo-turo sa kung anong bagay na makita nila at gustuhing makuha. Pagkatapos niyon ay pumunta ako sa kusina na duguan. Inilagay ko ang mga daliri sa isang maliit na kawali at niluto. Pritong daliri ang aking ginawa.

Matapos lutuin ay nilantakan ko na ang mga daliri ng mga bata at sarap na sarap akong kagatin at nguyain ang mga ito. Napadikhay pa ako matapps ubusin ang lahat. At dahil busog na ako ay binalikan ko ang bata. Isa-isa kong pinakinggan ang pintig ng kani-kanilang mga puso at napangiti ako dahil PATAY NA SILA!

SAMPUNG MGA DALIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon