Killer's POV
Ngayon ang ikatlong araw ng paghahanap ko sa ikatlong mabibiktima ko. Hindi na ako lumagi muna sa plaza o tumambay sa palengke. Sa halip ay naglakad-lakad na lamang ako sa kalsada. Maliwanag pa naman ang gabi nang mga oras na ito. Kaya naman habang naglalakad ako ay may nakita akong isang babaeng sa tingin ko ay pokpok.
Nilapitan ko siya. Nagulat siya sa akin.
Ngumiti ako bilang tanda na wala akong gagawing masama. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ako naman ay sinuyod din ang kabuuan niya. Sa tantiya ko ay nasa disisiyete anyos lang ang dalagang ito. Hapit na hapit ang suot niyang damit. Kulang na lamang ay mahulog ito ay lumabas ang tinatago niyang dalawang malulusog na papaya.
"2000 lang po. Tiyak na mapapaligaya ko po kayo ngayong gabi," nginitian niya ako tapos ay nagsindi ng sigarilyo. Hindi ako nagsalita.
"Ano? Take it or leave it?" marunong siyang dumiskarte ha? Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mong tawaran mamaya. Tumango ako.
"Good. Sige sundan mo ako," at sumunod ako sa kaniya.
Ilang kalye din ang dinaanan namin bago marating ang lugar na pupuntahan niya. Nang tumigil kami ay napansin kong isa itong mumurahing motel. Napangiti ako nang bahagya.
"Bigyan mo muna ako ng 300. Pambayad," hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at iniabot ito sa kaniya.
"Bale, 1000 na lang ang kulang mo sa akin. Mamaya na kita sisingilin," humanda ka dahil pagkapasok natin mamaya ay sisingilin na kita.
Inihatid na kami sa taas patungo sa kuwartong rerentahan namin. Hindi ako bobo para hindi malaman ang ganitong uri ng pagbebenta ng aliw. Masuwerte lang ako dahil dito niya ako dinala.
Nang makapasok sa loob at lumabas na ang naghatid sa amin ay inutusan niya akong isarado at i-lock ang pinto. Tinungo niya ang banyo. Ako naman ay inilapag ko sa isang maliit na mesa ang bag ko. Hinintay ko na lang muna siyang makatapos maligo. Ilang sandali pa ay lumabas na siya.
"O, bakit hindi ka pa naghuhubad? Siguro first time mo no?" nakatapis lang siya ng tuwalya at lumapit sa akin na tila nanunuyo at nang-aakit. Humanda ka na! Nang makalapit siya ay agad ko siyang sinakal. Mahigpit ang pagkakasakal kong iyon pero nagpupumiglas siya. Kaya naman ay sinuntok ko siya sa tiyan at bumagsak siya sa kama. Tinanggal ko ang sinturon ko at itinali iyon sa kaniyang bunganga upang hindi makasigaw.
Kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Pinanlisikan ko ito. "Huwag kang magkakamaling sumigaw kung ayaw mong mabilis kitang lalagutan ng hininga." Tumango naman siya pero nanginginig na ang kaniyang mga kamay at paa.
Kinuha ko sa aking bag ang lubid. Tinalian ko ang dalawa niyang kamay at paa. Pumaibabaw ako sa kaniya at pinagsasampal ang kaniyang mukha. Muli ay sinakal ko na naman siya nang sinakal. Nang mapagtantong nawawalan na siya ng lakas ay kinuha ko ang isang pakete ng sigarilyo niya. Sinindihan ko ang isa. Tinanggal ko ang suot niyang tuwalya at pinaso ang kaniyang dalawang papaya.
Luhang-luha siya. Magaling! Ang galing ko talaga. Papahirapan ko pa muna siya. Gusto kong uunti-untiin ang pagpaslang sa kaniya. Muli kong kinuha ang aking bag. Alam kong may dala akong mga maliliit at malalaking karayom. Kaya iyon ang kinuha ko. Bago ko gawin ang nais ko ay inayos kong muli ang pagkakatali sa kaniya. Ang magkabilang kamay at paa niya ay itinali ko sa magkabilang dulo ng kama na parang kakataying baboy.
Sinunod kong gawin ay ang pagtusok ng mga karayom sa kaniyang mga kilay, mata, butas ng ilong, tainga at maging sa kaniyang pagkababae. At dahil hindi na siya makagalaw sa mga nakatusok na karayom sa kaniyang katawan, kumuha ako ng isang unan at agad na tinakpan ang kaniyang mukha. Kitang-kita ko pa ang pagtagas ng dugo mula sa kaniyang mukhang may nakatusok na karayom. Hinigpitan ko pa ang pagtakip ng unan sa mukha niya hanggang sa siya ay bawian ng buhay.
Basang-basa ng dugo ang unan. Upang makatiyak na patay na siya ay ibinaon ko naman ang isang malaking karayom sa dibdib niya. Tatlong malalaking karayom iyon. Tumatagas ang dugo mula sa kaniyang dibdib. Hindi pa ako nakuntento sa aking ginawa kaya tinanggal ko ang mga tali sa kaniyang kamay at paa. Tumingala ako sa kisame at doon ay itinali ko ang isang lubid. Siniguro kong hindi iyon babagsak at tinalian naman ang leeg ng pokpok na ito at binitay.
Sa pagkakataong iyon ay wala na nga itong buhay. Agad kong kinuha ang baon kong malaking gunting na ginagamit sa pagputol ng mga yero at pinutol ang dalawa niyang kamay. Matapos kong putulin ang mga ito ay tinungo ko ang banyo. Hinugasan ko ang kamay niya. Naligo na rin ako upang matanggal sa aking katawan ang mga dugong kumapit rito.
May baon naman akong damit kaya wala akong alalahanin. Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay isinilid ko na sa aking bag ang dalawang kamay. Naghintay pa muna ako ng ilang oras doon sa motel na iyon upang makapagrelaks bago lumabas.
Siniguro ko ring hindi maaamoy o mapapansin ang nagdurugong kamay na nasa bag ko dahil inilagay ko muna ito sa isang itim na plastik. Pumatak ang alas diyes ng gabi. Naisipan ko ng lumabas ng silid na iyon dahil bayad na rin naman ito. Sinipat-sipat ko muna kong may tao.
Wala. Kaya naman taas noo akong lumabas na tila walang nangyari. Pagdating sa counter ay wala ring tao roon. Ang suwerte ko naman! Nagmadali na akong lumabas.
Tumakbo nang mabilis.
Walang lingon-lingon.
At sa aking pagtakbo ay hindi ko na namalayang nasa bukana na ako ng gubat. Doon ay dahan-dahan na akong naglakad pabalik sa aking munting tahanan kung saan ay naghihintay ang natutulog kong mahal at ang pangatlong garapong paglalagyan ko ng pares ng kamay na ito.
Tatlong biktima na! Dalawa na lamang at malapit ko ng makumpleto ito. At kapag nagtagumpay ako ay magsasama na kami ni Matilde.
BINABASA MO ANG
SAMPUNG MGA DALIRI
HorrorSampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lugar.