Ang Huling Kuwento ng Hinlalato
"Halika tuloy ka sa bahay ko. Pagpasensiyahan mo na kung maliit lang ang bahay ko. Pero malinis naman siya. Halika, pasok ka." wika ng binata na panay ang sulyap sa dalagang bisita niya.
"Upo ka muna. Feel at home. Pupunta lang ako sa kusina at ipaghahanda kita ng specialty ko. Magaling akong magluto." dagdag niya. Tumango lamang ang dalaga. Mukhang bata-isip ang bisita niya. Kaya naman ay palihim siyang napangiti.
Samantala, habang nasa kusina ang binata ay iginala naman ng dalaga ang paningin sa kabuuan ng bahay ng binata. Nakuha ng kaniyang atensyon ang isang koleksyon ng mga gunting na nakasabit sa dingding ng kaniyang tahanan.
"Mukhang mapapadali ang kamatayan ng binatang ito a. Akalain mong may koleksyon din siya ng mga gunting. Ayos!" masayang-masaya siya sa kaniyang nakikita.
"Pero gutom na ako. Ayokong kumain ng ibang putahe kung walang sahog na mga daliri. Paborito ko kasi iyon e." tinungo niya ang kusina at nakitang abalang-abala ang binata sa paggagayak ng mga lulutuin niya. Hindi niya napansin ang presensiya ng dalaga.
Ang dalaga naman ay malikot ang mata. Nang mahagilap ang isang kutsilyo sa mesa ay dahan-dahan niyang kinuha iyon at itinago sa likod. Saktong paglingon ng binata ay nakita niya ang dalaga.
"Gutom ka na ba? Mabilis lang ito. Huwag ka mag-alala gutom na rin ako e," may ibig pakahulugan ang huling sambit ng binata pero hindi iyon alam ng dalaga. Ang hindi alam ng binata ay handing-handa na ang kamay niya sa pagsaksak sa likod nito at patayin siya nang makapagluto na rin siya at makakain.
Saktong nakataliko na ang binata nang unti-unti na niyang iniangat ang kutsilyong nakuha niya sa mesa at agad na itinarak niya iyon sa likuran ng binata. Napasigaw ito.
Napaatras naman ang dalaga at nang itatarak niyang muli ang kutsilyo ay nakailag ang binata. Kahit sugatan at patuloy sa pag-agos ang dugo ay nagawa niyang makailag at tinungo ang sala ng kaniyang bahay.
Kinuha niya ang malaking gunting at inihanda ang sarili. Nang makita ang dalaga ay agad na itinutok niya rito ang gunting na hawak niya. Ngunit hindi mo kakikitaan ng takot ang mukha niya. Sanay na marahil ito sa pamamaslang. Matalim lamang siyang tinitigan. Binitiwan nito ang hawak na punyal at kinuha ang isang uri ng gunting na kasing laki din ng hawak ng binata.
Muli ay nginitian siya ng dalaga. Iniinda na lamang ng binata ang hapdi dahil patuloy pa rin sa pagdurugo ang kaniyang likod sa may bandang kili-kili dulot ng pagkasaksak sa kaniya kanina ng dalaga. Itinaas na ng dalaga ang gunting at ginawa namang pananggalang ng binata ang kaniyang hawak na gunting.
Muling itinarak ng dalaga ang gunting sa binata. Nakailag man ito pero hindi ang kaniyang paa dahil sa kaliwang paa siya tinamaan. Muli ay napadaing siya. Gustuhin man niyang sumigaw ay wala namang makakarinig sa kaniya dahil nag-iisa lamang ang tahanan niya mula sa bayan.
Tatayo pa sana ang binata nang walang pasubaling ginupit ng dalaga ang mga daliri niya sa kaliwang pang sugatan. Pawis na pawis na siya. Kung ang akala niya kanina ay siya ang naka-jackpot dahil pagsasamantalahan niya ang dalaga ay nagkamali siya dahil siya ang nabiktima.
Muli na namang sumilay ang mala-demonyong ngiti ng dalaga habang papalapit ito sa kaniya. Kahit nanghihina na ay hawak-hawak pa rin niya ang gunting na mayroon siya. Nag-isip siya ng paraan na masugatan ang dalaga hanggang sa nakalapit na ito sa kaniya at buong lakas niyang iniangat ang gunting. Bago pa man dumapo sa kaniya iyon ay mabilis niyang naihampas ang gunting na hawak niya sa ulo ng dalaga at buong p'wersa niya ring sinipa ito sa tiyan.
Muntik nang mawalan ng balanse ang dalaga dahil tinamaan siya sa ulo. Napahawak ang isang kamay niya roon at nang makita ang dugo ay lalong naningkit ang kaniyang mata.
"SINUGATAN MO AKO? NGAYON AY MAGBABAYAD KA!" Galit na galit ang dalaga. Kahit nahihilo pa nang kaunti ay wala kang mababakas ng takot sa kaniyang mata pero matindi na ang takot sa binata.
Kahit hinang-hina na ay pinilit ng binata na tumayo pero hindi na niya nagawa dahil bumaon ang tulis ng gunting sa hita niya tagos hanggang buto nito dahilan upang sumigaw siya nang malakas.
Hindi na napigilan ang dalaga dahil gutom na gutom na ito at kailangan na niya ng pagkain. Binunot niya ang gunting at napasigaw na naman ang binata. Nanlulupaypay na ito at malapit ng magkulay-ube ang mukha. Pilit na iminumulat ng binata ang kaniyang mga mata ngunit huli na dahil ang dalawang tulis ng gunting ay naitarak sa kaniyang dalawang mata.
Sigaw siya nang sigaw dahil masaganang bumabagsak ang mga dugo sa kaniyang mata. Hindi pa nakuntento ang dalaga ay pinulot niya naman ang punyal na ginamit niya sa pagsaksak sa likuran ng binata at ibinaon iyon sa dibdib nito nang ilang beses hanggang sa tuluyan na itong nanigas. Pero patuloy pa rin sa pagsasaksak ang dalaga sa katawan ng binata.
Nang siguradong patay na ito ay isa-isa na niyang pinutulan ng daliri ang binata. Pinutol niya rin maging ang pagkalalaki nito at ang ibang daliri sa paa niya. At dahil mga daliri sa kamay ang kaniyang gusting kainin ay agad niya itong dinala sa kusina at inilubog sa kumukulong tubig na kanina ay inihahanda ng binata.
Nagtagal pa ang dalaga ng isang oras at kalahati sa bahay ng binata hanggang sa makatapos siyang kumain. Magtatakip-silim na nang siya ay lumabas at nakiramdam muna sa paligid kung may paparating o nagmamasid.
Wala!
Kaya naman ay taas-noo siyang naglakad na parang walang nangyari at hindi man lamang pinansin ang duguan niyang kasuotan. Gaya ng ginagawa niya ay kumanta na naman ito at patalon-talong naglakad habang binabagtas ang daan pauwi sa kaniyang lumang tahanan.
"Pen pen de sarapen,
de kutsilyo armasen.
Sampung mga daliri,
Putol ang isa,
Putol ang pangalawa,
Putol ang pangatlo,
Pang-apat at pang-lima.
Haw haw de karabaw batuten."Ang hindi niya alam ay may isang taong dumating sa kaniyang tahanan tanghaling tapat bago niya pinaslang binata. Ang taong iyon ay nagsimulang magmasid sa kabuuan ng lugar at ng lumang bahay hanggang sa nilibot niya ang bahay upang maghanap ng mapapasukan upang tuklasin ang kaniyang pakay.
BINABASA MO ANG
SAMPUNG MGA DALIRI
TerrorSampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lugar.