Putol na Kamay in the House

827 35 0
                                    

TJ's POV

Gulat na gulat ako nang makita ko ang isang pares ng putol na kamay na hawak na kutsilyo na gustong patayin si ShaSha. Mabuti na lamang at sa mukha iyon tumama. Maagap ko ring nasalo sa aking mga bisig ang katawan ng babaeng una at huli kong minahal sa buong buhay ko.

"ShaSha! ShaSha, gumising ka! Gumising ka!"

Inalog-alog ko na siya. Tinapik-tapik. Sinampal-sampal pero hindi pa rin siya nagkakamalay. Kaya naman ay naisipan kong buhatin na lang siya at dalhin sa pinakamalapit na ospital. Nilapatan ko na lamang ng pang-unang lunas ang sugat niya sa mukha.

Nang tatayo na ako buhat-buhat ang katawan ni ShaSha ay isang matulis na bagay ang naramdaman kong tumarak sa aking likuran. Napadaing ako sa sakit at napayukod. Ibinaba ko na lamang muna si ShaSha upang harapin ang sumaksak sa akin.

Pinilit ko ring tanggalin ang bagay na iyon sa likod ko pero hindi abot ng aking kamay. Muli kong iginala ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Wala akong makita. Mas lalo pa akong dumaing at humiyaw nang may bumunot ng punyal sa aking likod.

"SINO KA! MAGPAKITA KA SA AKIN!"

Hinugot ko na ang aking baril sa tagiliran at inihanda ang sarili. Ngunit wala akong nakikita. Ininda ko na lamang ang sakit at tinalasan ang aking pakiramdam. Inikot ng aking mata ang lahat ng makita ko habang hinahanap ang salarin.

"AAAAAHHH!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at napagtantong sinaksak na naman si ShaSha. Sa pagkakataong iyon ay nasilayan ko ang dalawang putol na kamay na nakahawak sa kutsilyo. Pinaputukan ko iyon at tinamaan ko. Pero kasabay ng paghugot ng putol na kamay na iyon ay ang pagsigaw ni ShaSha dahil sa sakit ng pagtarak at paghugot.

"T-T-TJ."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangang makalabas kami ng bahay at makalayo rito. Demonyo ang kalaban namin dito.

"Aaaahhhhhh!"

Ako naman ngayon ang muling sumigaw. May bumaon at humugot ng kutsilyo sa kanang balikat. Sa sobrang galit ko ay pinaputukan ko na lamang ang bawat sulok ng bahay na makikita ko ang putol na kamay na iyon. Alam kong tinamaan ko siya kanina at ang mga patak ng dugo sa sahig ang bakas at batayan ko upang patamaan siya.

Halos sampung bala na ang pinakawalan ko hanggang sa wala na akong makita. Kaya naman ay ginamit ko ang pagkakataon na makalabas. Binuhat ko na si ShaSha. Ininda ko na lamang ang sakit.

Alam kong may kinalaman ito sa lumang bahay at ang nawawalang bangkay ng suspek. Hindi kaya iyon ang kamay ng suspek? Wala nga lang mukha o katawan kung hindi kamay lang? Napapailing na lamang ako.

Sa wakas nakalabas din kami. Isinakay ko na lamang sa aking kotse sa front seat si ShaSha. Agad kong ini-start ang makina at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. Kailangan ko munang dumaan sa pinakamalapit na ospital upang magamot ang aming mga sugat. Mas importanteng magakamalay si ShaSha.

Halos trenta y minuto na akong nagmamaneho nang matanaw ko ang isang ospital. Agad kong ipinarada ang sasakyan sa ER area at binuhat si ShaSha. Sinalubong naman kami ng mga nars at isa-isang inalalayan upang ipasok at gamutin.

Lumipas ang dalawa hanggang tatlong oras ay nagising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nang bumangon ako ay may mga benda na ang aking likuran at balikat. Pero ramdam ko pa rin ang hapdi. Balewala sa akin iyon. Kailangan kong puntahan si ShaSha kung nagkamalay na siya.

"Nars, nasaan ang kasama kong dinala ko rito?"

"Nasa kabilang side mo lang po siya, sir. I'll open the curtain for you to see her. Okay na po siya. Mayamaya lang po ay magigising na siya."

Nang hawiin ng nars ang kurtinang namamagitan sa aming dalawa ay nakita ko ang nakapikit na si ShaSha. Bumaba ako sa aking higaan at nilapitan ko siya.

Mala-anghel ang kaniyang mukha kapag tulog. Bagay na gusto kong laging nakikita siyang ganoon. Mabait naman siya. Nagbago lamang ang pakikitungo niya sa akin nang hindi ko siya siputin noong araw na sasagutin na niya ako.

Ang buong akala niya ay hindi ako pumunta. Naroon ako sa kabilang side lamang at tinatanaw siya. Hindi ko siya nilapitan dahil alam kong masasaktan lamang siya kapag nalaman niyang iiwan ko rin siya. Binantaan kasi ako ng magulang ko na may mangyayaring hindi maganda kay ShaSha kapag naging kami.

Alam kong bata pa ako nang mga panahong iyon. Kaya pinili kong sundin ang aking magulang. Kung alam lang ni ShaSha kung gaano ako kasabik na makita at marinig mula sa kaniya ang matamis niyang 'Oo'. Kaso huli na. Hinayaan kong mabasa siya ng ulan. Hindi ako umalis noon hanggang sa umulan. Hinintay ko talagang makaalis siya kahit damang-dama ko ang matinding kalungkutan sa kaniyang mukha.

Napapalis man ng ulan ang luha sa pisngi niya noong mga sandaling iyon. Pero hindi maitatago ng kaniyang mga mata ang salitang Pinaasa ko siya. Umasa siyang magtatagpo kami.

"Patawad, ShaSha. Patawad sa aking nagawa."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Hindi ko na inalintana ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. Luhaan ako nang magising siya. Marahil naramdaman niya ang mga luha kong pumatak sa kaniyang mukha at kamay.

"TJ? Nasaan na tayo?"

"Nasa ospital na tayo. Ligtas ka na. Tayo."

"Salamat sa pagsagip mo sa akin. Pero bakit pati ikaw ay may sugat din yata? Nasaksak ka rin ba?"

"Wala sa akin ito, ShaSha. Magpahinga ka na dahil bukas kailangan nating puntahan ang lumang bahay. Sigurado akong demonyo na ang nakalaban natin kanina. Kailangan na nating suyuring muli ang paligid ng lumang bahay."

"Oo. Tama. Sasamahan kita. Ipapaalam ba natin kay Chief?"

"Hindi na. Mas mabuting tayo na lamang dalawa muna ang makakaalam. Hindi biro ang kalaban natin, Sha. Magpahinga ka na. Babantayan na lamang muna kita rito."

"Salamat, TJ. Huwag kang aalis sa tabi ko ha?"

Tumango na lamang ako. Sa kabilang parte ng puso ko ay masaya ako at nag-alala rin siya. Gusto ko sana siyang halikan sa noo pero huwag na lang muna. May tamang panahon para diyan. Ang importante ay hindi siya galit sa akin.

SAMPUNG MGA DALIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon