#3 Ang Lalaking NBSB

253 36 22
                                    

Ang pamilya Adlizarg ay kabilang sa iilang pinagpalang tubuan ng bangs. Paggawa ng mamahaling alak ang kanilang hanap-buhay. Binubuo ang pamilyang ito ng amang si Kazasky, inang si Avalantia at ang mga anak nilang sina Dancelthox, Jerskinks, Baraviana, Hillafox, Axilles, at ang kanilang bunso na si Noksi.

Bakit tila ata naiiba ang pangalan ng kanilang bunsong anak kumpara sa pang-mayaman na pangalan ng mga nakatatanda nitong kapatid? Iyon ay dahil ayaw sakanya ng kanyang mga magulang.

Dahil siya ang tanging miyembro ng pamilya na hindi biniyayaan ng bangs.

Siya ay ang dakilang NBSB o No Bangs Since Birth.

No Bangs Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon