#6 Papansin Lang Talaga Ako

169 28 17
                                    

Hindi alam ang gagawin, umiyak na lamang si Noksi. Dinamayan na rin siya sa pag-iyak ng author at ilan sa mga nagbabasa na mababaw ang luha.

“Bakit?! Ano bang nagawa kong mali at pinipilit ng author na sumali sa kwento ng buhay ko?!” tanong ni Noksi sa kanyang sarili. Tinanong niya rin pala kung bakit siya itinakwil ng kanyang pamilya dahil lamang sa wala siyang bangs.

Kahit na puro paghihirap ang dinanas, hindi sumuko si Noksi dahil kung susuko siya ay magiging pangit ang ending ng kwentong ito kaya naman pinilit niyang maghanap ng pinakamalapit na bayan upang humingi ng tulong.

No Bangs Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon