Sa isang planetang hindi ko na matandaan kung ano ang tawag, ay may kakaibang paraan upang malaman ang estado mo sa buhay. Ang mga kabilang sa karangyaan ay may natatanging katangian na kina-iinggitan ng mga taong kapos palad.
Ito ay ang maalamat at mahiwagang, bangs.
Ayon sa pananaliksik, may kakaibang dulot ang bangs o ang buhok na tumatakip sa noo sa katalinuhan ng mga tao sa planetang ito kaya naman nagiging matagumpay ang mga taong pinagpala nito.
Kahit anong pilit ng mga mahihirap ay hindi pa rin sila nagtatagumpay sa pagpapatubo ng kanilang bangs. May tila kakaibang magnetic force na pumipigil sa buhok ng mga ito.
Pero ang lahat ng ito ay malapit ng magbago. Ayon ulit ito sa propesiya ng isang matandang ermitanyo.
BINABASA MO ANG
No Bangs Since Birth
UmorismoAng alamat ng No Boyfriend Since Birth(NBSB) ngayon ay binagyan ng kakaibang kulay. Anong meron sa bangs at nagkaroon ng kwento tungkol dito? Ang kwentong ito ay isinulat para sa mga taong may bangs man o wala. Madiin ko ring inaanyayahan ang mga k...