Trivias

121 21 18
                                        

Ang pangalan ni Noksi ay naisip noong ako kay sinisinok.

Nagtayo ng paaralan si Noksi paglipas ng ilang taon at ipinangalan niya ito sa taong nagligtas sa kanya nung siya ay medyo pagod, medyo may sugat at medyo gutom. Ang Pedro U. Punongbayan Academy. Ito rin ang paaralang ginamit ko sa ikalawa kong kwento na pinamagatang “Nung Sumulat Ako Ng Love Story.” na naging university na.

Pamilya Adlizarg. Baliktarin mo ay magiging Grazilda. Ang Grazilda ay ang isa sa pinakapaborito kong telenovela noong ito ay pinapalabas pa. Ang lakas ng tama ko kay Grazilda na ginagampanan ni Glaiza de Castro kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi siya magiging parte ng mga kwento ko.

Binanggit sa isang episode ng Grazilda na ang tunay na pangalan niya ay “Grazilda Kazasky Avalentia Dancelthox Jerskinks von Hillafox Axilles cancha Baraviana Y Gurtenbansher.” At hindi pa ito buo.

Ang pangalan ni Erica, may basehan din ito kahit na karaniwan ang pangalan, ay mula sa pangalan ng leading man ni Grazilda na si Eric. Nilagyan ko lamang ng “a” upang magiging babae.

Ang pangalan ni Nauto ay sigurado akong alam mo na ang pinagmulaan. Ang pangarap niya ay maging hari ng mga pirata.

May bangs ang author ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay kabilang siya sa mga angat na pamilya. At saka ‘di ba naayos na ni Noksi ang tungkol sa kakaibang uri ng pagsukat ng estado ng mga tao.

Nasabi ko na bang crush ko si Glaiza de Castro?

Sandakmakmak na pasasalamat ang iniaalay ko para sa iyo sa pagbabasa mo nitong munting kwentong handog ko para sa iyo. Nawa'y ito'y iyong naibigan. Pero wag mo naman ligawan para maging syota mo, if you know what I mean.

Other stories available:

>Ang Palakang Nais Umawit - May palakang nais umawit sa kwentong ito

>Nung Sumulat Ako Ng Love Story - Love story ang tema ng kwentong ito

>Kewlché: Cliché Pero Kewl - Mga kwentong Cliché na ginawang kewl.

>Open 23 Hours A Day - Bakit hindi ko pa ginawang 24 hours?

>Ang Pangarap Mong Love Story - Tungkol ito sa pangarap mong love story.

No Bangs Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon