“Dayuhan ka ba rito? Ngayon lang kita nakita eh.” tanong ng dalaga. “Oo eh, kanina lang ako dumating dito sa bayan ng kwan” tugon naman ni Noksi. “Ang pangalan ko nga pala ay Erica. Ikinagagalak kitang makilala…” sabi ni Erica. “Noksi, yun ang itawag mo sa akin.” sagot naman ni Noksi.
Kinilig si Noksi sa pag-uusap nilang ‘yon. Nawala na ang kanyang galit sa author dahil nabigyan siya ng pagkakataon upang makadiskarte sa chick na kagaya ni Erica at pati na rin dun sa cute na sisiw.
Hindi kaya ito na ang simula ng isang pag-iibigan? Teka, baka naman dapat kong ibahin ang pamagat ng kwentong ito at gawing “Nung Sumulat Ako Ng Love Story 2.”
“Teka may trabaho ka na ba? Kailangan kase namin ng makakatulong sa bukid, nahihirapan na kasi kami dahil pumanaw na si itay nung nakaraang taon.” tanong ni Erica. Mukhang naka-jackpot talaga itong si Noksi dahil magkakaroon na siya ng trabaho. Muling nagpasalamat si Noksi sa author.
BINABASA MO ANG
No Bangs Since Birth
HumorAng alamat ng No Boyfriend Since Birth(NBSB) ngayon ay binagyan ng kakaibang kulay. Anong meron sa bangs at nagkaroon ng kwento tungkol dito? Ang kwentong ito ay isinulat para sa mga taong may bangs man o wala. Madiin ko ring inaanyayahan ang mga k...