Pedro: Ano gang iyong ginagawa mo roon sa may kakahuyan at bakit ga ganyan ang iyong kalagayan? Pinalayas kaga ika ng iyong mga magulang dahil lamang sa ika’y hindi tinubuan ng bangs? Tama ako hindi ga, iho?
Noksi: Teka, paano ninyo po nalaman yun? Stalker ba kita? Kadiri naman, ang tanda mo na eh.
Pedro: Ano kaga, ako ga’y hindi mo talaga makilala? Ako lamang naman ika ang matandang ermitanyo na mahilig magbigay ng mga propesiya eh.
Noksi: Hindi ko ho kaya kilala at hindi ko rin alam kung legal ba yang ginagawa nyo, pero maraming salamat ho sa pagtulong sa akin.
Pedro: Walang anuman, at kung ano man yang pinagdadaan mo ngayon siguraduhin mong sundin mo lamang ninanais ng iyong puso.
Namasyal saglit si Noksi sa labas upang lumanghap ng sariwang hangin at dahil nagiging matalinhaga na rin ang kausap niyang matanda.

BINABASA MO ANG
No Bangs Since Birth
UmorismoAng alamat ng No Boyfriend Since Birth(NBSB) ngayon ay binagyan ng kakaibang kulay. Anong meron sa bangs at nagkaroon ng kwento tungkol dito? Ang kwentong ito ay isinulat para sa mga taong may bangs man o wala. Madiin ko ring inaanyayahan ang mga k...