Nag-usap sina Erica at Noksi pagkatapos ng trabaho. “Alam mo Noksi, nabanggit ko na ba sayo na nais ko magkaroon ng bangs?” sabi ni Erica. “Oh talaga?! Bakit naman?” tanong ni Noksi na tila hindi makapaniwala sa nalaman. “Pero hindi ko naman gusto mapabilang sa mga taong mayayaman gaya halimbawa ng pamilya Adlizarg.”
Nagkaroon ng sudden flash back sa isipan ni Noksi. Bigla niyang naisip ang kanyang nakaraan, kaya nga sudden flash back eh, tinagalog ko lang. Ngunit alam niyang wala na siyang magagawa kundi tanggapin na lamang ang mga pangyayari at tinuloy na lamang ang pakikipag-usap kay Erica.
“Oh bakit mo nga gusto magkaroon ng bangs?” tanong muli ng Noksi. “Sa tingin ko lang kasi bagay ko yung may full bangs hanggang kilay.” sagot ni Erica at sinubukan isipin ni Noksi ang magiging itsura ni Erica kung ito ay may full bangs hanggang kilay. Napangiti na lamang si Noksi sa kanyang naisip.
BINABASA MO ANG
No Bangs Since Birth
UmorAng alamat ng No Boyfriend Since Birth(NBSB) ngayon ay binagyan ng kakaibang kulay. Anong meron sa bangs at nagkaroon ng kwento tungkol dito? Ang kwentong ito ay isinulat para sa mga taong may bangs man o wala. Madiin ko ring inaanyayahan ang mga k...