Nung una’y inakala ng amang si Kazasky na marahil hindi niya tunay na anak si Noksi. Kinabahan ito dahil nung lumabas ang ultrasound ni Noksi ay wala siyang mamataan na kahit anong hibla ng bangs. Pagkapanganak kay Noksi ay agad siyang pinakuhanan ng DNA test at pusitibo naman ang resulta. Anak nga si Noksi ng mga taong may bangs ngunit hindi siya tinubuan ng bangs.
Hindi ipinaalam ng pamilyang Adlizarg sa iba na anak nila si Noksi. Bagkus, sinabi nila na namatay ang bata mula sa pagkasilang. Naninirahan pa rin naman si Noksi sa bahay ng Adlizarg ngunit bilang isang katulong at pilit inaalipusta ng kanyang pamilya sa mga taong lumipas.
Yup, parang si Cinderella. Ngunit mas masalimuot ang dinanas ni Noksi dahil sa susunod na pahina ay palalayasin na siya sa kanyang tirahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/12213985-288-k412500.jpg)
BINABASA MO ANG
No Bangs Since Birth
HumorAng alamat ng No Boyfriend Since Birth(NBSB) ngayon ay binagyan ng kakaibang kulay. Anong meron sa bangs at nagkaroon ng kwento tungkol dito? Ang kwentong ito ay isinulat para sa mga taong may bangs man o wala. Madiin ko ring inaanyayahan ang mga k...