#7 Hindi Ko Makakalimutan 'Yung Kwan

163 29 14
                                    

Napadpad siya sa bayan ng kwan na pinamumunuan ni mayor kwan. Hindi ko na pinalanganan dahil hindi naman mahalaga iyon. At huwag mo na subukang itanong sa akin kung bakit ko pa binanggit gayung hindi naman pala mahalaga dahil hindi kita masasagot.

Naghihikaos, punong-puno ng sugat, at nagmamakaawang mabigyan ng makakain, yan ang dapat na kalagayan ni Noksi ngunit ayaw kong maging rated SPG itong kwentong ito gagawin ko nalang na medyo pagod, medyo may sugat at medyo gutom na itong si Noksi. Pero kailangan pa rin naman siyang kaawaan.

Napansin siya ng isang mama na papangalanan nating Pedro dahil iyon ang unang pangalang pumasok sa isipan kong tamad mag-isip. Naawa siya sa binata at pinatuloy sa kanyang munting tahanan upang maasikaso.

No Bangs Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon