#9 Chix

147 22 16
                                    

Sa kanyang paglalakad ay nagulat siya sa kanyang namataan. Nung napatingin siya sa kaliwa ay may nakita siyang chick. Isang magandang babae, maputi, maganda ang hubog ng katawan at walang bangs. Nung napatingin naman si Noksi sa gawing kanan ay may nakita ulit siyang chick. Isang napaka-cute na dilaw na sisiw. At dahil di na mapagilan ang sarili, pinuntahan ni Noksi ang cute na dilaw na sisiw.

Napaisip si Noksi “Bakit kaya dito ako sa sisiw pinapunta ng author kesa dun sa magandang chick? Hindi kaya bakla ‘yung chick na ‘yun? Oh teka, hindi naman kaya ako ang bakla? NOOOO!!!!” Nilapitan si Noksi nung magandang babae at namula ang mga pisngi ni Noksi patunay na hindi siya bakla. Napabuntong hininga na lamang si Noksi.

No Bangs Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon