#13 Rokudaime

127 21 14
                                    

“Oh Erica andyan kana pala?” sabi ng isang lalaking na lumitaw nalang kung saan na tila may lahi ni Naruto. Nagulat tuloy si Noksi at bigla naihagis kay Erica ang tinidor na gamit nito buti nakaillag ang dalaga. “Kelan kapa dumating Nauto?” sagot ni Erica. “Kanina lang, mga tatlong pahina na ang nakalipas.” sabi naman ni Nauto.

“Sino pala ‘yang kasama mo? Asawa mo?” tanong ni Nauto. “Baliw! Hindi no.” tugon ni Erica. “Lablyf mo?” sabi ni Nauto. “Tigilan mo nga ‘yang pang-aasar mo.” sabi naman ni Erica. “Ah, baka naman crush mo?” pangungulit ni Nauto at hindi nagawang agad makapagsalita ni Erica. Namula ng husto ang mga pisngi ni Erica at Noksi, nilalagnat kaya sila? Oh baka lovenat na ito.

“Matulog ka na lang para naman tumangkad ka.” sabi ni Erica kay Nauto at agad naman ito sinunod ni Nauto na tila inuto lang ni Erica.

No Bangs Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon