Chapter 07: Great Inferial University
(Zianna's Pov)
Great Inferial University?
I was stunned habang tinititigan ko ang napakalaki at napakalawak na eskwelahan sa harap ko. Seriously? Dito ako papasok? Wow. Nakakamangha.
Pasensya na kung parang ignorante ako makakita ng school. Sa Mansyon lang kasi ako nag-aaral, Home study kung baga. I have my private professor. Hindi man halata pero Anti-social talaga ako since birth.
Ayokong nakikihalubilo sa maraming tao, mayaman man o mahirap. Kaya nga konti lang ang nakakakilala sa akin sa Europe. Kilala lang ang pangalan kong 'Snow White' pero hindi ang itsura at pagkatao ko. Ako ang Heiress ng pamilyang White. Kaya maingay at protetakdo ako ni Dad.
But now, not anymore. Dad is gone and I no longer want to fulfill my role in our Clan. Maybe it's even better that I'll be playing Zianna Algrande for the rest of my life.
"Hoy babae, ano na? Lalabas ka ba diyan o lalabas? Masyado ka naman atang manghang-mangha sa School namin? Naglalaway ka na eh.."
Yung feeling na ang sarap ulit pumatay ng tao? Ito yun eh. Panira ng moment talaga tong Halimaw na Zai na to.
"Are you sure you study here?" paninigurado kong tanong.
"Malamang. Anong akala mo sa pamilyang Algrande, cheap pumili ng school?" yabang niya.
"Hindi naman. Hindi lang kasi halata na Algrande kayo.." sarkastiko kong sabi.
"Aba't! Hoy bruha! Lumabas ka na nga diyan!" inis niyang sigaw sabay hampas ng pinto ng kotse.
Hinintay ko munang pagbuksan niya ako ng pinto. Pero ang loko, nakatayo lang diyan na parang tuod. Tsk!
"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto? Gentleman be like ya know?"
"Tch. Sorry no sorry, hindi uso maginoo dito. Self service ya know?"
Great! Ang sarap niyang sakalin.
Lumabas na lang ako at sumunod sa kanya. Sana lang talaga walang makakakilala sa akin dito.
"Teka? Nasaan na yung isip batang si Zelex?" pagtataka kong tanong sa kanya. Pero hindi man lang nya ako sinagot. Patuloy lang sya sa paglalakad papuntang Gate ng school habang nakapamulsa.
Ngayon ko lang napansin na may mga estudyante pala sa paligid na sa amin nakapako ang tingin. Ok? Anong meron? Bakit lahat ng madadaanan namin ay umiiwas? Yung iba naman, nagbubulungan.
Pagkarating namin malapit sa gate ay may mga kumpulang Estudyante doon. Parang may gulong nangyayari sa harap ng gate.
"Eheem.." tumikhim si Zai. Nung lumingon ang ibang estudyante sa kanya ay agaran naman silang nag make way. Natakot ata sa kanya?
Wow. Kinakakatakutan sya dito? Di nga?
"Ano na namang kaguluhan to?" seryosong tanong ni Zai sa isang lalakeng estudyante. Napagulp naman yung lalake at hindi makatingin sa kanya.
"N-nakipagsuntukan po kasi si Zelex sa i-isang s-student.."
Si Zelex nakipagsuntukan??
Napasapo sa noo si Zai ng marinig yun, "Nasaan sila?" seryoso niyang tanong.
"Nasa loob po. Hindi nga po kami makapasok kasi ni-lock ni Zelex yung gate mula sa loob."
"Tsk.." agaran na naglakad si Zai papuntang gate habang ako eh sunod sunuran lang. Naguguluhan ako sa kung anong nangyayari sa school na to.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Gangsters
Hành độngOne taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death.