Chapter 13: Zianna's Identity
(Zai's POV)
Ilang araw na ang nakalipas na wala paring imik si Zianna. Nakakapagpanibago at hindi kami sanay, tahimik at lalo siyang naging seryoso. Simula noong gumaling siya hindi na siya masyadong kumikibo at ang lalim lagi ng iniisip.
Hindi pa kaya siya nakakamove-on sa bangungot niya? Ano naman kaya yun? Hayss, nakakapag-alala na 'tong inaasta niya.
Nandito kaming lahat sa living area nanonood ng movie na The Frozen II. Namiss ko tuloy si Daddy na number 1 fan ni Olaf. Paniguradong tuwang-tuwa yun habang nanonood kasama si Mommy. Speaking of Mom, lately, panay tawag niya sa amin at pangangamusta kahit umuuwi naman kami sa Mansyon every weekend. Weird. Sintomas lang siguro yun sa pagbubuntis niya.
Lahat nakafocus sa panonood maliban kay Sue na natutulog sa carpet, kay Zia na nasa kawalan ang tingin, at kay Zelex? Ano na naman bang pinoproblema ng timongoloid na alien na 'to? Blanko na naman kasi ang expression niya at tila may sariling mundong ginagalawan diyan sa gilid ng sofa.
Panay sulyap din niya kay Zia at ngunguso na para bang gustong magpapansin. Teka lang..di kaya'y? Tsk! Hindi naman sana! Bawal 'to pag nagkataon, ni ako nga pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag ma-in --
Teka, tumayo bigla si Zianna at naglakad palabas ng Bahay. Agad ko din naman siyang sinundan ng palihim.
(Hoppie's POV)
Halos lahat ng mata namin ay nasa direksyon ng dalawa na bigla na lang lumabas ng Bahay. Walang umiimik, pero nung marinig naming bumukas-sara ang gate ay agad naming pinatay ang T.V. Nagcompress kami ni Tristan, Mon at Zayne at sinimulan ang tsismis habang naka indian seat. Si Zelex naman ay parang timang na tulala sa tabi at si Sue na tulog na naman.
"Ano kayang nangyayari kay Zia? Pansin niyo ba?" paninimula ni Tristan
"Yeah, lately nagiging sensitibo siya. Tahimik at seryoso. Parang may bumabagabag sa isipan niya." pansin ni Zayne hyung.
"Nakakailang pa siyang kausapin kasi mahinahon lang ang tono ng boses niya, hindi tayo sanay. Parang iba ang aura niya. Parang may mabigat na problema siyang pasan na ayaw niyang i-share sa atin." -Mon
"Di kaya'y tungkol ito sa kaso niya sa Europe?" -Tristan
"Kaso?" pagtataka ko. Napansin kong tinitigan ng masama ni Zayne hyung at Mon si Tristan kaya tinikom niya na lang bibig niya. Hmmm! Ano kayang alam ng tatlong 'to?
"Pero parang mas mabigat pa ang problema ni Zelex eh.." pag-iiba ni Mon sabay turo kay Zelex na parang baliw na kinakausap ang sarili niya tapos mayamaya lang ay sasampalin ang pisngi niya. Naka drugs ata 'to.
"Hoy Zelex! Nanyare sayo?" sita ni Tristan.
Mukhang natauhan naman na siya kasi napatingin na siya sa amin. Tapos bigla na lang siyang tumakbo palapit sa amin at inakap si Zayne Hyung. Nagbabaklaan lang?
"Zayne!! Huhuhuhu!"
"Wooohh?" gulat na reaksyon ni Zayne.
"Waaahh! Zayne! Baliw na ata ako! At parang may sakit ako! Huhubels!" paghehesterical niya.
"Alam mo nang may sakit ka??" agad naman na tanong ko. Ako naman ang tinitigan ng masama nilang tatlo. Seryoso naman ako sa tanong ko eh. Alam na kaya niya?
"Matagal ka ng baliw at may sakit sa utak, Zelex." -Tristan
"Shuttap! Me not talk to you!" sigaw ni Zelex with his legendary englishu.
"Ano bang problema mo Zelex?" mahinahon nang tanong ni Zayne.
"My problem is i have a heartache! And it's attacking meh!"
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Gangsters
ActionOne taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death.