Chapter 09: The Agreement contract

3.9K 219 108
                                    

Chapter 09: The Agreement contract

(@Leader's Headquarters)

(Zai's POV)

"What??!" agad na reaksyon namin ni Mon ng marinig ang sinabi ni Keizer.

"Mag po-provide kayo ng Deadly Weapon sa Battlefield?? Hell no!" di pagsang-ayon ni Mon sa kanila. Buhay pa rin naman ng mga estudyante ang iniisip namin.

"Hindi niyo pwedeng gawin 'to. Patakaran pa rin ng Night shift na 'to ang buhay ng mga Student Gangsters. Pag nagdagdag kayo ng mga Deadly weapons inside the School battle ground, maaaring makapatay na sila. Barehand is enough para sa Freedom of War!" di rin pagsang-ayon ko sa kanila. Guns, Katana, Samurai .etc? No way!

"Kahit nga Hand to hand combat lang, muntik pa rin nilang mapatay ang mga katunggali nila." concern naman na sabi ni Zayne. Sumang-ayon kaming pito.

"Pag nangyari yun, baka di na mapigilan ng iba ang makapatay sa loob ng school." ani naman ni Tristan

"And we won't let that happen." Matigas na pagkakasabi ko

Nabigla kami ng tumawa sila. Naikuyom ko ang kamao, nakakainsulto pa ang pagtawa nila!

"Come on, Middle Class! Masyado niyo lang pinapa-iral ang pagiging inosente at pagiging ignorante niyo. Kung sabagay, wala kasi kayong sapat na karanasan sa pakikipagbakbakan kaya natatakot kayo. Baguhan kung baga." nakangisi pang pahayag ni Keizer

DAMN IT! Talagang pinagmumukha niya sa amin na mga baguhan lang kami. At talagang pinagtawanan pa nila kami!

"Ang yabang niyo! Suntukan na lang tayo oh!" inis na inis na tumayo si Zelex at nanghamon pa ng suntukan. Agad naman siyang pinigilan ni Hoppie at Sue.

"Look! The childish and the most idiot one is getting on his nerve! So scary~" at nang-asar pa tong si Jaihlo sabay tawa pa ng iba.

"Ok lang yan, Zelex. Cute ka naman eh." nakapangalumbaba pang banggit ni Chiharu.

"I know! Bleeeehh!"

Alam kong nagtitimpi lang 'tong mga kasamahan ko and anytime baka sumabog na rin ang galit nila sa kanila. Hindi pa nila kami kilala ng lubusan. Pero kailangan maging mahinahon lang kami, mga Higher Class ang nasa harap namin. Baka matanggal pa kami sa position na 'to pag kinalaban namin sila agad. Ayokong ma-disappoint si Dad sa amin. Malaki ang expectation niya sa amin lalo na sa akin bilang leader. Kaya dapat lang na maging responsable kami.

"This is a challenge for all of your Student Gangsters, Middle class. With or without deadly weapons, nasa kamay pa rin nila kung ano ang magiging kapalaran nila at ng mga katunggali nila sa ibabaw ng Battle ring. Nasa kanila na yan kung hahantong ba sila sa paglabag ng mga batas dito. Kailangan niyong maging matapang Middle class. Hindi kayo pinili para sa position na kinatatayuan niyo para lang maawa sa mga Balasubas niyong estudyante. Pinili kayo, para udyukin silang lahat na lumaban ng marahas."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinasabi niya. Kung dapat bang ma-appreciate ko ang pagbibigay ng payo niya o mainis dahil parang pinagmumukha niya sa amin na wala kaming alam sa mga pinagagawa namin. Pini-pressured nila kami kung baga.

Oo, mga baguhan lang kami. Unexpected na kami ang pumalit sa dati nilang trono. Kung hindi lang namin Ama ni Zelex ang may-ari ng eskewalahan na 'to, asa kaming magiging Leaders ng school na 'to. Kaming pito noon, Pagpasok namin bilang freshmen dito ay mga Normal lang na magbabarkada kami, ah hindi, ABnormal pala. Mga frustrated gangsters kung baga, nang bubully ng mga weak students, nangongotong, nagcu-cutting at kung ano pang kabalastugan ang pinagagawa namin. Ni hindi nga kami sumasali sa Night shift na yan, dahil para sa amin, ang Tunay na Freedom of War ay wala sa Loob ng School kundi nasa LABAS ng school.

Snow White and the 7 GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon