Chapter 15: Clan or Friends?
(Zai's POV)
Kapansin-pansin na naman muli ang pananahimik ni Zia. Pero nakakapagpanibago ang inaasal niya. Matamlay, seryoso, palaging malalim ang iniisip at nagiging cold na rin. Sinusubukan nila Zelex na patawanin siya pero deadma lang siya sa kanila.
Nagsasalita naman siya pero madalang lang. Madalas 'Oo' at 'Hindi' lang ang sinasagot niya sa amin. Nakapagtataka, simula kasi noong may nagpadala ng silver letter ay dun na siya nag-umpisang magbago. Ano naman kaya yun? Love letter? At ang nagpadala ay yung ka-textmate niya? Tsk! Nakakabadtrip isipin na posibleng totoo nga tong nasa isip ko. Aish!
Pagbaba ko sa sala ay laking pagtataka ko ng makita ang anim na kumpulan sa may bintana at may pinapanood sa labas. Palihim akong lumapit sa bandang likod nila at sinilip kung anong meron sa labas.
Si Zianna, may kausap sa phone. Ano namang meron? May kausap lang siya kailangan pa nilang makiusisa? Tch.
"Oi mga tsismoso-"
"SSSHHHH!"
Nagulat naman ako ng sabay-sabay silang lumingon sa akin at pinatahimik ako. TSK! Ano ba kasing meron?? Sinubukan ko ulit tignan si Zia at ngayon ko lang napansin na galit na galit siyang nakikipag-usap sa phone niya at halos nakasigaw siya. Yung itsura niya parang may authority.
Nakakatakot! Hindi namin marinig ang boses niya dahil medyo malayo ang distansya niya dito sa may bintana. Mayamaya lang ay nagulat kami ng itapon niya ang Cellphone niya sa pader dahilan para mawasak ito. At nung mapansin naming papasok na siya dito ay agad kaming napabalikwas ng tayo at kaniya-kaniyang nagmadaling nagsiupo sa sofa.
"Array Zelex! Ang bigat mo!" sigaw ni Tristan ng mapaupo sa kandungan niya si Zelex at agad niya itong itinulak. Napasubsob pa sa sahig si Zelex at bago pa siya makatayo ay huli na ng makapasok na si Zia dito sa loob.
"Ah..Hehe..Hi Zia!" pangangamot ni Zelex. Tinitigan lang siya saglit ni Zia atsaka bumaling sa amin.
*KATAHIMIKAN*
Hindi makatingin ang anim sa kanya maliban sa akin na titig na titig sa kanya. Hindi ko maintindihan pero nakakaramdam ako na para bang may pag-aalalang tinitignan niya kami isa-isa. Pero mas nag-aalala ako sa kanya!
Bumuntong hininga siya bago tumalikod sa amin at umakyat sa kwarto niya. Nanlumo naman si Zelex ng hindi siya pinansin.
"Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit ganun na lang siya magalit sa kausap niya sa phone?" pagtataka ni Tristan
"Di kaya'y yung kaso niya sa Europe ang pinoproblema niya?" -Mon
"Baka pinapabalik na siya dun.." -Hoppie
Kinabahan ako. Paano pag pumayag siyang bumalik? Paano na ako? I mean, paano na kami? Naging kaibigan at pamilya na rin ang turi namin sa kanya.
"Kung hindi siya guilty sa nangyari sa Dad niya, e di ba dapat harapin niya ang kasong iyon na hindi kailangan pang magtago dito?"
Napatingin kaming lahat kay Sue. Nakakapagpanibago din tong labanos na 'to. Nagiging seryoso na rin siya ngayon, hindi naman siya ganyan dati.
"Sinisisi mo ba si Zia?? Ha!" agad na reak ni Zelex.
"Hindi ko siya sinisisi. Conclusion ko lang yan!" inis ni Sue.
"Eh parang ganun na rin yon!" inis na lumapit si Zelex kay Sue at kwinelyuhan siya. "Hindi kriminal si Zia para patayin ang Daddy niya!"
"Pero pa'no kung totoong nagawa niya yun? Bagong salta pa lang si Zia dito. Hindi pa natin siya lubos na kilala. Nagawa niya nga tayong linlangin na magkapatid kayo di ba? Ano pa kaya ang mga tinatagong lihim niya?" masyado ng nagiging pranka si Sue.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Gangsters
ActionOne taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death.