Chapter 06: Who's the boss?

5K 239 76
                                    

Chapter 06: Who's the boss?

(Zia's POV)

Gumising ako ng maaga na parang wala lang nangyari kaninang madaling araw. Pero hindi ako nagising dahil sa gusto kong gumising, nagising ako dahil sa lakas ng sounds na nagmumula sa first floor ng bahay na 'to.

Porbida. Ang aga-aga, nag-iingay na sila. Rock pa talaga ang pinapatugtog nila. Tsk

Bumangon ako agad at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay sabay din ang pagbukas ng pinto sa kaharap kong kwarto. At tumambad mula sa loob ang pinaka hot na nilalang na nakilala ko. Napatingin ako mula ulo hanggang paa. Naka white sando at black pajama kasi sya, kaya napaka hot niyang tignan. At dahil nakakaakit syang tignan, sinimulan ko ulit syang asarin.

"Wow. Kailangan ko na bang magkape? Ang daming pandesal sa harap ko oh." nakangisi kong bungad sa kanya sabay sandal sa hamba ng pinto.

"Tch. Yeah i know i'm hot. But sorry, hindi ko pinamimigay ang pandesal ko.." suplado niyang pagkakasabi.

Hmmm. Mukhang sinasabayan niya na ang pang-aasar ko sa kanya. That's great. Mas lalo akong nachachallenge sa kanya.

"Bakit ayaw mo? Di porque magkapatid tayo ay ipagdadamot mo yan sa akin. Have you forgotten, i ruined your virgin lips yesterday?"

His eyes widened when he heard that. His reaction was really priceless when I mentioned about his first kiss.

"P-pwede ba wag na wag mong ibabanggit yan dito! Hayss! Ang aga-aga pinapa-init mo agad ulo ko! Tsk!" at naglakad na sya palayo sa'kin.

Tch. Sumunod na lang din ako sa kanya. Pagbaba namin galing hagdan, nanlalaki ang mata ko sa kung anong nakikita ko.

Yung 3 idiots kasi, si Zelex, Sue & Hoppie ay nagkakalat sa sala habang sinasabayan yung pinatugtog nilang rock music. Para silang mga nagjajamming, nagtatalunan habang may hawak-hawak na stick na ginagawa nilang Mic. Parang sinadya nilang magkalat.

"IDIOTS! ANO NA NAMAN BANG KALOKOHAN TO?!!" sigaw ni Zai. Grabe makasigaw to, wagas!

"Oh gising na pala kayo!"

Napatigil na silang tatlo. Lumapit si Zelex sa kambal niya at may ibinulong.

"Sinadya talaga naming magkalat Twiny. Para sya ang maglinis niyan. Nakikitira at nag-iisang babae lang naman sya dito kaya bakit di na lang natin syang gawing katulong, di ba?"

Nagpanting ang tenga ko ng marinig ko ang BULONG ng Elyen na yan. At mukhang sumang-ayon pa tong kumag na 'to. May hawak pang walis at mop itong sina Sue at Hoppie, handa ng ibigay sa'kin.

Humarap sa akin si Zai na may nakakalokong tingin. Tinaasan ko naman sya ng kanang kilay.

"Anong tinatanga-tanga mo diyan? Linisin mo ang mga kalat dito. Nandito ka sa teritoryo namin kaya hindi ka pwedeng mag-buhay prinsesa dito." Utos niya. Nakita ko pang nagbelat tong alien na to. Isip bata talaga!

"Oh really?" lumapit ako kay Zai at bumulong. "Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung anong nangyari sa atin sa Mall?" pangba-blackmail ko sa kanya.

Pinandilatan niya ako. Humarap siya sa tatlo sabay sigaw ng-

"KAYONG TATLO! ANO PANG TINATANGA-TANGA NIYO DIYAN? LINISIN NIYO YANG MGA KALAT NIYO! BWISIT KAYO!" Sigaw niya sa tatlong gonggong na gulat na gulat sa pagsigaw niya.

"Twiny naman! Bakit kami??" reak ni Zelex

"Bitaw! Aha ang hustisya?" -Hoppie

Hustisya? Sila ang nagkalat then sa'kin ipapalinis? Tsk!

Snow White and the 7 GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon