Chapter 17: Angkan ng Kukongpusa
(Zai's POV)
Nadischarge na din sa wakas si Hoppie. Maayos naman na ang kalagayan niya pero di pa siya gaanong nakakalakad ng husto. Kaya kailangan niya munang gumamit ng Tungkod.
Pag-uwi sa bahay kanya-kanya na kaming diretso sa kwarto namin para makapagpahinga. Gabi na kasi kami nakauwi dahil kumain pa kami sa Mang Inasal. Atsaka kailangan na naming pumasok bukas. Dalawang araw kasing naka-confine sa hospital si Hoppie.
"Hoy Zelex, ano yang dala mong plastik?" sita ko sa kanya bago siya makapasok sa kwarto niya.
"Take-out. Hihihihi." tapos dali-dali pa siyang pumasok sa kwarto niya. Tapos narinig ko ang pag lock niya sa pinto. Wow! PG mats talaga at ayaw pa atang mamigay.
"Sira-ulong to! Nag take-out pa talaga. Siya na nga yung grabe maka unli-rice kanina. Wala talagang kahihiyan sa katawan to. tsk"
"Edi sana nag take-out ka din." singit ni Zia mula sa likod ko. Agad ko naman siyang nilingon.
"Teka lang Bru, Nahihiwagahan na ako sayo ah. Bakit panay pagtanggol mo sa kanya?"
Kunot noo siyang napatitig sa akin, "Kailan ko siya pinagtanggol mula sayo?" pagtataka niya. Sumandal naman siya sa gilid ng pader habang nakahalukipkip na nakatitig sa akin. "Nahihiwagahan na din ako sayo eh. Nagseselos ka ba?"
Nanlalaki ang mata ko, "H-hindi ah! B-bakit naman ako m-magseselos sa Abnormal na alien na yon??" agad na deny ko. Pero ang gaga nginisihan lang ako.
"D-di ka n-nagseselos? B-bakit ka n-nauutal?" natatawa niyang panggagaya sa akin. Ang lakas talaga ng trip niyang asarin ako!
"Hindi nga!" sigaw ko.
"Ok sabi mo eh. Pupuntahan ko na lang siya sa kwarto niya. Panigurado namang pagbubuksan niya ako at makikipagsalo pa sa akin sa Take-out niya.."
Nanlalaki uli ang mata ko ng humakbang na siya patungo sa kwarto ni Zelex. Di ko alam pero awtomatic na hinawakan ng kamay ko ang pulsuhan niya at hinila ko siya papasok sa kwarto ko. Sinara ko ng malakas ang pinto at tinitigan siya ng masama.
"Z-zai? What the hell was that?" gulat na gulat niyang reaksyon.
Hindi ako makasagot. Nagtatagis lamang ang bagang ko sa inis.
"May sasabihin ka ba? Bakit mo ako biglaang dinala rito sa kwarto mo? May sasabihin ka ba o may gagawin kang masama sa akin? Hmm?" panunukso na naman niya.
Malakas akong napabuga ng hangin. Paano ako makakapag confess sa kanya kung puro kalokohan ang pinag-iisip niya??? Damn it!
"Zianna!" diin na banggit ko. " Pwede bang tumahimik ka mu--" hindi ko natuloy ang pagsasalita ko ng itaas niya ang palad niya para pigilan ako.
"Mukhang may Tao sa Banyo mo."
Nagtataka ko namang nilingon ang pinto ng banyo at pinakinggan kung may ingay ba. Mukhang tama siya dahil naka-on ang gripo sa loob at dinig na dinig ang pagflash ng tubig sa bowl.
Kinabahan tuloy ako! May multo dito sa kwarto ko?? Nyemas!
Nauna siyang tumungo sa may pinto atsaka naman ako sumunod. Hindi ba siya natatakot sa multo? Napangiwi ako nang kinuha niya ang Baseball bat sa gilid ng Bedside table. Nang makalapit na kami sa pinto ay idinikit namin agad ang tenga namin roon para pakinggan ang ingay mula sa loob.
"From this moment 🎶 Moment from this 🎶 From this momeeeeentttt 🎶 Moment from thiiiiissssss🎶 From this moment 🎶 Moment from thiiisss🎶 From this moment from 🎶 woooooooooo 🎶🎶 "
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Gangsters
AcciónOne taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death.