Chapter 18: Beast is back
(Zianna's POV)
I was currently taking a bath under the shower when I was stopped by the presence I felt outside the bathroom right here in my room. It's twelve midnight; the surroundings are quiet, and only the rustling of insects can be heard. But even if I don't hear the footsteps of the man in my room, I can still feel its terrifying presence.
Agad kong pinatay ang Shower at dali-dali kong isinuot ang Bathrobe. Hinayaan ko lang na basa at nakabuhayhay ang mahaba kong buhok.
Pinulot ko ang Holster ko na naglalaman ng dalawang Pistol at maliliit na Punyal. Hinugot ko ang isang Punyal atsaka ko ikinabit ang Holster sa binti ko. Dahan-dahan na akong tumungo sa may Pinto. Pinatay ko muna ang switch ng ilaw atsaka ko hinawakan ang doorknob. Dahan-dahan ko itong pinihit upang hindi makagawa ng ingay.
At nang mabuksan ko na ang pinto ay hindi nga ako nagkakamali. Kahit madilim ay naaaninag ko pa rin na may Tao sa kwarto ko, nakatalikod siya mula sa akin. And as usual nakasuot na naman siya ng itim na Balabal na siyang nagtatago sa buong katauhan niya.
"You're back..Beast." nakangising banggit ko.
Hindi siya sumagot sa halip ay dahan-dahan lang siyang lumingon sa akin. Medyo nanlaki ang mata ko ng makitang may Metal Claws siya sa kanang kamay. Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ang pangingintab nito sa sobrang talim.
"Nagdala ka pa talaga ng baon--Shiit!!"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglaan niya na lamang akong sinunggaban gamit ang Metal claws niya. Nabitawan ko tuloy ang punyal na hawak ko. Buti na lang nakasirko ako agad upang maiwasang madaplisan. Pero desperado talaga siyang tamaan ako dahil muli niya na naman akong sinunggaban pero nakailag ulit ako at ang natamaan ay ang lampshade sa Bedside table. Buti na lang nasalo ko agad ang lampshade nang mahulog ito.
"Can't you still accept that I knocked you down last time on the Rooftop building of the school?"
Hindi talaga siya nagsasalita! Muli na naman niya akong sinunggaban. Pabaliktad akong sumirko at nang makakuha ng pagkakataon ay hinablot ko ang isang Punyal sa Holster at agad na ibinato ng malakas sa kanya. Hindi ako pwedeng gumamit ng Baril dahil magigising ang mga natutulog dito sa bahay sa malakas na putok nito. Natamaan ang kaliwang balikat niya pero daplis lang iyon dahil nakailag agad siya.
Tumakbo ako papunta sa pinto ng Veranda para sana lumabas at doon tumalon pero nahuli niya ako. Gamit ang kaliwang kamay niya na walang Metal claws ay nahawakan at hinila niya ang kamay ko at malakas na itinulak ako sa kama. Bago pa man ako makabangon ay kinubawan niya na ako. Nakaluhod siya at pinagitnaan ng binti niya ang katawan ko. Mahigpit na hinawakan ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko at itinaas ito sa ulunan ko. Nahihirapan akong pumiglas dahil sa sobrang bigat niya.
"What the fuck do you want from me??" sigaw ko.
"Sshhhh" dumukwang siya palapit sa mukha ko. Idinantay niya ang isang Metal claw sa gilid ng noo ko at dahan-dahan niya itong dinausdos pababa sa pisngi ko hanggang sa leeg ko.
"You will be mine soon, Snow. But I'm going to get rid of that Zai first so he will no longer be a hindrance to us." ang boses niyang napakalalim ang siyang nakapanindig ng balahibo sa akin.
"You can't do that." matapang na sabi ko. Medyo naaaninag ko ang mukha niya kaya kitang kita ko ang napakalamig na emosyon niya.
"Magagawa ko iyon sa isang iglap lang kung gugustuhin ko na. Ako dapat ang nasa posisyon niya kung hindi lang dahil sa nangyari noon. Pero darating din ang panahon na mababawi ko ang lahat ng meron siya na sa akin naman talaga dapat. "
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Gangsters
ActionOne taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death.