2

11 0 0
                                        

[Story]

    May isang babae ang lumaki sa mayamang pamilya. Halos lahat ng gusto nya,kayang ibigay ng magulang nya. Masaya noon ang babae. Wala na syang ibang gustong hingin. Hanggang sa isang gabi, nagbago ang lahat.

            Madaling araw ng magising ang babae. Nasanay na sya dun. Halos gabi-gabi, ganoon ang nangyayari. Pero napansin nyang may iba. Hindi nya masabi kung ano o sino pero may iba. Bumangon ang babae at pumunta sa may balcony. Doon nagulat siya dahil may isang kasing edad nya ang nakatayo.

"S-Sino ka!? B-Bat ka naman dito!? M-magnanakaw ka no!?" Sunod-sunod na sabi ng babae.

Hindi makita ng babae ang reaksyon ng lalaki dahil naka talikod ito. Sa kabila ng mga sinabi nya, hindi sya nakaramdam ng takot. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nya.

"Hi" bati ng lalaki at dahan-dahang humarap sa kanya.

Napatigil ang babae. Hindi nya alam ang gagawin o sasabihin. Nanatili nyang pinagmamasdan ang lalaki.

"Hello?" Tanong ng lalaki sa babae.

"H-Ha? A-Ano...." tangging sagot ng babae.

Narinig niya ang pagtawa ng lalaki.

"Ok ka lang ba?" Naka ngiting tanong ng lalaki sa kanya.

"O-Oo. Teka, sino ka ba?" Tanong naman ng babae.

"Ako si Ren." Sagot ng lalaki.

"Ako si -----" hindi na nya naituloy pa.

"Cassie. Kilala kita." Ngiting pagpapatuloy ng lalaki.

"Pano mo ko nakilala? Ngayon lang kita nakita!" Gulat na tanong ni Cassie.

"Secret ko na yun." Ngiting sagot ni Ren.

"Bat ka nga kase andito! Bahay namin to!" Sabi ni Cassie.

"Alam ko." Sagot ni Ren.

"Yun naman pala ih! Di mo ba alam na pwedeng matakot ang isang tao dito, tapos pag kamalan kang kung ano!?" Sabi ni Cassie.

"Ikaw?" Tanong ni Ren.

"Anong ako?" Takang tanong ni Cassie.

"Dika ba natatakot sakin? Pano kung magnanakaw o rapist pala ko? Pano kung patayin kita?" Tanong ni Ren.

"Nung una kinabahan ako. Pero feeling ko naman mabait ka." Sagot ni Cassie.

Napa-iling na lang si Ren.

"Feeling ko nakita na kita dati pero di ko lang matandaan." Biglang sabi ni Cassie.

Natigilan si Ren.

"Di na nakapagtataka. Lagi rin akong naandito." Sagot ni Ren.

"Ano ba talagang ginagawa mo dito?" Tanong ni Cassie.

"Dito nakatira girlfriend ko dati." Sabi ng lalaki at pumasok sa kwarto ng babae.

"Eh? Kakalipat lang namin dito ih." Sabi naman ni Cassie at sinundan si Ren.

"Alam ko." Sagot ni Ren.

"Anong nangyari sa inyo? Sorry feeling close na ko ha? Nacu- curious kasi ako." tanong ni Cassie.

"Umalis sya." Malungkot na sagot ni Ren.

Na-awa agad si Cassie kay Ren. Nagsisi rin sya dahil na tanong pa nya. Tinapik niya sa likod si Ren na ikinagulat nito.

"N-Nahawakan mo ko!?" Gulat na gulat na tanong ni Ren.

"Sabog ka ba?" Tanong ni Cassie.

Sinubukan ni Ren na hawakan ang kamay ni Cassie. Na hawakan naman nya ito.

"Nahahawakan kita." Masayang sabi ni Ren.

                                ~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
[Present]

Naputol ang pagku-kwento ng guro ng may kumatok sa pinto.

"Excuse me po ma'am, susunduin ko na po si Cassie." sabi ng isang babae. 

"Ihhhhhhhh, Mommy, ayaw ko pa! Nag-ku-kwento pa si Teacher Ninang!" Ungot ng batang babae.

"Kapangalan ko rin po yung babae sa story!" Dagdag pa nito.

"At ako naman po yung sa lalaki! Ren din! Diba Mommy?" Masayang sabi naman ng batang lalaki.

Pumasok ang babae sa room at lumapit sa mga ito.

"Kung ano ano naman sinasabi ni Teacher Ninang eh." Natatawang sabi ng babae.

"Tae ka Mich." Natatawang sagot ng guro.

"Teacher este Mommy ituloy mo na!" Sabi ng lalaki.

"Nasanay na sa teacher." Sabi ni Mich.

"Kase po pag may klase po kami, dapat po teacher tawag namin. Para po pantay-pantay. Pero pag-tapos na po, pede ko na po syang tawaging Mommy!" Sabi ni Ren.

"At teacher ninang naman sakin!" Sabi naman ni Cassie.

Napangiti na lang ang guro sa dalwang bata.


   

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon