[Story]
Sumama si Cassie kay Ren. Nilibot nila halos ang buong bayan at pumunta sa isang amusement park.
"Ren gusto ko don!" Turo ni Cassie sa Roller Coaster. Agad naman silang pumunta don. Sa bandang unahan sila umupo.
"Ahhh miss pedeng patabi?" Tanong ng isang lalaki at tinuro ang katabi niyang upuan kung san nakaupo si Ren.
"Sorry di ako sanay ng may katabi ih." Dahilan niya
"Ganun ba? Sayang naman" sabi nung lalaki at umalis na
"Tss. Ikaw Cassie wag kang lalapit sa mga ganon ha." sabi naman ni Ren na katabi nya. Napatawa na lang sya.
"Nagseselos ba agad ang Love ko?" Pang aasar pa nya dito.
Di naman sya sinagot ni Ren na syang mas nakapagpatawa sa kanya. Nagsimula nang umandar ang roller coaster at tili ng tili si Cassie hanggang matapos ito.
"Ang lakas ng loob magyaya sa ganon takot naman pala" natatang sabi ni Ren.
"Che! Manahimik ka nga jan" inirapan niya si Ren.
"Dapat sa ganon ka lang nasakay" tinuro ni Ren anf Carousel tsaka tumawa ulit.
"Tumigil ka nga sabi eh!" Binato ni Cassie si Ren ng bote ng mineral water pero tumagos lang iyon kay Ren at tumama sa isang matabang lalaki.
"Patay" sabi ng dalawa.
"Bat ka ba nangbabato miss!?" Galit na sabi ng lalaki.
"Takbo!"
"S-Sorry po!" Sabi nya sabay takbo.
Hinihingal siyang tumigil nang makalayo sa lalaki.
"Kasalanan mo yon!" Sisi nya kay Ren. Pinagtawanan lang ulit sya nito.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Ren sa kanya.
"Nagugutom na nga..." sagot ni Cassie. Itinuro ni Ren kay Cassie ang isang kainan sa di kalayuan. Sabay silang nagpunta don. Si Cassie lang ang kumain. Hindi din muna sila nag-usap doon dahil madaming tao at baka kung ano pang isipin ng iba.
Muli silang sumakay sa mga rides na nasa amusement park. Sulit na sulit ang araw nila. Nang naghapon na, naupo sila sa ilalim ng puno at pinanood ang paglubog ng araw.
"Kung yayayain ba kitang magpakasal... papayag ka ba?" Tanong ni Ren ngunit hindi nakatingin kay Cassie.
Natahimik si Cassie, pero agad ding napangiti.
"Oo naman. Kahit saan pa, love.." sagot ni Cassie.
Nang mga sandaling iyon hindi muna nila inisip ang sitwasyong mayroon sila. Tumayo si Ren kaya napatayo din si Cassie.
"Aalis na ba tayo? Hindi pa nalubog yung araw oh." Sabi ni Cassie.
Biglang lumuhod si Ren na syang ikinabigla ni Cassie.
"Love.. please marry me." Sabi ni Ren. Nang-gigilid ang luha ni Cassie na tumango kay Ren.
Pinag-tapat nila ang kanilang mga kamay na para bang magkadikit ito at magkahawak kamay sila. Gustong gustong yakapin ni Cassie si Ren pero natatakot sya dahil alam nyang tatagos lang sya kay Ren.
Inantay nilang lumubog ang araw bago umuwi.
"Bukas susunduin kita Love. Magsuot ka ng maganda ha!" Sabi ni Ren at ngumiti kay Cassie.
Natuwa naman si Cassie dahil sa isip niya'y mag d-date nanaman sila ni Ren.
Pagkapasok ni Cassie sa kanilang tahanan andoon ang kanyang mga magulang at nang-gigilid ang luhang nakatingin sa kanya. Iniwas niya ang tingin at pumasok sa kanyang kwarto.
Inisip ni Cassie ang mga nangyari kanina. Sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi. Naramdaman na lang nya na basa ang pisngi nya.... umiiyak siya. Gusto nyang maging masaya pero sa huli alam nyang mawawala din ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Short Story"I want to give you the most beautiful goodbye..." -Ren