[Present]
"Ano ba kasing kinu-kwento ni Teacher Mommy/ Ninang sa inyo?" Tanong ni Mich.
"Hindi po namin alam yung title pero simula palang po,ang ganda na!" Masayang sagot ni Ren.
"Oo nga po." Sang-ayon ni Cassie.
"Bukas na lang natin ituloy. Hapon na oh. Tsaka wala namang pasok bukas. Sabado." Sabi ng guro.
"Pero yung kwento po Teacher Ninang!" Pilit ng bata.
"Mag-gagabi na Cassie." Sabi naman ni Ren.
"Ay, alam ko na. Mag-i-sleepover tayo kila Ren. Tapos tuloy nyo kwentuhan nyo." Opinyon ni Mich.
"Talaga po Tita Mich!?/ Talaga po Mommy!?" Tanong ng mga bata.
"Sige ba. Si Tita/ Mommy Mich nyo naman mag-lilinis ng magiging kalat eh." Naka ngising sabi ng guro.
Hinampas sya ni Mich sa braso.
"Ansama mo kahit kailan!" Kunwaring naiinis na sabi ni Mich sa guro na tumawa lang sa kanya.
"Tara na. Dadaan muna kami sa bahay para sabihin kay Tephen tapos kukuha narin kami ng damit." Sabi ni Mich.
"Mommy di ba natin isasama si Daddy?" Tanong ni Cassie."Tita Mich isama nyo na po si Tito Tephen." Sabi naman ni Ren.
Tumingin si Mich sa guro para humingi ng pahintulot. Tumango naman ang guro.
"Miss na rin sya ng asawa ko." Dagdag pa nito.
"Perfect!" Sabi ni Cassie.
"So, mauna na kami ni Cassie. See yah!" Paalam ni Mich.
"Sige,maghahanda na rin kami. See yah." Ngiting sabi naman ng Guro.
Naglakad na paalis sila Mich.
"Mommy susunduin po ba tayo ni Daddy?" Tanong ng bata.
"Oo. Parating na din yun." Ngiting sagot nito sa anak.
*beep* *beep*
"Hi!" Bati ng isang lalaki..
"Daddy!!!" masiglang bati ng bata.
Mabilis naman itong niyakap at binuhat ng kanyang ama. Lumapit ang lalaki at humalik sa guro.
"Hi beautiful." Ngiting bati nito sa asawa.
"Arg! Nasa school po tayo!" Masungit na sabi ng bata. Napatawa naman ang mag-asawa.
"Musta school?" Agad na tanong nito.
"Ansaya po,Daddy! Tsaka may kin---"
"Ahhhhh tara na. Ang bigat na nitong dala ko oh." Putol ng guro.
"Ow. Okay. Baby baba ka muna, tutulungan ni Daddy si Mommy." Sabi ng ama nito.
"Love,mag i-sleep over daw yung mag-asawa." Pagsasabi nito.
"Si Mich at si Teph?" Excited na tanong nito sa asawa.
"Hmmm. Mamaya-maya padating na sila, kaya bilisan na natin." sagot nito.
"Bibili na ba ko drinks? You know..." sabi nito.
"No,Daddy! Samin ni Cassie sasama si Mommy mamayang gabi!Ummmm until bukas pa pala." Di nagpapigil na sabi ng bata.
Napatawa na lamang ang babae.
"Narinig mo?" Pang-aasar pa nito.
"Baby, di ba pedeng sa susunod na lang yung gagawin nyo nila Mommy? Namiss nila Daddy sila Tito mo. Minsan na lang ulit kami magsama-sama. Please?" Pagpapa-awa ng lalaki.
"I'm sorry,Daddy. Pero..... ugh. Fine. But! Tsaka lang po makakasama si Mommy pag natapos na namin. Saglit lang po kami. I think 8 po,kayo na po kasama ni Mommy." Sabi ng bata.
"Thank you baby!" masayang sabi ng ama nito.
Napa-iling na lamang ang babae pagkatapos panoodin ang pag-uusap ng mag-ama.
Ilang minutong natahimik ang kanilang byahe, hanggang sa.....
"Daddy, Mommy, I want a baby sister." Biglang sabi nito.
Agad na napa preno ang lalaki.
"Awwww! Daddy!!!"
"Ano ba! May bata tayong kasama!"
Daing ng mag-ina nito.
"Sorry... sorry... baby.. ano nga ulit yung sinabi mo?" Gulat ngunit masayang tanong nito..
"I said, I want a baby sister na po. Or pede din pong baby brother. Basta!" May kinang sa matang sabi ng batang lalaki.
"Ren!" Suway ng kanyang ina na ngayon ay pulang-pula na.
"Are you sure?" Tanong nito sa bata ngunit ang mga mata ay nakatingin sa asawa.
"Ano ba!? Wag mong sabihing papatulan mo yang bata?" Di makapaniwalang sabi ng babae.
"Bakit hindi?" Nakakalokong sabi nito.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Short Story"I want to give you the most beautiful goodbye..." -Ren