4

2 0 0
                                    

[Story]

"Nahahawakan kita." Masayang sabi ni Ren.

"Alam mo kanina ka pa! Ang kulit mo! Panong hindi kita mahahawakan aber?" Masungit na tanong ni Cassie.

Ngumiti ng tipid si Ren bago nagsalita.

"Dahil hindi dapat. Dahil hindi maaari. Dahil imposible. Dahil...... dahil multo ako." Sagot ni Ren.

Natigil sa kinatatayuan ang dalaga.

"H-Hehehe. Okay. Di nakakatuwa. Last mo na yan. Umuwi kana nga!" Di naniniwalang sabi ni Cassie.

Tinignan sya ng seryoso ni Ren.

"Nagsasabi ako ng totoo Cassie." Seryoso ding sabi nito sa dalaga.

"R-Ren! T-Tumigil kana! N-Natatakot na ko!" napatayo sa kina-uupuan si Cassie.

Nginitian lang sya ng binata at sa oras na ding yun ay may kumatok sa pinto ng kwarto nya.

"Nak! Ok ka lang ba?" Tawag ng Ina nito.

"Hala! Pano kung makita ka ni Mama dito!?" Nag pa-panic na tanong ni Cassie.

"Huh? Sinong kausap mo,Nak?" Tanong ng Ina.

"W-Wala po Ma!" Sigaw nito.

"Edi pa pasukin mo. Sinasabi ko sayo, multo ako." Kalmadong sabi ni Ren.

"Anong multo ka jan!? Nakikita at nahahawakan kita! Kaya wag mo kong paandaran ng ganyan!" Naiinis na sabi ni Cassie.

"Papasok na ko Nak ha!" Paalam ng Ina.

"Wag!!" Biglang napasigaw si Cassie. Ngunit tuloy-tuloy paring pumasok ang Ina nito.

"Ano bang meron? Sino bang kinakausap mo jan?" Nakataas ang kilay na tanong ng Ina nito.

"P-po?" Kabadong sagot nito at napatingin sa kama na kung saan naka higang nanonood si Ren.

"Anong tinitignan mo jan?" Takang tanong ng Ina.

"W-Wala nga po Ma! Bumalik na po kayo sa kwarto nyo. Tutulog na po ulit ako." Dahilan ni Cassie at tinutulak ng papabas ang Ina.

"Aba't! Kinakausap pa kita Cassie! Ano ba!" Sabi ng Ina.

"Good mornight Ma!" Paalam ni Cassie sa Ina at tuluyang sinarado ang pintuan.

"Pano mo nagawa yon!?" Agad na tanong ni Cassie kay Ren.

"Ang alin?" Takang tanong din ni Ren.

"K-Kanina! H-Hindi ka nakita ni Mama! P-Panong...." naguguluhan na tanong ni Cassie.

"Multo nga ako. Ang kulit ng lahi mo." Bored na sagot ni Ren sa kanya.

"Pwede ba! Anong taon na! Walang multo! Di sila totoo!" Sabi ni Cassie.

"Totoo kami. Sa katunayan may multo sa tabi mo." Sabi naman ni Ren.

"Kyahhhhhhh!" Agad na napatakbo si Cassie palapit kay Ren at tumabi dito.

"Asan!? Saan!? Paalisin mo! Wahhhh!" Takot na sabi ni Cassie kay Ren.

"Hahahahahahahaha" Tawa ng tawa si Ren.

"Anong tinatawa-tawa mo jan!? Sabi mo may mul---" napatigil sya ng maisip ang nangyari.

Agad syang napabangon at masamang tumingin kay Ren.

"Papatayin mo ba ko sa takot!? Hindi ka nakakatuwa!" Galit sabi ni Cassie at sinubukang hampasin ng unan si Ren. Pero tumagos lang ito sa katawan ng binata.

Agad na napa-atras ang dalaga. Bumangon na si Ren sa kama. Ang akala ng dalaga ay aalis na ito ngunit hindi. Lumaki ang mga mata ng dalaga ng makitang nakalutang ang binata at papalapit na sa kanya.

"KYAHHHHHHHHHHHH!" Sigaw nito.

"Shhhhhhh! T-Teka lang! Shhhhhhh!" Pag-pipigil ni Ren ngunit nabigo ito.

"Wahhhhhhhh! Mama! Papa! Kyahhhhhh!" Nagsimula ng umiyak si Cassie.

"Cassie! Teka lang! Tama na!" Pigil ulit ni Ren.

Tuloy-tuloy sa pagsigaw at pag-iyak si Cassie.

"CASSIE!" sigaw ng mga magulang nito at lumapit sa kanya.
"M-Mama.... P-Papa..." yumakap ito sa magulang.

"Anong nangyari anak!?" Tanong ng Ama nito.

Hindi sumagot ang dalaga. Umiyak lang ito ng umiyak.

Samantala, malungkot na pinapanood ito ni Ren. Hindi nya intensyon na takutin ang dalaga. Kanina parin niya sinasabi sa dalaga na multo siya.

Nang medyo kumalma na si Cassie ay tumingin ito sa kanya.
"Sorry..." bulong ni Ren at biglang naglaho sa paningin ng dalaga.

"Anak ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Tanong ng Ina.

"R-Ren.." mahinang bulong ng dalaga. Nakaramdam bigla siya ng lungkot ng makita ang binatang may malungkot na matang humingi ng tawad sa kanya at biglang naglaho.

"H-Huh? A-Anong sabi m-mo?" Gulat na tanong ng Ina.

"W-Wala po. O-Okay na po ako Ma,Pa. I-Iwanan nyo na po muna ko." Sabi nito at himiga sa kama.

Gulat,nagtataka at nag-aalalang pinagmasdan ito ng mag-asawa.

Muli,tahimik na umiyak ang dalaga...


When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon