6

1 0 0
                                    

[Story]

"Ang hirap ipaliwanag. Parang konektado kami pero hindi. Ughh! Tama na,Cassie. Isang beses mo lang sya nakita at nakausap pero ganyan kana!" Sabi ni Cassie sa sarili.

Tumayo sya at nagsimulang gumuhit. Magaling syang gumuhit. Sa katunayan sya ang nanalo sa poster making contest sa paaralan nila. Pilit niyang itinuon ang buong atensyon don. Hanggang sa natapos sya.

Napa-ngiti ang dalaga ngunit agad ding nawala. Isang lalaking may tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Nakapikit ang mga mata na parang nina-namnam ang bawat sandali. Nakasuot ng isang jacket.. Ang iginuhit niya....

Si Ren ang iginuhit niya... Si Ren habang nakatayo sa isang maganda at mataas na lugar.

Agad nang-gilid ang mga luha niya. Hindi na niya alam ang gagawin.

"Hanggang kelan mo ko pahihirapan?" Bulong niya habang nakatingin sa larawan.

"Cassie..."

Agad siyang napatingin sa pinang-galingan ng boses. At doon nasagot ang kanyang katanungan. Agad siyang tumakbo palapit sa binata. Yayakapin na niya sana ito nang..

"H-Hindi n-na kita mahawakan..." mahinang sabi nya..

Nginitian lamang siya ni Ren.

"R-Ren sorry.. sorry sa inasal ko." Seryoso ngunit may bahid ng kalungkutang sinabi ng dalaga.

"Wala ka namang kasalanan ih." Sabi ni Ren at nginitian si Cassie.

"S-Saan...saan ka nagpunta?" Nagsimula nang mag-tanong ang dalaga.

"Sa happy place." Sagot ng binata.

"Happy place?" Takang tanong ni Cassie.

"May importante lang ginawa." Dagdag pa ni Ren.

"Ren bakit ganon?" Tanong ulit ni Cassie.

"Huh?" Hindi siya maintindihan ng binata.

"Bakit parang may koneksyon tayo? Bakit isang beses lang kita nakita pero-------"

"Dahil di ako sumunod sa rule.." sagot agad ni Ren.

"Rule?"

"Multo kami. Ibig sabihin tapos na ang misyon namin sa mundo, patay na nga ika nila. Ang mga katulad namin napupunta sa itaas. Heaven kung tawagin. Ngunit hindi lahat nakakapasok. Nasa isang kaluluwa na ang desisyon. Tatanungin kung handa nabang lisanin ng isang kaluluwa ang mundo. Yung iba sasagot ng "oo" at tuluyan nang papasok. Pero ang mga kagaya namin ay humindi. Kaya nag-exist ang tinatawag nating multo. Humi-hindi ang isang kaluluwa kung may matindi syang pagnanais na matapos ang isang bagay na hindi niya nagawa. At pilit na tinatapos sa pagiging isang multo. Pero ang lahat ay may katapusan.

Tatlong bagay. Una, bibigyan ng pagkakataon ang isang kaluluwa upang hanapin ang bagay na nais mong gawin.

Pangalawa, sa oras na mahanap mo na ang bagay na ito bibigyan ka ng sapat na panahon para magawa mo na ang dapat gawin.

Pangatlo, ang pag papaalam at paghahanda. Babalik na ang isang kaluluwa sa itaas at tuluyan ng papasok at mamuhay muli.

Ang rule na sinasabi ko sa iyo ay kabilang sa pangalawa. Kailangang kontrolin ng isang kaluluwa ang kanyang sarili. May mga bagay na hindi inaasahang kaya naming gawin. Nahawakan mo ako. Hindi yun aksidente lang. Naka-plano ang lahat ng yon. Nung una akala ko hindi ako magtatagumpay pero nagawa ko. Nahawakan mo ako. Pwedeng magpakita o magparamdam ang isang multo ngunit bawal na mahawakan ito. Sa oras na naisin at nagawa ito ng isang multo, matindi ang magiging kapalit.

Dahil kase sa ginawa ko pwedeng masira ang balance. Dahil sa ginawa ko, may parte satin ang naging konektado kahit hindi dapat." Mahabang paliwanag ni Ren.

"K-Kung ganon... ito ang parusa mo? Ang maging konektado sakin?" Gulat at natatakot na tanong ni Cassie.

"Hindi." Sagit ulit ng binata at nginitian ito.

"Edi ano?" Takang tanong nito.

"Time..." 

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon