[Story]
"Time? Panong time?"
"Wala seryoso mo masyado." Sagot ng binata at nilagpasan si Casie. Nag deredertsyo sya sa pag-pasok ng bahay.
"Dino- drawing mo ko? Kilig naman ako."
"Lol ka hindi ikaw yan no! Kamukha mo lang."
"Sasusunod umisip ka ng magandang palusot ha? Yung kapani-paniwala. Kagandang babae ang bulok ng palusot."
"Edi wow."
Nagsimula ng mag-ayos ng gamit si Cassie.
"Cassie......gala tayo?"
"B-Busy ako."
"Palusot ka nanaman ih. Bili na!" Pilit ni Ren.
"Ayoko."
"Pabebe"
"Pabebe mo to."
"Cassie!"
"Cassie mo to."
Napabuntong hininga si Ren.
"One week. One week lang Cassie. After nun promise di na kita guguluhin." Seryosong sabi ni Ren.
"B-Bakit? A-Alis kananaman? Pano yung connection natin? Bawal yun!" Sunod-sunod na sabi ni Cassie.
"Mamaya ma-aalis na din yan. Inayos ko na diba? Bili na kase!" Pilit nito.
"Okay! Okay! Labas magbibihis ako."
"Dito na lang ako jan kana magbihis I don't mind naman." Nakangising sabi nito.
"Bastos! Lalabas o hindi ako sasama!?"
"High blood naman nito di mabiro. Lalabas na po ako. Labyu! Mamimiss kita!" Tuluyan ng naglaho si Ren.
"Animal na yun." Mahinang singhal nito.
Umalis na si Ren sa kwarto ni Cassie.
"Ang cute talaga ng tabachoy na yon." Natatawang sabi pa nya.
Nilibot niya ang tingin sa loob ng bahay nila Cassie. Tandang-tanda niya ang pagkaka-ayos ng mga kagamitan dito.
Naglakad lang sya hanggang sa nakarating siya sa kwarto ng mga magulang ni Cassie.
Nakita niya ang mga ito na masayang nanonood ng TV. Agad siyang naramdam ng galit. Pagkatapos ng lahat ng kasamaang ginawa ng mga ito sa kanya,eto sila. Masaya at parang walang pino-problema
Nakita niya ang picture frame sa tabi ng mga ito. Picture ng mag-asawa. Inihulog ito ni Ren. Napatingin ang mag-asawa sa gawi nya.
"May tao ba jan? Cassie?" Tanong ng Ginang.
"Baka hangin lang sandali." Sabi naman ng asawa nito at nilapitan ang nahulog na frame.
Habang inaayos niya ito ay nakita niya ang isang litrato. Kinuhanan ito ilang taon lamang ang nakakalipas. Isang babae at lalaki na may ngiti sa labing nakatingin sa isa't-isa.
"Delly! Akala ko ba sinunog mo na lahat ng may kinalaman sa walang kwentang lalaki ni Cassie!? Bat meron pa dito!? Pano kung makita to ni Cassie!? Pano kung maalala niya tong animal na to!?" Sigaw ni Fred.
"Oo nga. Hindi ko alam kung bat anjan yan." Sagot ng asawa nito at kinuha ang larawan.
Ngunit sa kagagawan ni Ren humangin at nalipat ang litrato palabas. Agad itong sinundan ni Ren at kinuha ito. Tsaka niya binalikan si Cassie.
"Ano taba ang bagal mo." Bungad ni Ren kay Cassie.
"Anong sabi mo!? Hindi ako mataba!" Namumula sa galit si Cassie. Yun ang pinaka ayaw nya. Ang tawagin syang mataba.
Tawa lang ng tawa si Ren.
"Balastuga kang animal ka ha! Tara na nga!" Sabi ni Cassie.
Lumabas sila at nag-abang ng masasakyan.
"San ba tayo?" Tanong ni Cassie.
"Gusto mong pumunta sa place ko?" Tanong ni Ren.
Tumango naman ito. Ibinigay ni Ren ang address at sabay nilang pinuntahan iyon.
Nakarating sila sa isang burol. Sa gitna ng burol ay may bahay. Maganda at magarang bahay. Napapaligiran ito ng mga puno at bulaklak.
"Pasok ka." Yaya ni Ren.
Pagkapasok nila ay makikita mo agad ang may nakataklob na puting tela sa mga kagamitan. Puro alikabok na din.
"Sorry kung madumi ha? Tagal na kasing walang napunta dito. Tsaka wala ng natira dito simula nung.... nung namatay ako. " sabi ni Ren.
"Ayos lang. Linisin na lang natin" sagot ni Cassie at nginitian si Ren.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Short Story"I want to give you the most beautiful goodbye..." -Ren
