10

2 0 0
                                    

[Story]

Ilang araw na namang hindi nagparamdam si Ren. Gulong gulo na din si Cassie. Hindi nya alam kung anong gagawin kaya naisipan na lang nyang itanong iyon sa mga magulang nya.

"Ma, Pa pede ko ba kaying makausap?" Tanong ni Cassie.

"Tungkol san ba ang gusto mong pag-usapan Cassie?" Tanong din ng Ina nito.

"Kay Ren..." pagkasabi nito ni Cassie nakita niyang namutla ang magulang. Sa puntong iyon alam nyang may nalalaman nga ang mga ito.

"Sino si Ren, Ma? Ano sya sa buhay ko? Anong nangyayari?" Sunod-sunod na tanong ni Cassie.

"Makinig ka Cassie, wala lang------"

"Wag mong sabihing wala lang yon Ma! Kase alam kong hindi... please sabihin nyo na..." nanggigilid na ang mga luha ni Cassie.

"Boyfriend mo sya. Di namin matanggap ang relasyon nyo dahil mag-kaaway ang pamilya natin at ang pamilya ni Ren. Sinabihan kana namin noon ng mama mo na layuan mo sya pero di ka nakinig. 5 years ago na involved ka sa isang car accident. Nakalimutan mo yung nangyare sayo o nawala ang alala mo sa 3 years before the accident. 2 years wpaang kayo ni Ren kaya pati sya nakalimutan mo na din. Naaksidente ka kasama nya dahil sinubukan nyong mag taanan. Ikaw lang ang nakaligtas at namatay naman si Ren. Na coma ka ng ilang buwan non. At sa loob ng ilang di pa din bumabalik ang alaala mo kaya akala namin wala ng chance na makaalala ka hanggang sa bigla ka nagtanong ngayon." Mahabang sagot ng Ama ni Cassie.

Natulala si Cassie at hindi makapaniwala sa sinabi ng ama niya. Ilang imahe ang biglang pumasok sa isip nya at unti unti na nyang naalala lahat...

Nagsimula nanamang sumakit ang ulo nya at kinain na sya ng kadiliman.


Nagising siya sa loob ng kwarto nya. Naaalala na nya lahat ngayon. Napaiyak na lang sya bigla. Napabangon sya at agad hinanap si Ren. Nagbabakasakali syang bumalik na itong muli pero nabigo sya. Walang Ren doon. Umupo siya sa kama at yumuko.

"Ren bumalik kana please...." bulong na lang nya

"Andito ko love..."

Nanlaki ang mata ni Cassie ng marinig ang boses na yon. Tama sya si Ren nga iyon.

"Naalala mo na ba ngayon love? Alam mo bang ang hirap magpigil sa twing nakikita kita?" Umupo si Ren sa tabi nya.

"Anong gagawin natin Ren? Di ka pedeng mawala..." nagsimula nanamang umiyak si Cassie.

"Matagal na kong wala Cassie..." mahinang sagot nito.

"Ang sabi mo nasa ikalawang hakbang kana.. andito ka para tapusin ang unfinished business mo at ako yon… ngayong naaalala na kita ngayong ilang araw na din tayong magkasama……… hindi. Hindi maaari.. sabihin mong hindi Ren.." napahagulhol si Cassie

"Tama ka Cassie. Nasa ika'tlong hakbang na ko." Mahinang sagot ni Ren.

Tumayo si Cassie.

"No. Alam kong may paraan pa. Makakabalik ka pa Ren. Di mo ko pwedeng iwan." Sabi ni Cassie.

Tipid syang nginitian ni Ren.

"Wala ng paraan Cassie.. ang magagawa na lang natin ngayon ay i enjoy ang mga panahong magkasama pa tayo." Sabi ni Ren sa kanya.

Napa-upong muli si Cassie.

"Hindi ko ata kakayanin iyon Ren.." mahinang sabi ni Cassie
Nginitian lang ulit sya ni Ren. Lumapit si Ren sa kanya at umupo sa harapan nya.

"Pasyal tayo love?" Yaya ni Ren kay Cassie.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon