[Story]
Ginamit ni Ren ang kakayahan niya upang makatulong kay Cassie sa paglilinis. Inabot din sila ng isang oras sa paglilinis. Nang matapos,sabay silang napa-upo sa upuan kahit hindi naman talaga naka-upo si Ren,nakalutang ito.
"Ren kwento ka naman sa buhay mo, yung sa... sa girlfriend mo. Kung okay lang naman sayo. Di naman kita pinipilit. Okay lang talaga hayaan mo na lang akong mamatay sa curiosity." Biglang sabi ni Cassie.
Napatawa naman si Ren.
"Di ka talaga namimilit nyan. Sige na. Magkukwento na." Natatawang sabi nito.
"Di naman. Okay lang talaga kung wag na pero kung mapilit ka sige kwento na bili!"
"High school kami nun. Lunch namin. O-order na sana ako ng pork chop----"
"Animal ka talaga! Sabi ko magkwento ka yung tungkol sa inyo nung girlfriend mo hindi ko sinabing gutumin mo ko!" Sabi ni Cassie sabay bato sa kanya ng throw pillow.
"Part kase yun ano ka ba? So ito na nga. O-order na sana ko nun kase favorite ko yun tas last na din yun. Pero nagulat ako kase may kumuha nun. In short nag-agawan kami sa pork chop. Inis na inis ako ako sa kanya nun. Gutom na gutom ako tapos aagawin lang nya? Pero bigla syang umiyak nun ang sabi pa nya
'Love naman sorry na nga kase tinatanggap ko na tong pork chop mo.'
Isinigaw pa nya yun kaya andami tuloy nagtinginan samin. No choice ako. Binigay ko sa kanya yun. After nun kina-usap nya ko. Nag sorry sya sakin. Sabi nya na favorite daw yun ng crush nya at gusto daw nyang mag-pa impress. Sinungitan ko sya sabi ko pa sa kanya------"
"Wag mo kong idadamay-damay sa kalandian mo....." mahinang pagpapatuloy ni Cassie sa kwento ni Ren.
"P-Paanong..."
"H-Hindi ko d-din alam. B-Basta na sabi ko. S-Siguro kase ganun naman ata yung sinasabi sa ganun." Sagot na pang ni Cassie.
Napa-buntonghininga si Ren bago ipinagpatuloy and pagku kwento.
"T-Tama ka. Yun nga sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari pero pagkatapos nun naging magkaibigan kami. Tinutulungan ko sya sa crush nya kase yun yung gusto nya. Pero habang tumatagal... nagkaka-gusto na ako sa kanya. Tinigil ko pagtulong sa kanya sa crush nya kase ayaw kong magkamabutihan sila. Lagi ko rin syang inaasar ng taba. Gawa nga nung pork chop scene. Di nagtagal inamin ko sa kanya. Ang sabi ko sa kanya-------
"'Mahal kita. I love you. Ai Shiteru. Wo Ai Ni. Te' Amo. S-Saranghae. Pwede bang ako na lang?'
Gulat na gulat sya nun,pulang-pula din ang pisngi nya. Di ka nya pinansin after nun. Pero bigla syang pumunta sa bahay nyo tapos niyakap nya ka. Nag sorry sya. Sorry daw kase late na nyang na realized na ikaw na daw pala gusto nya at hindi si Coby...." Dere-deretsyong pag-papatuloy sa pagku kwento ni Cassie
Nagkatinginan sila. Nakita ni Ren na umiiyak si Cassie. Biglang tumayo si Cassie at tumakbong paalis. Naiwang di makapaniwala si Ren.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Historia Corta"I want to give you the most beautiful goodbye..." -Ren
