9

2 0 0
                                        

[Present]

"Hala Mommy! Si ate Cassie po ata yung girlfriend ni kuya Ren!"

"Oo nga po Teacher Ninang!"

"Tingin nyo sya nga?" Tanong ng guro.

"Opo! Alam po nya yung story! Sya pa po nagdugsong." Sagot ng batang lalaki.

"At umiiyak tapos tumakbo po sya pagkatapos nun. Tapos feeling ko pa may kinalaman parents nya." sagot naman ng batang babae.

"Sya or yung reincarnation nya?" Tanong nitong muli.

"Reincarnation?"

"Yup. Someone who has been born again with a different body after death." Paliwanag nito.

Nagkatinginan ang dalwang bata.

"Pwede po ba yun!?"

"Ewan. Malay natin?"

"Mommy, kung totoo man po yung re..... re.. re ano nga ulit yun Cassie?"

"Renation! Ay teka.. hindi.. Raination! Hindi pa din.. Teacher Ninang ano nga po ulit? Ang hirap pong sabihin." Sabi ni Cassie sabay pout.

"Ewww wag ka ngang gumanyan, Cassie! Mukha kang pato! HAHAHAHAHA" pang-aasar ni Ren.

"Che! I'm not a pato! Teacher Ninang si Ren po oh!" Reklamo naman ni Cassie.

"Ren bad yan. Di mo dapat inaasar si Cassie kahit mukha syang pato..."

"Teacher Ninang naman!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa ng mag-ina.

"Ihhhhhhhh! Ang bad nyong dalwa!"

"Sya,sya tama na nga. Reincarnation yun mga baby. Rein-car-na-tion." Pag-papatuloy ng guro.

"Yun na nga po Mommy. Kung totoo an yun or kung si Ate Cassie po yung re.....re... basta yun na po, still si Ate Cassie parin yung mahu-hurt." Paliwanag ni Ren.

"Duh! Alam mo Ren, di lang naman si Ate Cassie mahu-hurt. Si Kuya Ren din. Kase love na love nya yung girlfriend nya. Tapos umalis pa. Tsaka friend na nya si Ate Cassie pero ganun pa yung nangyayari. What if si Ate Cassie nga yung girlfriend nya? What if bigla syang layuan ni Ate Cassie?" Sagot naman ni Cassie

"Teka Mommy bakit nyo nga po ba kinu-kwento samin to?" Tanong ni Ren.

"Oo nga Teacher Ninang ano pong connect nito samin." Pag sang-ayon ni Cassie kay Ren.

"Secret." Sagot ng guro sa dalawa.

"Mommy bat ba sila nag-mamahal kung alam naman nilang mahu-hurt lang sila?"

"Oo nga po,Teacher Ninang. And required po ba sa love yung sasaktan mo yung taong love na love ka?" Inosenteng tanong ng mga bata.

Napatigil ang guro at bahagyang nag-isip.

"Kaya nagmamahal ang isang tao kahit nasasaktan lang sila kase masarap mag-mahal. And sa love di pwedeng laging happy. Minsan sad din or nakaka hurt din para mas maging strong yung mga tao." Sagot nito.

"Masarap? Mommy may flavor po ba yung love? Kagaya ng ice cream? Pano po malalaman yung flavor ng love?"

Napatawa naman ang guro sa tanong ng anak.

"Ang panget mo talaga! Teacher Ninang means masarap sa feeling yung love. Kagaya ng love ni Daddy si Mommy. Kagaya ng love tayo ng parents natin. Yun yung simasabi nya,Ren." Paliwanag ni Cassie kay Ren.

"Ganun ba? Mommy tama ka po! Masarap pong mag-mahal! Kase love na love nyo po ako ni Daddy and love ko din po kayo!"

"Ako din Teacher Ninang. I love my Mommy and Daddy. And I also love you and Tito."

"Ako,Cassie? Love mo din ba ko?"

"Ayoko sa panget. Hmp!"

"Di naman ako panget ah! Ang pogi ko nga eh! Mana ko kay Daddy. Kaya nga andaming nag kaka crush sakin sa school."

"You're so mayabang na!"

"You're so conyo na."

"Ren naman eh!"

"Nye nye nye."

"I hate you!"

"I love you,Cassie!"

Agad namula si Cassie sa sinabi ni Ren.

"E-Ewwwww! P-Panget!" 

"Itutuloy pa ba natin yung kwento o hindi? Malapit na kayong matulog oh." Some ngit ng Guro sa dalwang bata.

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon