[Present]
"Grabe naman po Teacher Ninang! Na-aawa po ako para kay Ren." Malungkot na kumento ng batang babae.
"Oo nga Mommy! Sinabi nanaman po ni Ren nung una palang po diba?" Kumento naman ng batang lalaki.
"Ganun talaga mga anak. Syempre nagulat din naman si Cassie. Hindi nyo sya masisisi." Pagtatanggol ng guro sa babae sa kwento.
"Pero kahit na po, Teacher Ninang! Teka, asan na po si Ren? San na po sya pumunta?" Tanong ng batang babae.
"Sa happy place." Bulong ng guro.
"Happy place?" Tanong ng batang lalaki.
"H-huh? Sabi ko sa lugar na kung saan walang nakaka-alam." Sagot ng guro.
"Sana po bumalik na agad si Ren. Tsaka sana po tumahan na po si Cassie." Sabi ulit ng batang babae.
"Oo nga po,Mommy." Pagsang-ayon ng batang lalaki.
"Sana nga." Tipid ngiting bulong ng guro.
"Mommy,ituloy nyo na po yung kwento!" Excited na sabi ng batang lalaki.
"Oo nga po teacher Ninang!" Sang-ayon ng batang babae.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
[Story]Isang linggo. Isang linggo mula ng maglaho si Ren hindi na muli ito nagparamdam. Labis na nalungkot si Cassie sa hindi malamang dahilan. Hindi na rin kase siya nagigising ng madaling araw o di kaya'y nakakaramdam ng kung ano.
Parang bumalik na sa dati ang kanyang pamumuhay. Bumalik na rin ang pinaka-ayaw niyang maramdaman. Ang pakiramdam na mag-isa. Ang pakiramdam na may kulang..."Cassie!" Bumalik sa ulirat ang dalaga ng marinig ang pag-tawag ng kaibigan.
"Bakit?" Tanong nito.
"Hindi ka naman nakikinig ih! Kanina pa ko salita ng salita! Hayst!" Nagre-reklamong sabi ng kaibigan nito.
"Pwede ba Michelle! Madami pang akong iniisip!" Naka sigaw na sabi ng dalaga..
Parehas silang gulat na gulat. Ni minsan hindi pa nasigawan ng dalaga ang kaibigan nito.
"C-Cassie..." di makapaniwalang sabi ng kaibigan.
Napayuko ang dalaga.
"Pasensya na,Mich. Hindi ko sinasadya." Hindi na napigilan ng dalaga. Nagsimula ng tumulo ang mga luha niyang matagal na niyang pinipigil.
Mas nagulat si Michelle sa nakita. Umiiyak ang dalaga. Sa tagal na nilang mag-kaibigan ngayon na lang nya ulit nakitang umiyak ang dalaga. Ang huli ay noong mga bata pa sila sa kadahilanang, walang gustong kumalaro kay Cassie. At dahil dito, wala ng ibang nilalapitan pa si Cassie. Natatakot siyang ayawan nanaman ng ibang tao. Si Michelle lang ang nalalapitan ni Cassie. Mahiyain din kase ang dalaga.
Niyakap ni Michelle ang kaibigan.
"Tahan na, Cassie. Ano bang nangyari? Nung isang araw kapa ganyan." Nag-aalalang sabi ng kaibigan.
Nagsimula ng mag-kwento si Cassie.
"S-Seryoso k-ka ba jan sa mga sinasabi mo Cassie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Michelle.
"Tingin mo ba may oras pa kong gumawa ng mga kwento?" Seryosong tanong ng dalaga.
Hindi na nag-dalawang isip si Michelle. Pinaniwalaan na niya ang kaibigan. Noong mga bata pa sila, may naririnig ng kakaiba sa Cassie. Nakakarinig siya ng mga nakakatakot na bagay. Ito ang dahilan ng pag-layo sa kanya ng mga bata noon. Pero natigil na ito ng tumung-tong na sila sa 13 na taong gulang.
"Bakit ganun Mich? Bakit ganito?" Umiyak muli ang dalaga.
"Siguro dahil nasanay kana sa kanya. Na yun nga, parang may nagbabantay sayo ganun. Tapos di pa maganda yung huli yung kinalabasan ng pagki-kita nyo. Tahan na. Magiging ok ka rin." Paliwanag ng kaibigan nito.
"Tingin mo babalik kaya sya?" Malungkot tanong ng dalaga.
Napabuntong-hininga si Michelle.
"Siguro. Baka. Malay natin." Sagot na lamang nito.
"Talaga!?" Nabuhayang tanong ng dalaga.
"Hmmm." Tumatangong sagot nito.
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Short Story"I want to give you the most beautiful goodbye..." -Ren