[Present]
"Teacher,tama po ba to?" Tanong ng isang bata sa kanyang guro.
"Ang galing naman ni Cassie. Tama lahat." Ngiting sagot naman ng kanyang guro.
"Nangopya lang naman." Mahinang bulong ng isang batang lalaki sa gilid ngunit hindi nakaligtas sa panrinig ng batang babae.
"Anong na ngopya!? Nakinig ako kanina sa lessons ni Teacher kaya ko na intindihan no!" Masungit na sigaw ng batang babae sa lalaki.
"Ikaw ba sinabi ko? Defensive ka masyado." Sagot ng batang lalaki at nag pout.
"Teacher oh!" Mangiyak-ngiyak na sumbong ng babae.
Sa halip na pigilan ang dalwang bata sa pag-aaway, napa ngiti ang guro.
"Ang epal mo!"
"Mas epal ka!"
"Pangit!"
"Mas pangit ka!"
"Di kita bati!"
"Susumbong kita kay Mommy!"
"Che!"
"Bleh"
Dahil sa mga ito, napatawa na lamang ang guro.
"Mga bata dali kayo.." tawag nito.
"Teacher sya po na-una!" Sumbong agad ng babae.
"Sya po talaga Mo---teacher!" Sabi naman ng lalaki.
Nakangiting gunulo ng guro ang buhok ng batang lalaki.
"Ikaw ha! Lagi mong inaasar si Cassie!" Kunwaring pinapagalitan ito ng guro.
Lumapit ang guro at binulungan ang batang lalaki.
"Crush mo si Cassie no?" Ngiting bulong niya.
Agad namula ang batang lalaki.
"Andaya! Bakit po sya binulungan nyo? Bakit po ako hindi? Tsaka bakit po sya namumula?" Reklamo ng batang babae at nag pout.
Lumapit rin ang guro at binulungan ang batang babae.
"Ang cute mo raw." Tukso ng guro.
Namula rin ang batang babae. Napatingin sya sa kaaway na lalaki, saktong tingin rin nito sa kanya.
"Yieeeeee." Tukso ng guro.
"T-Teacher! Grade 4 palang po kami!" Sigaw ng batang lalaki.
"Oh? Ina-ano kita?" Natatawang sagot ng guro.
Hindi nakasagot ang lalaki.
"Alam nyo may i ku-kwento ako sa inyo." Ngiting sabi ng guro.
"Ano po yun?" Tanong ng mga bata.
"Secret. Mamayang uwian ko sasabihin sa inyo." Ngiting sagot ng guro.
"Promise po?" Tanong ng batang babae.
"Promise. Sya,bumalik na kayo sa upuan nyo." Sagot ng guro.
Sumunod naman ang dalwang bata. Nakangiti paring pinagmasdan ito ng guro.
"Parang sila,tayo." Bulong ng guro.
Biglang may nilipad na papel at napunta sa mismong desk ng guro.
'Isang happy face.'
"Sorry po,teacher! Bigla po kasing nilipad." Sabi ng isang batang lalaki.
Ngumiti na lang rin ang guro. Ilang sandali pa ay tumayo na ito at pumunta sa unahan.
"Ok class, ipasa nyo na yung gawa nyo. Pass your paper forward." Anunsyo nito.
"Pass your paper,pass your paper quietly,quietly~" kanta pa ng mga bata.
Pagkatapos maipasa saktong tunog na rin ng bell.
"Goodbye class." Sabi ng guro.
"Goodbye teacher~ Goodbye classmates. I will see you tomorrow. Thank you for teaching us." Sabay-sabay na paalam ng mga bata at nagtakbuhan paalis.
Napansin ng guro na naiwan ang dalwang batang kina-usap niya kanina.
"Hindi pa ba kayo,uuwi?" Tanong ng guro.
"May iku-kwento pa po kayo,Mommy..." Paalala ng lalaki.
"Mamaya pa rin po dating ng sundo namin." Sabi naman ng babae.
"Gusto nyo talagang malaman?" Tanong ng guro.
"Opo" sagot nila.
~•~•~•~•~
Note:
Naglagay na po ako ng:
[Present]
[Story]
Sa bawat chapters para di na po kayo malito kung alin yung kinu-kwento ni Teacher at kung alin yung present time. Enjoy reading. <3
~Ms. A
BINABASA MO ANG
When You're Gone
Short Story"I want to give you the most beautiful goodbye..." -Ren
