Samantha's Pov
Ginising ako ng maaga ni Tita Kath ng sobrang aga. Pinaliguan nya ko at sinubuan ng almusal na pinainit na Lasagna.
(A/N: Bulag po kasi si Samantha.)
Hinatid na ko ni Tita Kath sa Alcantara University. First Day of High School ko dito. I'm 4th Year High School na mga bes.
"Andito na tayo." bati ni Tita Kath pagka-labas namin. Inaalalay ako ni Tita Kath pagpasok.
May naramdaman akong may humawak sa kamay ko.
"Bes, sabay na tayo pumasok sa school. Ay,teka lang ha. May kukunin lang ako sa bag ko. Halika, alalayan kita paupo sa Bench." bungad sakin ni Divina.
Syempre naramdaman ko na pinaupo ako ni Divina sa bench.
"Tita Kath, okay na po kami. Ako na po ang mag-aalalay kay Samantha papasok. Bye po." pagpapaalam ni Divina kay Tita Kath.
"O sige. Hintayin na lang kita pauwi mamaya ha. Mag-ingat kayo." At alam ko na umalis na si Tita Kath.
Hinawakan at kinapa ko yung braso ni Divina. "Divina, ano pa bang ginagawa mo?" tanong ko.
"Wait hinahanap ko yung ipit at suklay ko. Maybe later na tayong pumasok ng classroom dahil magri- ring naman yung bell eh." sagot nya habang humahalungkat sa bag nya.
"Guys, tingnan nyo may nangingielam sa bench natin o."
"Oo nga eh. Tambayan natin yan tapos kinukuha nila."
Sino kaya yung mga lalaking parang mga siga? Yung bench ba na tinutukoy nila ay yung bench na inuupuan namin ni Divina?
"Alis dyan?" sabi ng lalaki.
"Dito kami nakaupo. Bakit nyo kami pinapaalis?" pataray na tanong ni Divina sa mga lalaki.
"Ang sabi ko, ALIS!!!" narinig ko na lang na tinulak nung lalaki si Divina.
"Aray naman! Bakit ka ba nanunulak?" sigaw ni Divina.
"Lumalaban kang babae ka!" sigaw nung lalaki.
"Ano ba wag mo kong hawakan?!!"
"Mayabang ka ha!!!"
"Umalis na kayo!!!"
"Tama na kasi!!!"
"Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo babae ka!!!""TUMIGIL NA NGA KAYO!!!" sigaw ko habang nakatayo.
*Riiing*
"Pasalamat kayong dalawang babae kayo, nakaligtas kayo dahil pasukan na. Humanda kayo."
"Tara na nga."
Hinawakan ako ni Divina sa balikat habang umiiyak sya. Ramdam ko ang sakit ng ginawa nung mga lalaki kay Divina.
"Okay ka lang ba, Samantha? Hindi ka ba nasaktan? Tingnan ko nga yang braso at pati...."
"Divina,okay lang ako. Tara pasok na tayo." sabi ko.
Nakapasok na kami ng classroom. Ang ingay naman. Ouch! Nabato ako ng isang matigas na bagay sa ulo ko.
"Dito na lang tayo umupo. Para mas marinig mo yung sinasabi ng teacher natin." sa wakas, nakaupo rin.
"Good Morning, Class. For today, our subject is English. Before we begin, write your Name, Age, Birthday and your Address in a piece of paper and pass it to me." sabi nung teacher namin.
"Ako na ang gagawa sayo, Samantha. Pasalamat ka." bulong ni Divina sakin.
"Edi Thank you." sagot ko.
"Ms. Hulleza, bakit hindi ka gumagawa ng mga pinagagawa ko?" nagulat na lang ako nang maramdaman kong nasa harap ko ang teacher namin.
"I will explain, Mrs. Brenda. This is Samantha Hulleza. She's Blind." salamat talaga Divina. You'll always be my bestfriend.
"I understand. Tommorrow I hope I could find someone who could assist Ms. Hulleza at her studies. Very Good, Ms. Hulleza. Kahit may kapansanan ka, masipag ka paring mag-aral. Everyone, respect Ms. Hulleza. Be inspired. Isang malaking mabuting ihemplo si Ms. Hulleza satin. Continue your work."
After English Class, kinausap kami ni Divina ng Principal.
"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, Samantha. Sa ngayon, you are excused. Pwede ka munang umuwi. I'll find who can assist you with your studies immediately. Give me your Guardian or Parent's number and I will call them para sunduin ka pauwi." pag explain ni Mrs. Principal.
***
"Samantha!" bungad ni Tita Kath sabay yakap sakin nung nakita nya ko.
"Iuwi ko na po ang pamangkin ko. Thank you po ulit, Mrs. Jackilyn." paalam ni Tita Kath.
"Sige, mauna na ko sa Science Class ko ha. Bye, Samantha. Bye po, Tita Kath." At umalis na nga si Divina.
Sumakay na ko sa kotse ni Tita Kath at nakauwi. Agad akong binihisan ni Tita Kath at kumain ng brunch or breakfast lunch. 9:36 am pa lang e.
"Tara dun sa kwarto mo. Basahin natin yung novel. Anong chapter na ba natin?" tanong ni Tita habang inaakyat ako sa hagdan papuntang kwarto ko.
"Chapter 27 na po tayo sa " Beautiful in the Moonlights' Night". sagot ko.
Nung Chapter 29 na, agad akong nakatulog. Sobrang pagod. Actually, napagod ba ko?
Sino kaya ang aalalay sakin sa studies ko bukas?
Mabait kaya sya?
Mabait ba sya kasi tutulungan nya lang ako?
BINABASA MO ANG
Heartbeats
RandomMaaalala kita kahit na bulag ako. Ano mang mangyari, walang makakapag-hiwalay satin. Darating din ang araw na makikita ko ang tunay mong anyo.